ANO ANG SOCIAL RESPONSIBILITY?

At Your Service Ni Ka Francis ANG social responsibility o corporate social responsibility (CSR) ay isang pangako ng kumpanya na pamahalaan ang mga epekto sa lipunan, kapaligiran at ekonomiya ng mga operasyon nito nang responsable at naaayon sa mga inaasahan ng publiko. Kabilang sa mga aktibidad ng CSR ang mga patakaran ng kumpanya na nagpipilit sa pakikipagtulungan sa mga kasosyo na sumunod sa mga etikal na gawi sa negosyo. Ano ang CSR? Ang CSR ay isang konsepto ng pamamahala kung saan isinasama ng mga kumpanya ang mga alalahanin sa lipunan…

Read More

NAPAPANAHON NA BA DIVORCE SA PILIPINAS?

EDITORIAL ISA ang pulso ng mamamayan sa isinaalang-alang na batayan sa pagtalakay sa mahalagang usapin tulad ng diborsyo. Ang pananaw ng nakararami ay kinokonsidera kaya dapat laliman ang pag-aaral bago humantong ang mga may katungkulan sa desisyong ibinase sa saloobin ng publiko. Mainit ngayon ang usapin sa diborsyo sa Pilipinas. Sa ibabaw ng bulto ng mga sari-saring palagay ay sumingaw ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 50% o kalahati ng mga Pilipino ang sumasang-ayon sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas para sa mga mag-asawang naghiwalay na at hindi…

Read More

PAGRESPETO SA IBA’T IBANG PANANAW SA DIVORCE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng pagiging isa sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo, nananatiling isa sa ilang natitirang mga bansa na walang batas sa diborsyo ang Pilipinas. Kaya ang usapin tungkol dito, lalo pang uminit matapos maipasa ang divorce bill sa Kongreso. Maraming sektor ng lipunan ang nagpahayag ng kani-kanilang posisyon kasama na ang mga kumokontra dito dahil sa pananaw na immoral ito at hindi ginagalang ang sakramento ng kasal. Nariyan din ang nagtutulak na gawin na lang libre ang annulment kaysa payagan ang…

Read More

KULANG SA SUPORTA MAGSASAKA KAYA KAPOS SA PAGKAIN ANG PINOY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO INIKOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang lugar sa bansa kamakailan para tumulong sa pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng repormang pansakahan. Libo-libong ektaryang lupa ang naipamahagi sa mga benepisyaryong magsasaka mula sa South Cotabato, Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Dumaguete, Tacloban, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay. Tiniyak ng Pangulo na makokumpleto ng pamahalaan ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa lahat ng kwalipikadong benepisaryo ng repormang panglupain sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino. Ayan,…

Read More

‘THREE GIVES LAW’ NINA ACT-CIS REPS. ERWIN TULFO, JOCELYN TULFO AT QUEZON CITY REP. RALPH TULFO!

TARGET NI KA REX CAYANONG SA kasalukuyang panahon kung saan ang mga kalamidad ay nagiging mas madalas at malubha, ang pagpapasa ng mga batas na magbibigay proteksyon sa mamamayan ay nagiging mahalaga. Ang isinusulong na House Bill 10376 o “Three Gives Law” nina ACT CIS Party-list Representatives Erwin Tulfo at Jocelyn Tulfo at Quezon City Representative Ralph Tulfo ay isang hakbang tungo sa pag-aalay ng ginhawa at seguridad para sa publiko sa gitna ng krisis. Ang panukalang ito ay naglalayon na gawing permanente ang “installment payment scheme” para sa mga pangunahing…

Read More

PROTEKTAHAN KALUSUGAN NG KABATAAN

EDITORIAL NITONG Mayo 31, 2024, ipinagdiwang ang World No Tobacco Day, at kaisa ang Pilipinas sa pagtataguyod ng kaalaman sa masamang epekto ng paggamit ng tobacco at vape. Ang kabataan ang pinakaapektado ng sigarilyo at vape, subalit hindi lubos na epektibo ang mga kampanya upang mahikayat ang mga kabataan na huwag nang manigarilyo. Dumarami ang kabataan na gumagamit ng e-cigarettes at vaping products na pinaniniwalaan ng iba na ligtas na alternatibo sa paninigarilyo. Ngunit may panawagan ang mga doktor at health advocates sa mga magulang at gobyerno na iligtas ang…

Read More

BAND AID SOLUTION SA GUTOM

CLICKBAIT ni JO BARLIZO FOOD stamp program, tugon sa gutom? Siguro nga pero baka panandalian lang. Flagship program ito ng administrasyong Marcos na tutugon sa gutom. Abangan natin kung ang sinasabing flagship program ng gobyerno ay magpapakalma sa nag-aalburutong tiyan na walang laman. Ayan, aarangkada na sa Hulyo ang implementasyon ng food stamp program matapos makuha ang suporta ng House Committee on Social Services. Mula sa 3,000 noong pilot implementation, puntirya ng DSWD na pumalo sa 300,000 pamilya ang benepisyaryo ng programa. Nasa 100,000 pamilya pa lang daw ang kayang…

Read More

BUMABANGON ANG PH BILLIARDS SA TULONG NG SHARKS BILLIARDS ASSN

SA wakas, ang billiards sa Pilipinas ay magkakaroon ng masiglang pagbabalik sa pamamagitan ng unang propesyonal na liga ng pool na isinusulong ng Sharks Billiards Association. Ang liga na ito ay magtatampok ng apat na koponan na kumakatawan sa pangunahing mga isla ng bansa—Luzon, Visayas, at Mindanao—kasama ang isa pang koponan mula sa sentro ng billiards sa bansa, ayon kay Commissioner Chino Trinidad. Ang proyektong ito ay pinamumunuan ni Hadley Mariano, Chief Executive Officer at founder, kasama sina Chief Operating Officer Mark Orendain at Commissioner Trinidad, na nagpakilala sa liga…

Read More

WALA KASING DISIPLINA AT PAGGALANG SA BATAS

KAHIT araw-arawin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Mabuhay Lanes ay hindi mawawala ang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa mga lansangang ito. Nagsasayang lang ng oras at pondo ng bayan ang MMDA dahil pagkatapos ng operasyon ay walang maiiwang enforcer sa nilinis na kalsada kaya balik ulit ang mga sasakyan sa kanilang paradahan kahit alam nilang ilegal. Wala na kasi si muning eh. Magkano ang budget sa bawat araw ng clearing operations? Hindi ‘yan biro sigurado, dahil sa kanilang mga sasakyang ginagamit, mga tao na…

Read More