SUPORTA NG MONTALBEÑO LAKAS AT INSPIRASYON NI CONG. NOGRALES

SA mga senior citizen, kababaihan, estudyante at iba pang mga residente ng Montalban humuhugot ng lakas at inspirasyon si Congressman Fidel Nograles kaya hindi siya napapagod sa house-to-house campaign kahit na tirik-na-tirik ang araw habang ginagawa niya ito. Ito ang sinabi ni Cong. Fidel Nograles sa panayam sa kanya ng mga taga-media sa kanyang isinagawang H2H campaign sa mga barangay ng Manggahan at Burgos sa Montalban, Rizal nitong Miyerkoles ng nakaraang linggo (Abril 9, 2025). Nakasama ng kongresista sa aktibidad ang mga residente ng dalawang nabanggit na barangay. Dakong alas-2:00…

Read More

2 SUNDALO PATAY, ISA PA SUGATAN SA AMBUSH

PATAY ANG dalawang kasapi ng Philippine Army habang isa pa ang sugtan nang tambangan ng isang grupo ng armed lawless elements sa Barangay Lahi Lahi, Tuburan, Basilan. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng 18th Infantry Battalion ng Phil. Army, sakay ng dalawang motorsiklo ang mga sundalo mula sa Dugaa Patrol Base at patungo sa Charlie Company Command Post nang mangyari ang pag-atake. “The 18th Infantry Battalion mourns the loss of these brave soldiers, who were victims of this senseless violence while executing their duty to serve and protect the nation. Their…

Read More

FPJ PANDAY-BAYANIHAN PL NAG-IKOT SA MINDORO OR

DINUMOG ng mga tagasuporta ang motorcade ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Nagsimula ang pag-iikot ng grupo sa mga bayan ng Gloria, Pinamalayan, Socorro, Victoria, Naujan at natapos sa Calapan City kung saan idinaos ang grand rally sa Barangay Sta. Isabel. Tinatayang nasa 15,000 mamamayan ang dumalo sa rally. Dumalo rin sa aktibidad si Senator Grace Poe, ina ng 1st nominee ng party-list na si Brian Poe, 2nd nominee Mark Patron, 3rd nominee Hiyas Dolor at Governor Bonz Dolor. (DANNY BACOLOD) 32

Read More

Kandidato sa Cavite inisyuhan ng show cause order SOLO PARENTS IRA-RAFFLE DAW PARA MAGKAROON NG ASAWA

INISYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Atty. Alson Kevin Anarna, kandidato sa pagka-alkalde ng Bayan ng Silang sa lalawigan ng Cavite. Si Anarna ay pinagpapaliwanag tungkol sa kanyang naging komento sa solo parents/lolo/lola sa kanyang campaign rallies noong Marso 29, 2025. Sa kanyang campaign rallies sa nasabing petsa, binanggit ni Anarna na ang mga balong babae at balong lalaki ay kanyang ira-raffle at kung kanyang mabubunot ay kanyang ipapakasal. “Kanina ‘di ko na mabilang kung ilan ang kumurot sa puwet ko. Meron pa kanina si…

Read More

CONVENIENCE STORE SA CAVITE, HINOLDAP NG NAKA-INNOVA

CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang Toyota Innova na ginamit ng apat na kalalakihan nang holdapin ang isang convenience store sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Cavite Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng may-ari ng itim na Toyota Innova na may plakang NEB 9901, na ginamit ng apat na suspek. Ayon sa ulat, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang iparada ng mga suspek ang nasabing sasakyan sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City at…

Read More

ALBUERA MAYORALTY CANDIDATE ROLAN KERWIN ESPINOSA, DALAWANG IBA PA PINAGBABARIL HABANG NANGANGAMPANYA SA LEYTE

ISINUGOD sa pagamutan ang Mayoralty candidate ng Albuera, Leyte na si Rolan Kerwin Espinosa matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman habang nangangampanya, Huwebes ng hapon. Kabilang sa nasugatan ang running mate nito na si Mariel Espinosa Marinay at isang babaeng menor de edad na tinamaan ng ligaw na bala. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Albuera Municipal Police Station, PMajor Angelo Sibunga, dakong alas-04:30 ng hapon pinagbabaril ang grupo ni Espinosa habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an. Sa ulat, isang tama ng bala ang tinamo ni Espinosa na agad naman…

Read More

1 PANG KANDIDATO PINAGPAPALIWANAG SA BASTOS NA KOMENTO

INISYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga, kandidato sa pagka-gobernador. Si Gonzaga ay pinagpapaliwanag tungkol sa kanyang naging komento sa mga kababaihan at kanilang private parts sa panahon ng kanilang campaign rallies. Binanggit ng poll body sa show cause order ang pahayag ni Gonzaga sa iba’t ibang campaign stops kung saan binanggit niya ang tungkol sa pagiging bihasa ng kababaihan sa sex, at sa pribadong bahagi ng isang biyuda. Hiniling din niya sa isang miyembro ng konseho na halikan…

Read More

4 SUNDALO TIMBOG SA GUN BAN

PAMPANGA – Apat na aktibong sundalo ang inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng nationwide gun ban na kasalukuyang ipinatutupad sa ilalim ng Omnibus Election Code sa bayan ng San Simon sa lalawigan noong Martes. Inaresto ang mga ito habang nakasibilyan at naka-off duty, ayon sa public information officer ng Police Regional Office 3 (PRO3). Bandang alas-2:40 ng hapon, inaksyunan ng mga tauhan ng San Simon Municipal Police Station ang ulat mula sa isang concerned citizen na kinilalang si…

Read More

SAN JUAN, BATANGAS PATULOY NA NAGPAPADALA NG MGA FARM WORKER SA SOUTH KOREA

TULUY-TULOY ang pagpapadala ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas ng mga seasonal farm worker (SFW) sa South Korea, na kung saan matagumpay na naisagawa ang pre-departure meeting para sa ika-lima at ika-anim na batch ngayong taon. Limampu’t anim na SFW ang nakatakdang ipadala sa Miyerkoles sa susunod na linggo (Abril 16) matapos talakayin sa pagpupulong ang mahahalagang tagubilin mula sa lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan at paghahanda sa ibang bansa. Kabilang dito ang mga ipinagbabawal na gawain, mga dapat dalhin at pag-angkop sa kultura, klima at…

Read More