NAKAPASOK NA NGA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HETO na ang sinasabi ng iba. Nagkabula na ang inaabangan ng karamihan. Nasa Pilipinas na ang COVID-19 subvariant KP.2. Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH). Ang KP.2 ay isa sa dalawang variants na kabilang sa “FLiRT” variants. Natiktikan din ang ibang COVID-19 variants under monitoring (VUMs). Ayon sa DOH, sa genome sequencing data ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) ipinakita na 30 kaso ng JN.1, dalawang kaso ng JN.1.8, at dalawang kaso ng KP.2 na ang naitala sa bansa. Apat na…

Read More

SERBISYONG TATAK DOK G LUMBAD AT CONG. ARJO ATAYDE

TARGET NI KA REX CAYANONG BINIGYAN ng ayuda ng tanggapan ni Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad ng District 3, Quezon City ang nasa 30 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Feria, Barangay Old Balara. Kabilang sa ipinamahagi ay mga tsinelas, kumot, at relief goods. Ang isa pang mahalagang balita, si Dok G ang naging kinatawan ng lungsod sa 1st National Congress on Adaptation and Alternative Child Care 2024 (NACC) noong Mayo 22. Ipinadala siya ni Mayor Joy Belmonte upang makibahagi sa makabuluhang pagtitipon na ito, kasama ang mga prominenteng…

Read More

BAWANG, LUYA SUMIPA ANG PRESYO; BIGAS BABABA RAW?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKAPAGTATAKA na ang agricultural products na tulad ng luya na pwedeng itanim lang sa ating mga bakuran, ay tumataas ang presyo. Sa pinakahuling report na natanggap ng PUNA, umabot sa P300 ang kada kilo ng luya. Mga negosyante umano sa bansa ang nagdidikta ng presyo ng luya kaya tumataas ang kada kilo nito. Modus ng mga ito na bibilhin nang mura sa mga magsasaka ang luya at itatago at kapag kinapos na ang supply sa merkado ay saka nila ilalabas para ibenta sa mahal na…

Read More

GULANGAN NAGSIMULA NA

DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG Pilipinas daw ang may pinakamahabang Christmas season dahil pagpatak ng September 1, marami na ang nagpapatugtog ng Christmas songs, marami na ang nagdi-display ng Christmas lanterns at saka lang inaalis pagkatapos ng pagdiriwang ng Three Kings. Pero walang binatbat ‘yan sa election season sa Pinas dahil mahigit isang taon bago ang aktuwal na halalan ay mararamdaman mo nang malapit na talaga ang halalan dahil sa mga politikong nagpaparamdam kahit hindi pa sila naghahain ng kanilang certificate of candidacy. Kung napapansin niyo, ang daming mga poster…

Read More

WELFARE MO, SAGOT KO

AKO OFW ni DR CHIE UMANDAP MULI nating ilulunsad ang ating kolum na AKO OFW upang bigyan atensyon at aksyon ang mga sumbong at hinaing ng ating mga kabayaning OFW at kanilang pamilya. Labis-labis ang aking pasasalamat sa ating Managing Editor Jocelyn Barlizo sa patuloy niyang pagtitiwala at pagsuporta sa sektor ng mga OFW sa pamamagitan ng paglalaan ng espasyo para sa ating AKO OFW. Bilang buena mano ay ating bibigyang pansin ang sumbong at kahilingan ni OFW Jill Lagliba na nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia sa pamamagitan ng PHILCANGO…

Read More

25% LANG NG MAHIHIRAP ANG TARGET SA P29 KADA KILONG BIGAS SA KADIWA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TODO tanggol ang Department of Agriculture (DA) sa desisyon ng gobyerno na magbenta ng bigas sa P29 kada kilo sa mga Kadiwa outlet. Sa kapakanan daw ito ng mahihirap. Nasa yugto raw ito ng pagsubok na gagawin sa Hulyo, ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa. Aminado si De Mesa na 25 porsyento ng mahihirap sa bansa ang makikinabang sa inisyal na arangkada. Hindi naman pala lahat ng mahihirap ang mabibiyayaan nito kaya malamang na kahit magbibigay ito ng ginhawa sa ilan ay…

Read More

TUGON NINA GOV. HELEN TAN AT CONG. MIKE TAN SA PANAHON NG SAKUNA

TARGET NI KA REX CAYANONG SA kabila ng mga pagsubok na dala ng kalamidad, muling ipinakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang diwa ng bayanihan at malasakit sa mamamayan ng Patnanungan. Ang islang bayan na ito ay isa sa mga lubos na nasalanta ng Bagyong Aghon, na nagdulot ng pagkasira ng maraming tahanan at kabuhayan. Ngunit sa gitna ng trahedya, naghatid ng pag-asa ang agaran na pagtungo ni Gov. Doktora Helen Tan sa lugar upang maghatid ng tulong mula sa pamahalaan. Ang programang “Emergency Shelter Assistance” (ESA) na isinagawa ng Provincial…

Read More

‘DI BABALIK NG CHINA SI ALICE GUO

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG totoong Chinese national si Bamban Mayor Alice Guo, lalaban pa rin siya at at hindi aalis sa Pinas kahit matanggal siya sa puwesto dahil iba ang buhay niya sa ating mahal na bansa kumpara sa lugar sa China na pinanggalingan ng kanyang magulang. Ang daming nagli-leak na impormasyon sa social media hinggil sa tumatakas na mga Chinese sa kanilang bansa pero dahil kontrolado ng kanilang gobyerno ang media at maging ang social media, at hindi ‘yun lumalabas sa mainstream media. Kamakailan lang ay may Chinese…

Read More

INIREKLAMONG LTO OFF’L SA DOTr NASA LTO CENTRAL OFFICE?

PUNA ni JOEL AMONGO MAGKANO kaya inilalatag ng Land Transportation Office (LTO) official na ito sa kanyang boss? Sa kabila kasi na may complaint letter laban sa kanya ay napaganda pa lalo ang kanyang posisyon. Nasa LTO central office na siya ngayon at dalawa pa ang kanyang posisyon. Isa sa central office at isa pa sa probinsya. Ang lakas mo gar! Panahon pa ni dating Asec/LTO chief Edgar Galvante sa ilalim ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay dalawa na ang kanyang posisyon sa central office at sa Cordillera…

Read More