TINUTUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang 100% birth registration ng mga batang nasa Early Childhood Care and Development (ECCD) program sa ilalim ng kampanyang “Batang Rehistrado, Kinabukasan Sigurado.” Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, layon ng programa na marehistro ang lahat ng batang Muntinlupeño, lalo na yaong walang birth certificate, upang masiguro ang kanilang legal na pagkakakilanlan at karapatan bilang mamamayan. Sa ilalim ng programa, libre ang birth registration at sasagutin ng lungsod ang lahat ng bayarin. Libre rin ang late registration para sa mga batang limang taong gulang pababa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
GOITIA: PBBM IBINABALIK ANG DANGAL AT DISIPLINA SA PAMAHALAAN
PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa matatag nitong paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa gobyerno. Ayon kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lang reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamahalaan. “Simple pero makapangyarihan ang mensahe ng Pangulo — walang dapat masayang na pera, at walang sinuman ang mas mataas sa batas,” ani Goitia. “Iyan ang uri ng pamumuno na may respeto ng taumbayan.” Binigyang-diin ng Pangulo na bawat piso ng badyet ay dapat maramdaman ng…
Read MoreSOLON: P113-B ‘INVISIBLE INSERTIONS’ SA 2026 BUDGET
TADTAD pa rin ng “insertions” ang panukalang 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nakatakdang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ngayong linggo, ngunit itinago umano sa sambayanang Pilipino ang bulto ng dagdag na pondo. Ito ang ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa kanyang turno en contra, matapos niyang matuklasan ang umano’y P113 bilyong “invisible insertions” sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Dahil sa tindi ng galit ng mamamayan, napilitang tanggalin ang P255 bilyong locally-funded flood control projects. Pero ang inilihim…
Read MoreHindi naharang ng sibat: REMULLA BAGONG OMBUDSMAN
IT’S FINAL! Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, kapalit ni Samuel R. Martires na natapos ang termino noong Hulyo. Nauna nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na si Remulla ang napili ng Pangulo para sa posisyon noong Lunes, Oktubre 6, ngunit pinayuhan ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na huwag pangunahan ang anunsyo ng Pangulo. “Tingnan po muna natin. Huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist,”…
Read MorePOLITICAL DYNASTIES PINATATAG NG ‘PORK’, AYUDA NG MGA POLITIKO
PORK barrel, budget insertions at ayuda mula sa buwis ng taumbayan na ipinamimigay ng mga politiko sa kanilang mga nasasakupan ang siyang nagpapatatag sa mga political dynasty sa Pilipinas. Sa privilege speech ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, kinastigo nito ang Mababang Kapulungan dahil sila mismo aniya ang dahilan kung bakit nasusunog na ngayon ang kapulungan. “Yes, Mr. Speaker — this House is on fire! At ang masakit na katotohanan: tayo mismo ang nagsindi ng apoy na ito. Noong mga nakaraang Kongreso, may mga apoy na. Ngunit sa 19th Congress,…
Read MoreMAS MATIBAY NA PROTEKSYON NG BPO WORKERS ISINULONG NI VILLAR
NAGHAIN si Senadora Camille Villar, ng panukalang batas na layong palakasin ang proteksyon para sa mga manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) sector. Nilalayon ng panukala na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado, lalo na matapos lumabas ang mga ulat hinggil sa mga BPO worker sa Cebu na pinilit umanong bumalik sa trabaho kahit may banta pa ng panganib matapos ang malakas na lindol. Mariing tinutulan ng mga manggagawang BPO sa Cebu ang umano’y return-to-work orders at banta ng pagkawala ng trabaho matapos nilang unahin ang kanilang kaligtasan…
Read MoreHouse employees iwas mapagdiskitahan DY AMINADONG GALIT PUBLIKO SA KAMARA
INAMIN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na bumaba ang tiwala ng taumbayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod ng mga anomalya sa flood control projects, dahilan para ilang empleyado ng Kamara ay magpalit o hindi magsuot ng uniporme sa takot na pagdiskitahan ng publiko. Sa kanyang unang talumpati bilang Speaker sa flag ceremony kahapon sa Batasan Pambansa, umapela si Dy sa mga opisyal at empleyado ng Kamara na magtulungan para maibalik ang tiwala ng mamamayan. “May nabalitaan nga po ako na may mga kasamahan tayong kailangang magpalit o…
Read MorePAGPAPALUTANG NG MULING KUDETA SA SENADO ‘PSYWAR TACTIC’ – PING
WALANG katotohanan ang sinasabing panibagong kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa gitna ng muling ugong ng napipinto umanong pagpapalit ng liderato ng Senado. Sinabi ni Lacson na maituturing itong lumang rehashed psywar tactic na naglalayong lituhin ang publiko at bumuo ng intriga sa mga miyembro ng majority bloc sa Senado. Binigyang-diin pa ng senador na wala rin itong kinalaman sa kanyang desisyon na mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Tiniyak naman ni Lacson na…
Read MoreSNAP ELECTIONS NI CAYETANO TABLADO
IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III ay walang konstitusyunal at legal na basehan ang panawagan para sa snap elections. Kasunod ito ng panawagan ni Senator Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno mula sa Kongreso hanggang sa Malakanyang para mabigyang daan ang pagdaraos ng snap elections. Ang tanong ni Sotto, kung ano ang sasabihin ng mga bagong halal na malinis ang mga record sa panunungkulan sa gobyerno dahil damay sila sa marumi o sa mga sangkot sa katiwalian. Samantala, iginiit ni Senate…
Read More