INTERNATIONAL PROGRESS INC., DEDMA SA SIGAW NA TULONG

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP SA kabila ng pagkakalathala sa ating kolum noong Nobyembre 23 tungkol sa panawagan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Daisy Villamar Gabriel, tila bingi at bulag umano ang International Progress Inc. — ang ahensiyang nag-deploy sa kanya, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na tugon o agarang aksyon upang iligtas ang kanilang manggagawa na nasa kritikal nang sitwasyon sa Saudi Arabia. Ayon sa nakalap nating impormasyon, isinugod na sa ospital kamakailan si Daisy matapos tuluyang bumigay ang kanyang pangangatawan dahil…

Read More

P100-M KOTONG NG BI CORRUPT OFFICIALS SA FAKE WORKING VISA NG CHINESE?

BISTADOR ni RUDY SIM BISTADO na naman ang muling nagbabalik na raket ng Bureau of Immigration, matapos ang Pastillas Scam ay natuklasan na mahigit isang libong Chinese nationals naman ang pinalusot para lang mabigyan ng working visa at maging legal ang kanilang paninirahan sa bansa. Sa isang liham noong November 6 ng “Ligan & Uy” law firm kay BI Commissioner Joel Anthony Vayado este ay mali, Viado pala, nabatid na ikinagulat umano ng isang kompanya na “COMMSEC INC.” ang dami ng nakarehistradong pangalan ng foreign workers sa isinagawang inspeksyon ng…

Read More

MGA AKUSASYON, HANDANG HARAPIN NI CONG. SANDRO MARCOS

TARGET  ni KA REX CAYANONG SA harap ng akusasyon at pulitikal na ingay, tumindig nang tuwid si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos. Aba’y sa halip na umiwas, nagpakita siya ng pambihirang tapang at kahandaang harapin ang anomang usapin kaugnay ng kontrobersiyang sumasaklaw sa mga flood control project. Sa isang sulat na may petsang Nobyembre 26, 2025, malinaw at walang pag-aalinlangang sinabi ni Marcos na handa siyang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) anomang oras, at bukas siya sa anomang tanong na maaaring makatulong…

Read More

PARATANG VS CHIZ, GUMUHO SA EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA ng Commission on Elections (COMELEC) ang reklamo laban kay Senator Francis “Chiz” Escudero, at kasabay nito ang pagbuhos ng suporta mula sa mga iginagalang na eksperto sa batas. Ayon sa dating mahistrado ng Supreme Court na si Justice Adolfo Azcuna, walang sapat na bigat ang ebidensyang iniharap kaya’t makatarungan lamang ang naging pasya pabor kay Escudero. Para naman kay election lawyer Romulo Macalintal, malinaw umanong walang nilabag na batas sa campaign finance ang mga alegasyon. Aniya, ang ganitong usapin ay dapat nauunawaan ng sinomang bihasa…

Read More

BONUS AT CASH GIFT, HANDA NANG IPAMIGAY NG KAPITOLYO — GOV. UMALI

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG magandang balita ang hatid ni Governor Aurelio “Oyie” Umali sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija. Nakatakda na kasing i-release ngayong linggo ang kanilang cash gift at bonuses. Sa simpleng anunsyong ito, ipinakita ng gobernador na ang tunay na lakas ng kapitolyo ay nasa masisipag na mga empleyado na araw-araw na naglilingkod sa publiko. Hindi rin nakalimutan ni Gov. Umali na kilalanin sina Vice Governor Lemon Umali at Board Member EJ Joson sa kanilang tapat na pagganap bilang pansamantalang mga pinuno ng…

Read More

JUSTICES

HOPE ni GUILLER VALENCIA SA Old Testaments of the Bible, maraming stories about injustices sa kanilang komunidad. Sounds familiar dito sa bansang Pilipinas (sabi nila bansang pilipit na) na may nagaganap din noon at ngayon na injustices. Halimbawa, biktima ng Martial Law, Duterte drug wars, land grabbing at iba pa. Isama na natin ang mga biktima ng baha, dahil dapat ang pera ay ginamit para mapigilan ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Bagkus walang habas na ninakaw ang pera na nakalaan sa flood control para makaiwas sa sakuna…

Read More

‘YANG POLITICAL DYNASTY

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SABI ng Section 26, Article II ng 1987 Constitution: The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and political dynasties as may be defined by law. Mula noon, kung may nagtangka man na magpanukala ng isang anti-dynasty bill, ang tiyak, ‘di ito makapapasa sa House of Representatives na karamihan, magkakamag-anak ang nagpapalitan sa puwesto dahil sa may term limit sa pag-upo ng isang politiko. May problema ang Section 26, dahil nakasulat “The State shall …” – na sa tingin ko, walang…

Read More

PURO ALEGASYON WALA NAMANG EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO WALANG tigil ang bulagaan ng mga alegasyon araw-araw. Tumitindi pa. Iba’t iba ang nahuhukay. Sa bawat akusasyon ay may depensa ang pinagbibintangan. Pinasisinungalingan ang mga ipinupukol dahil wala raw basehan. Ang taumbayan ay nasa harapan ng mga palabas na patuloy na tumitindi ang mga balangkas ng kwento. Sala-salabat man ang mga kuwento, ito ay nakasentro sa pinakamalaking pagtatanghal – ang pamagat ay KORUPSYON, ang buod ng mga pira-pirasong teleserye. Sino ang bida, ang kontrabida? Hiling lang natin sa mga patuloy sa kanilang paratang, aba, panumpaan ninyo…

Read More

CONG. SANDRO MARCOS MAY P50.9-B INSERTIONS DIN SA NAT’L BUDGET?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISINIWALAT ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa kanyang pinakabagong inilabas na video, na maging si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos ay may bilyun-bilyong pisong insertions sa pambansang budget. Ayon kay Co, mula 2023 hanggang 2025 ay may insertions sa pambansang pondo si House Majority Leader Sandro Marcos na nagkakahalaga ng P50.9 billion. Narito ang detalyadong halaga ng insertions ni Sandro Marcos: P9.63-B – 2023; P20.17-B – 2024; P21.127-B – 2025 na may kabuuang P50.938 billion. “Hindi lang po ang Pangulo may insertions sa…

Read More