PBBM NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG PINAY NA NASAWI SA MISSILE ATTACK SA ISRAEL

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng isang Pilipinang nasawi sa missile attack sa Haifa noong Linggo ng gabi, Abril 5. “Kasama nating nagluluksa ang kanyang pamilya sa gitna ng isang trahedyang hindi dapat maranasan ninuman,” pahayag ng Pangulo. Ayon kay Marcos, inatasan na niya ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng buong tulong sa pamilya ng biktima at tiyakin ang agarang repatriation ng labi nito. Hindi pinangalanan ang biktima alinsunod sa hiling ng pamilya na mabigyan sila ng pribadong panahon ng pagdadalamhati, ayon…

Read More

AGARANG TULONG SA MGA BIKTIMA NG PANIBAGONG LINDOL SA CEBU, PINASISIGURO

UMAPELA si Senador Sherwin Gatchalian ng agarang tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Bogo City at mga karatig na lugar sa Cebu. Ayon kay Gatchalian, nakalulungkot na muling tinamaan ng lindol ang lalawigan na una na ring nakaranas ng malakas na pagyanig noong nakaraang taon. Dahil dito, iginiit niya ang pangangailangan ng mabilis at epektibong aksyon mula sa pamahalaan. Hinimok ng senador ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, na agad magsagawa ng masusing assessment sa…

Read More

PCO DUMULOG SA DOJ LABAN SA UMANO’Y NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

DUMULOG sa Department of Justice si acting Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez upang paimbestigahan ang umano’y nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas” na nagpapakalat ng maling impormasyon. Tinukoy ni Gomez ang isang post na nagsasabing magkakaroon umano ng “energy lockdown” o kakulangan sa suplay ng langis sa bansa—isang pahayag na aniya’y maaaring magdulot ng labis na pangamba sa publiko. Ayon sa kalihim, ang ganitong uri ng pekeng balita ay posibleng mag-udyok ng panic buying at hoarding ng mga produktong petrolyo. Dagdag pa niya, may ilang indibidwal…

Read More

Tutugon sa SALN request GARAFIL TUMIKLOP KAY BOYING

NILINAW ni House Secretary General Cheloy Garafil na tutugunan ng Kamara ang hiling ng Office of the Ombudsman na isumite ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mambabatas. Ito ay kasunod ng babala ni Ombudsman Crispin Remulla na maaari siyang maharap sa contempt kung hindi agad makikipagtulungan ang Kamara sa kanilang kahilingan. Iginiit ni Garafil na walang intensyon na suwayin o isnabin ang utos ng Ombudsman. “We have no intention of showing disrespect or evading our duty to respond. All official communications will be attended to…

Read More

HOUSE JUSTICE COMM PINASUSUMITE KAY REMULLA SALN NI VP SARA

INATASAN ng House Committee on Justice si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na dumalo sa impeachment hearing sa Abril 14 at magsumite ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte. Inisyuhan si Remulla ng subpoena testificandum et duces tecum ng komite. Batay sa dokumentong pirmado nina Committee Chairperson Gerville Luistro, House Secretary General Reginald Velasco, at House Speaker Faustino Dy III, inaatasan si Remulla na magsumite ng certified true copies ng SALN ni Duterte para sa mga taong 2007–2013, 2016–2022, at 2022–2025. “You…

Read More

P10-B pondo kapos na kapos 60% NG MAGSASAKA, MANGINGISDA MABOBOKYA SA AYUDA

AABOT sa 60 percent ng mga rehistradong magsasaka at mangingisda ang hindi masasaklaw ng P10 bilyong Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk. Ito ang kinumpirma ni Senador Kiko Pangilinan makaraang ihayag na 4.18 milyon lamang sa 10.76 milyong rehistradong food producers ang maaaring makinabang sa pondo batay sa listahan ng Department of Agriculture’s Registry System for Basic Sectors in Agriculture (DA-RSBSA). “Frontliner food soldiers sa krisis ang ating mga magsasaka at mangingisda. Sandata nila ang agarang tulong-pangkabuhayan para tuloy-tuloy silang makapagbungkal ng lupa at makapaglayag, at tuloy-tuloy din nilang maipaglaban…

Read More

Maingay na videoke i-report sa 911 — DILG WALWALAN SA KALYE, NAKA-TOPLESS EKIS NA

MAHIGPIT nang ipagbabawal ang pag-inom sa mga kalsada at pampublikong lugar bilang bahagi ng “Safer Metro Manila Plan” ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Inatasan ng DILG ang Philippine National Police na ipatupad ang mas pinaigting na public safety rules, kabilang ang pagbabawal sa public drinking, curfew violations, at iba pang paglabag sa community ordinances. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, hindi na papayagan ang paglalatag ng mesa at upuan sa mga lansangan para sa inuman. “Bawal na ang mag-inom sa kalye. Doon nagsisimula…

Read More

PLUNDER IPINOPORMA NG OMB VS ROMUALDEZ, ESCUDERO

TINIYAK ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng kasong plunder sina dating Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon sa Ombudsman, may nakita umanong sabwatan sa proseso ng paglalaan ng pondo ng pamahalaan noong 2024 at 2025 na kinasasangkutan ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Target isampa ang kaso laban sa dalawang opisyal sa darating na Mayo. Kasabay nito, inatasan din ng Ombudsman ang lahat ng kongresista na isumite ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) upang masuri ang kanilang yaman sa…

Read More

WFH SA PRIVATE SECTOR MAKABABAWAS SA FUEL CONSUMPTION—PALASYO

NANINIWALA ang Malacañang na makatutulong ang work-from-home setup sa pribadong sektor upang mabawasan ang fuel consumption at maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nasa pribadong kumpanya ang desisyon kung ipatutupad ang ganitong setup. “Kung iyan ang magiging panukala ng mga private business companies, makakatulong na malaki ‘yan. Pero siyempre hindi naman didiktahan ng Pangulo ang mga pribadong kumpanya,” ani Castro. Binigyang-diin niya na malaya ang mga kumpanya na pumili ng work arrangement na makabubuti sa…

Read More