PUBLIKO PINAG-IINGAT NG DOH LABAN SA PEKENG ANTI-RABIES VAX

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng anti-rabies vaccine sa merkado. Ito ay kasunod ng mga ulat na may mga bakuna laban sa kagat ng hayop na ibinebenta sa mas mataas o kahalintulad na presyo ng orihinal. Ayon sa DOH, maaaring mapeke ang anomang gamot anoman ang brand kaya mahalagang suriing mabuti ang mga ito bago gamitin. Payo ng mga namamahala sa Animal Bite Treatment Center (ABTC), tiyakin na ang bakuna ay may certificate of product registration at ang supplier ay may license to…

Read More

AYUDA SA HIGIT 5M MINIMUM WAGE EARNERS INAARAL PA

PAG-AARALAN pa ng Palasyo ang mungkahing magbigay ng P5,000 ayuda sa mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage. Ito’y sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng langis at banta ng dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin. Una nang iminungkahi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isama sa makatatanggap ng ayuda ang mahigit 5 milyong minimum wage earners sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, pag-aaralan pa ito ng pamahalaan, ngunit uunahin muna ang mga tsuper na pangunahing apektado ng oil price hikes. Tiniyak…

Read More

POSIBLENG PRICE CAP SA LPG IPINANAWAGAN

NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na pag-aralan ang pagpapatupad ng price cap sa liquefied petroleum gas (LPG) sa gitna ng nakaambang pagtaas ng presyo nito sa Abril. Ayon kay Gatchalian, inaasahang tataas ng P35 hanggang P40 ang presyo ng kada 11-kilong tangke ng LPG, na maaaring magtulak dito sa pinakamataas na antas sa kasaysayan. Aniya, magdudulot ito ng dagdag na pasanin sa mga karaniwang konsyumer at maliliit na negosyante. Binigyang-diin ng senador na mahalagang tiyakin ng DOE at…

Read More

PCG NAKAHANDA SA INAASAHANG MASS EXODUS SA SEMANA SANTA

HANDA na ang Philippine Coast Guard para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa. Ayon sa PCG, mula Marso 28 hanggang Abril 5, 2026 ay magde-deploy sila ng humigit-kumulang 17,000 personnel upang umalalay sa mga pasaherong uuwi sa kanilang mga lalawigan. Ipinag-utos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang paghihigpit sa pre-departure inspections sa mga pantalan upang maiwasan ang overloading ng mga barko. Sinabi naman ni Commodore Noemie Cayabyab, tagapagsalita ng PCG, na posibleng umabot sa halos tatlong milyong pasahero ang dadagsa sa mga pantalan kung…

Read More

IMPEACHMENT HEARING TULOY PA RIN — HOUSE JUSTICE COMMITTEE

TULOY ang pagdinig ng House of Representatives Justice Committee sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa kabila ng petisyong inihain sa Korte Suprema. Sa inilabas na pahayag, sinabi ng komite na wala pa silang natatanggap na opisyal na kopya ng petisyon kaya’t hindi pa sila makapagbibigay ng komento. Gayunman, iginiit ng komite na kinikilala nila ang Korte Suprema bilang final arbiter at susunod sila sa anomang magiging kautusan nito. Binigyang-diin din ng komite na alinsunod sa Konstitusyon, ang House of Representatives of the Philippines ang may eksklusibong kapangyarihan…

Read More

IMPEACHMENT VS. VP DUTERTE MULING KINUWESTYON SA SC

ISINAMPA sa Korte Suprema ang petisyon laban sa House of Representatives Justice Committee kaugnay ng isinasagawang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang online post, ibinahagi ni Atty. Israelito Torreon ang paghahain ng “petition for certiorari and prohibition” kasama ang hiling na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO). Kinuwestiyon sa petisyon ang constitutionality ng pagdinig at pagproseso ng impeachment complaint laban sa bise presidente. Kabilang sa mga naghain ng petisyon sina Atty. Martin Delgra III, Atty. Victor Rodriguez, at iba pa. (JULIET PACOT) 210

Read More

‘FISHING EXPEDITION’ CLAIM NG KAMPO NI VP SARA, ITINANGGI NG HOUSE PANEL

ITINANGGI ng House Committee on Justice ang paratang ng kampo ni Vice President Sara Duterte na nagsasagawa ito ng “fishing expedition,” iginiit na ang mga dokumentong pinasusumite ay bahagi ng public records. Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, miyembro ng justice panel, may malinaw na batayan ang komite sa paghingi ng mga dokumento. “Alam naman po natin na entitled sila sa kanilang opinyon. Pero malinaw ang mga facts. May kailangang ipaliwanag ang ating pangalawang pangulo sa discrepancy sa kanyang SALN noong 2007 at 2024,” ani Ridon. Dagdag pa…

Read More

‘FLOW OF OIL’ PAGKATAPOS NG 45-ARAW NA SUPPLY – MARCOS JR.

TIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling sapat ang suplay ng langis ng bansa kahit matapos ang kasalukuyang 45-day fuel supply. Ayon sa Pangulo, “we will be alright” sa loob ng 45 araw habang patuloy ang paghahanap ng gobyerno ng karagdagang mapagkukunan ng langis. “And although we cannot be assured right now of the supply, we can be sure that at least for 45 days we will be alright,” ani Marcos. Dagdag pa niya, inaasahang magkakaroon ng tuloy-tuloy na dating ng suplay ng petrolyo bago pa maubos ang…

Read More

DELIVERY NG OIL PRODUCTS SA MAYO, ‘SUNTOK SA BUWAN’ – OIL COMPANIES

gas

KINUMPIRMA ng ilang oil companies na nahihirapan na silang mag-secure ng suplay ng langis. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Protect Committee, sinabi ng Independent Philippine Petroleum Companies Association o IPPCA, bagama’t may paparating silang suplay sa Abril, wala pang kumpirmasyon ng delivery matapos ang naturang buwan. Ayon kay IPPCA President Tanya Samillano na wait and see ang kanilang sitwasyon sa ngayon. Ang mga kumpanya naman ng langis na miyembro ng Philippine Institute of Petroleum tulad ng Petron, Shell, Chevron at iba pa ay ginagawa ang kanilang makakaya upang makakuha ng…

Read More