OFW SINAKTAN DAHIL PINAGHALO ANG PUTI AT DE-KOLOR

KAKAIBA ang kaso na ipinarating sa AKOOFW ng ating OFW na si Ludi­vina Montalbo. Sa kanyang sumbong na ipinadaan kay volunteer advocate Malou Cabotage ay nakikiusap ito na siya ay matulungan na makauwi na sa Pilipinas dahil sa kanyang mga ­pinagdaraanan pang-aabuso ng kanyang amo. Bagaman si Ludivina ay nakaranas nang pang-aabuso ay mas pinipili pa rin niya na siya ay matulungan na lamang na makahanap ng ibang amo o employer. Ito ang naglalarawan kung bakit ang mga OFW ay maituturing mo talaga na isang buhay na bayani. Katulad ni…

Read More

QUEZON GOV. SUAREZ SINITA NG COA SA MILYON-MILYONG PONDO

NASA balag ng alanganin at napipintong masuspendi sa pagka gobernador ng lalawigan ng Quezon si Gov. Danilo Suarez kung hindi nito maipaliliwanag nang maayos sa Commission on Audit (COA) kung saan napunta ang kabuuang P102,131,859.46 na pondo ng lalawigan. Lumabas sa ulat ng COA na may nawawalang mahigit sa isang daang milyong pisong pondo ang lalawigan kabilang na rito ang pondo para sa pagsugpo sa patuloy na pagtaas ng kaso ng ­COVID-19 sa lalawigan. Batay sa COA report, diumano’y malaki ang diperensya sa kasalukuyang Cash-in-Bank (CIB) at asset accounts ng…

Read More

GINAGAGO TAYO

‘YAN ang namumutawi sa bibig ng mga senador sa mga sagot ni dating Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa ­kanilang mga katanungan sa imbestigasyon hinggil sa overpriced na PPE o personal protective equipment. Walang naniniwala sa sinasabi ni Lao na wala siyang MBA as in May Backer Ako kaya na-appoint siya sa ­PS-DBM at nangasiwa sa pagbili ng mga PPE na bilyon-bilyon ang halaga at overprice pa. Kahit siguro pamilya ni Lao ay hindi siya paniniwalaan sa kanyang depensa na walang MBA…

Read More

HIGH BRANDS MANILA INIREKLAMO SA PUNA

SUNOD-SUNOD na nakatanggap ng reklamo ang PUNA mula sa mga nabiktima ng nagngangalang HIGH BRANDS MANILA na nagbebenta ng t-shirts na may tatak na ‘Lacoste’ sa pamamagitan ng online selling. Base sa post ng HIGH BRANDS MANILA sa Face­book ay nag-aalok sila ng “UP TO 50% to 70% DISCOUNT” sa kanilang mga produktong t-shirts na Lacoste. Ayon sa post ng ­kumpanyang ito ang “PROMO SALE BUNDLE” nila ay “BUY 1 LACOSTE POLO OR T-SHIRT MEN & WOMEN FOR ONLY (PHP 1299) at “BUY 2 LACOSTE POLO OR T-SHIRT MEN &…

Read More

Mga Pilipinong bayani ng sports at digmaan

PINARANGALAN ng Philippine Sports Commission ang apat na bayani ng bansa sa palakasan sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan sa ilang bahagi ng makasaysayang Rizal Sports Complex. Pinangunahan ni weightlifter Hidilyn Diaz ang mga pinarangalan kabilang ang swimmer na si Teofilo Yldefonso, high jumper Simeon Toribio at tennis player na si Felicisimo Ampon. Dahil sa kanyang naiuwing gold medal mula sa XXXII Games, 97 taon mula nang sumali ang bansa sa Olimpiyada, ang weightlifting gym sa loob ng RSMC ay pinangalanang Hidilyn Diaz Gym. Samantala, ang katabi nitong aquatic center…

Read More

PAGPAPAHUSAY NG ISTRATEHIYA LABAN SA COVID-19

KASALUKUYAN nang nasa 1.9 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Noong ika-29 ng Agosto ay naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa isang araw sa bilang na 19,441. Kaugnay nito ay pumalo rin sa 27.1% ang positivity rate. Sa patuloy na pagsulpot ng iba’t ibang variant ng COVID-19 –mula Alpha hanggang sa pinakabago nitong Lambda—isa lang ang sigurado, matagal pa itong mananatili sa bansa. ­Maging ang mga eksperto ay hindi makapagbigay ng eksaktong petsa o taon kung kailan maaaring asahang matatapos ang pandemya. Bunsod…

Read More

OFW NA MAY KARAMDAMAN NANAWAGAN SA GOBYERNO

SA nakaraang mga araw ay mga kahilingan ng mga OFW na may ­karamdaman na nagnanais makauwi sa Pilipinas ang aking natanggap na mensahe sa email at messenger. Kabilang na rito si Rochelle Calcita na nasa bansang Qatar. Siya ay nakarating sa nasabing bansa sa pamamagitan ng Cinderella International Manpower. Ayon sa mensahe na ipinadala ng kanyang kapatid na si Cristina Minimo, “Gusto po namin na makauwi na ang aming kapatid na si Rochelle kasi po ay sumasakit po ang kanyang gall bladder dahil sa gall stone”. “Ibig po namin na…

Read More

BI HI-RANKING OFFICIAL NO. 1 FIXER

ISANG mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang isinusuka ­ngayon ng mga ­empleyado ­maging nang iba pang mga ­opisyales ng ahensya dahil umano sa katakawan nito sa pera sa pamamagitan ng fixing. Ayon sa ating nakalap na impormasyon mula sa BI-Legal Division ay hindi umano makapaghintay sa tamang proseso ang ­opisyal na ito at laging nagmamadali sa pag-follow up sa mga papeles ng kanyang mga kliyente. Aba eh bakit kaya? Sunog na kaya ang budget na ­ibinigay sa kanya? Kabilang sa mga papeles umano na ginagatasan nito ay…

Read More

BAKIT MAS GUSTO ANG MAHAL?

NAGING karaniwang u gali na ng consumers na maghanap ng mura pero kalidad na produkto para makatipid at hindi masayang ang perang pinaghirapang kitain at puwedeng maibili pa ng ibang bagay na kailangan ng pamilya ang matitipid. Laking Divisoria ako at karaniwang nakaka-engku wentro ng mga mamimili na magtatanong kung magkano ang presyo ng paninda mo, kapag nalaman na nila ang presyo ay sasabihin sa iyo na “ikot muna ako, balikan kita”. Maghahanap ‘yun ng ibang tindahan na nagbebenta ng produkto na nakita sa ‘yo para ikumpara ang presyo at…

Read More