LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MAY matinding implikasyon sa bansa ang alegasyon ng 18 ex-marines laban sa kasalukuyang gobyerno, lalo na kung ito ay totoo. Kung mapatutunayan, ito ay magpapahiwatig ng malawakang korupsyon at pag-abuso sa kapangyarihan sa loob ng gobyerno. Magugunitang inihayag ng nasabing mga dating miyembro ng Philippines Marines na naghatid sila ng male-maletang pera kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, na kickback umano mula sa maanomalyang flood control projects. Umabot umano ang nasabing halaga…
Read MoreCategory: OPINYON
ILANG PAGLILINIS PA KAILANGAN PARA LUMINIS ANG PNP?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAULIT-ULIT na lang ang pangako ng Philippine National Police (PNP) sa tuwing magpapalit ito ng liderato na magkakaroon ng paglilinis sa kanilang hanay. Pero mukhang puro salita lang, hanggang press release ika nga. ‘Yung babala sa tiwali o bugok sa kanilang hanay tila pagkatapos ng camera flashes, nagkalimutan na. Hanggang ngayon, marami pa ring pulis ang nasasangkot sa karumal-dumal na krimen. May sangkot sa rape, pagpatay, kidnapping, pagnanakaw, extortion, etc. Taliwas sa kanilang motto na “to serve and protect,” ang naririnig ng taumbayan. Sa halip na…
Read MoreNUMERO HINDI NAGTUTUGMA SA KWENTO NG ’18 EX-MARINES’
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GINULAT ang publiko sa biglaang pag-eksena ng 18 na indibidwal na nagsasabing dati silang Marines habang abala ang lahat sa pagtutok sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Mabigat ang akusasyon ng mga nagsabing sila’y dating sundalo. Naghatid daw kasi sila ng maleta-maleta ng pera sa ilang politiko kaugnay ng flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Umabot daw sa P805 bilyon ang kabuuang halaga. Malalaking pangalan ang nadawit. Pero kasunod ng kanilang rebelasyon ang pag-usbong ng kaliwa’t kanang tanong.…
Read MoreSEN. MARCOLETA, MAG-SORRY NA LANG KAYSA IPABURA ‘MINUTES OF THE MEETING’
RAPIDO ni PATRICK TULFO PINABUBURA ni Sen. Rodante Marcoleta sa minutes of the meeting sa Senado, ang sinabi niya noong Feb. 04, 2026 na i-give up na lang ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group. Ito ay sa kasagsagan ng paggisa ng senador kay Commodore Jay Tristan Tarriela kaugnay sa umiinit na tensyon sa West Philippine Sea. Gusto ni Sen. Marcoleta na palitan ang kanyang sinabi sa nasabing pagdinig dahil hindi raw iyon ang eksaktong ibig niyang sabihin. Gasgas man at paulit-ulit ang katagang “Bago ka magsalita ay pag-isipan munang maigi,”…
Read MorePEOPLE POWER
HOPE ni GUILLER VALENCIA THE EDSA People Power Revolution was historic, it occurred from February 22 to 25, 1986. This non-violent uprising in the Philippines that ousted Ferdinand Marcos Sr. and restored democracy from dictatorship, was praised by different countries. ‘Pag tanggal din ito sa mga corrupt na leaders at sistemang nagpapahirap sa bayan. People power was joined by different people coming from religious sectors, businesses, academics, military, government employees, politicians, peasants, youth, teachers, and laborers. In other words, all sectors of our societies. Foreigners are amazed and some say…
Read More‘HARI’ NG BULACAN
CLICKBAIT ni jO BARLIZO KUNG si Gloc 9 ay may “Hari ng Tondo”, aba meron din daw ang Bulacan. Pero ‘di tulad ng kanta ni Gloc 9, ngayon lang nabalatan itong taga-Bulacan, kung hindi pa inangasan ang isa sa mga anak ng Presidente. Nitong nagdaang weekend kasi, umingay sa social media na isa sa mga anak ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasangkot sa ‘road rage’ matapos mag-overtake sa isang convoy sa bahagi ng NLEX. Sino ang ‘makapangyarihang’ sakay ng convoy na pumalag at kinompronta ang nag-overtake na sasakyan ng makapangyarihan…
Read MoreGRACE VS JUDGMENT SA LOOB NG TAHANAN
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NANG mapakinggan ko ang naging pahayag ni Alvin Aragon sa DWAR Abante Radyo, hindi galit ang unang nanatili sa akin. Sa halip, ang tumatak ay ang bigat ng mga salitang binitiwan niya. Ang sabihan ang isang tao na “Itatapon ka ng Diyos sa impiyerno” dahil lamang sa kung sino siya, ay hindi simpleng pahayag. Mabigat iyon at may dalang takot. At kapag ang ganitong mensahe ay ibinato sa sarili mong kapamilya, mas lalo itong sumasakit at mas mahirap dalhin. Maaaring sa publiko niya ito…
Read MoreDEKLARASYON NI VP SARA NAGBIGAY NG LAKAS NG LOOB SA MGA PINOY
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAKALIPAS lang ang ilang araw, matapos na magdeklara si Vice President Inday Sara Duterte na tatakbo siyang presidente sa 2028 presidential election, ay agad nang lumantad ang labing-walong (18) mga dating sundalo ng Philippine Marines. Sa pamamagitan ng press conference na pinangunahan ni Lito Baligod, isa-isang niyang binanggit ang mga pangalan ng 18 mga dating sundalo. Kinumpirma nila na dati silang naging mga tauhan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na dati ring naging chairman ng House Committee on Appropriations, na itinalaga ni…
Read More“BLOODLESS REVOLUTION?”
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI SAYAW SA BUBOG. Awit ng bandang The JERKS tungkol sa EDSA pipol power. Ito ang liriko. “Buwan ng Pebrero; Buwan ng pagbabago; Anong klaseng pagbabago? Ano sa palagay mo?… Bumaha ng pangako; Lason ay isinubo; Tuloy sa pagkakapako; May utang, pati apo… Kasinungalingan; Isang kahangalan; Walang libreng Kalayaan; Ito’y pinagbabayaran”. “Tuloy ang ligaya; Sa iba’t ibang hacienda; Manggagawa’t magsasaka; Kumakalam ang sikmura… Sari-saring kaguluhan; Nakawan, karahasan; Kailan n’yo titigilan?; Ang mga mamamayan…Kasinungalingan; Isang kahangalan; Walang libreng Kalayaan; Ito’y pinagbabayaran”. “Palabas na moro-moro; Ito…
Read More