Dumarami ayaw magbayad PROTESTA VS KORUPSYON RAMDAM NA SA TAX COLLECTION

KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng DOF, sinabi ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue ang slowdown sa pagbabayad ng buwis bagama’t sa ngayon ay manageable pa.

Sinabi ni Senate Finance Committee chairman Sherwin Gatchalian na marami sa mga tao ang mag-iisip muna nang matagal bago magbayad ng buwis.

“May effect ba on taxpayers payments dahil maraming nadidismaya maraming rally do you see any slowdown in paying taxes?,” tanong ni Gatchalian.

“Yes nararamdaman na ng BIR yan medyo ang growth rate ng collection nila nababawasan na ng konti but so far manageable ang lahat,” tugon ni Recto.

“Yan ang ayaw natin mangyari nababawasan ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno and the offshoot there yung iba magwi-withhold ng payments yung iba baka many times na pag-iisipan bago magbayad,” dagdag ni Gatchalian.

Sinisi rin ng DOF sa katiwalian ang mababang kita ng bansa sa mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Recto na kung hindi napunta sa korupsyon ang bahagi ng budget sa maanomalyang flood control ay lumago na sana ng 6 hanggang 6.2 percent ang ekonomiya ng bansa at mas malaki sana ang koleksyon na kita ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Bukod sa flood control projects anomalies ay apektado rin ang kita ng bansa kapag hindi na-target ang GDP growth gayundin ng global challenges na kinakaharap ng maraming nasyon tulad ng global economic slowdown.

(DANG SAMSON-GARCIA)

66

Related posts

Leave a Comment