P4.19M DROGA NAKUMPISKA SA REGION 6

UMABOT sa halagang P4.19 milyong hinihinalang droga ang nakumpiska ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa loob ng isang linggo. Ayon kay Regional Director PBGen Randulf T. Tuaño, mula Oktubre 5 hanggang 11, nagsagawa ng 23 anti-illegal drug operations ang PRO6. Kabilang dito ang walong operasyon sa High-Value Individuals (HVIs), 13 operasyon sa Street-Level Individuals (SLIs), at apat na nakatala bilang “Not Listed”. Sa nabanggit na operasyon, nakakumpiska ng 616.31 gramo ng hinihinalang shabu, 25.57 gramo ng hinihinalang kush, at dalawang gramo ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang Standard Drug…

Read More

SUICIDE SINISILIP SA PAGKAMATAY NG ESTUDYANTE

PALAISIPAN sa mga imbestigador kung nagpakamatay ang isang 21-anyos na estudyante na natagpuang may sugat sa ulo at walang buhay sa kanyang kuwarto sa Southville Subd., Brgy. Inocencio, Trece Martires City noong Lunes ng hapon. Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) ang biktimang si alyas “Edwin”, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite subalit idineklarang patay na ito. Ayon sa ulat, bandang alas-4:35 ng hapon nang pumasok ang ina sa kuwarto ng biktima at bumulaga sa kanya ang anak na nakahiga ngunit wala nang buhay at may…

Read More

Sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal SUSPENDIDONG KAPITAN NAG-IWAN NG P2.1M BAYARIN

IBINUNYAG ni Acting Punong Barangay Arky Manning ang mabibigat na problemang kinahaharap ng Barangay San Isidro sa Taytay, Rizal kabilang ang mahigit P2.1 milyong utang, pagkaputol ng suplay ng tubig, at iba pang isyu sa operasyon at pananalapi ng barangay. Nang umupo si Manning noong Oktubre 2, natuklasan na lamang na P88,000 ang natitirang pondo ng barangay, habang ang mga obligasyon nito sa mga supplier at iba pang bayarin ay lumalampas sa P2.1 milyon. Kasama sa mga hindi nababayarang obligasyon ang singil sa tubig na umabot sa P160,000 sa loob…

Read More

DPWH BULACAN NAGSAGAWA NG FLOOD MITIGATION OPERATION INSPECTION

UPANG direktang matugunan ang matinding pagbaha sa mga mabababang komunidad, pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Vince Dizon ang joint inspection sa Barangay Iba, Hagonoy, Bulacan noong Oktubre 12, na nakatuon sa mga aktibong operasyon ng dredging at sa planong muling buhayin ang abandonadong pumping station dito. Kasama sina Hagonoy Mayor Ma. Rosario Sy-Alvarado-Mendoza at Barangay Captain Kim Robles, isinagawa ang pagbisita sa lugar upang masuri ang patuloy na operasyon, matiyak ang agarang tulong para sa mga residente, at mapunan…

Read More

1 SUGATAN, 4 BAHAY NAABO SA SUNOG

ANIM na pamilya ang nawalan ng matitirahan at isang lalaki ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Carmona City, Cavite noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-7:28 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona City, Cavite. Mabilis ang paglagablab ng apoy at nadamay ang apat na kabahayan. Ang mga nasunugan ay kasalukuyang nanunuluyan sa isang evacuation area sa Brgy. Cabilang Baybay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang pinagmulan ng sunog. (SIGFRED ADSUARA) 220

Read More

ASHFALL IBINABALA SA BULKANG TAAL

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagbagsak ng manipis na ashfall sa Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal, gayundin sa mga karatig-lugar sa Batangas. Gayunman, sa kabila ng pagputok noong Huwebes ng gabi, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. Pinayuhan naman ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng Phivolcs at lokal na pamahalaan. Magugunitang umabot sa 29 pamilya mula sa bayan ng Agoncillo, Batangas ang inilikas bilang pag-iingat matapos ang limang minutong phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal noong Huwebes…

Read More

MEDICAL EVACUATION NG NAVY PERSONNEL SA AYUNGIN SHOAL, GINAMBALA NG CCG

UMABOT sa mahigit walong oras ang medical evacuation sa isang tauhan ng Philippine Navy na nagkasakit habang nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal matapos umanong harangin at gambalain ng China Coast Guard (CCG) ang operasyon. Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ligtas na nailikas at nadala sa pagamutan ang maysakit na tauhan matapos ang operasyon na sinimulan bandang alas-7 ng umaga at natapos ang paglilipat sa pasyente dakong alas-3:15 ng hapon. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naatasang magsagawa ng medical evacuation mission, ipinadala nito…

Read More

DSWD, HANDA SA PAGTULONG SA MGA EVACUEE SA GITNA NG PAG-AALBURUTO NG TAAL

NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpaabot ng tulong sa mga pamilyang napilitang lumikas kasunod ng phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal noong gabi ng Oktubre 8. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tagapagsalita rin ng ahensiya at opisyal ng Disaster Response Management Group (DRMG), mahigit 218,000 family food packs (FFPs) ang nakahanda sa iba’t ibang bodega ng DSWD Field Office-CALABARZON para sa mga apektadong komunidad sa Batangas at mga karatig-lugar. Batay sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring, Information and Communication (DROMIC) noong Oktubre 9,…

Read More

PANANAMBANG SA MGA SUNDALO SA BASILAN, POSIBLENG PAGHIHIGANTI NG GRUPO NI SADDAM SIDDICK

POSIBLENG paghihiganti ang motibo sa panibagong pananambang sa mga sundalo sa Lamitan City, Basilan, nitong Huwebes ng gabi, na ikinasugat ng pitong sundalo at ng mag-amang sibilyan. Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), posibleng paghihiganti ng armadong grupo ni Saddam Siddick ang nasa likod ng pag-atake, kasunod ng operasyon sa Barangay Baimbing, Lamitan City, na ikinamatay ng ikalawang asawa nitong si Nermalyn Salapuddin Musa. Batay sa ulat, sinundo ng mga sundalo ang kanilang mga kasamahan sa Zamboanga City at pabalik na sa kanilang headquarters sa Tipo-Tipo nang tambangan…

Read More