PERSONS OF INTEREST SA OAMINAL AMBUSH TINUTUGIS NA NG PNP

PINAGHAHANAP na ng Philippine National Police (PNP) ang persons of interest sa pananambang kamakailan kay Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal. Sinabi ni PNP spokesperson Col.Jean Fajardo na kumikilos na ang PNP upang mahanap ang mga suspek. Gayunman, tumanggi ang opisyal na idetalye ang mga personalidad o grupo na nasa likod ng pag-atake upang hindi makompromiso ang imbestigasyon. Pinakilos na rin ng Northern Mindanao Police ang kanilang mga tauhan sa Misamis Occidental kasunod ng pag-atake. Sinabi ni Fajardo na isang sasakyan ang namataan sa Barangay Lapasan sa bayan ng Clarin bago…

Read More

FERNANDO NAMAHAGI NG P28-M EMERGENCY CASH SA 5,496 BULAKENYO

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 na Bulakenyo sa isinagawang “Emergency Cash Transfer sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Martes, Oktubre 24, 2023. Umabot sa halagang P28,000,167 ang nasabing tulong pinansyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian, na ipinamahagi sa mga Bulakenyo mula sa mga Lungsod…

Read More

2 TIMBOG SA P.9-M DROGA SA QUEZON

QUEZON -Timbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City at sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Martes . Nakumpiska sa mga suspek ang P930,000 halaga ng ilegal na droga. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang naaresto ang high value individual na si alyas “Owel/Datu”, 43, sa buy-bust operation sa Purok Central Ilaya, Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City dakong alas-4:50 ng hapon. Nakumpiska dito ang apat sachet ng hinihinalang illegal drugs na may timbang na…

Read More

RIDER PATAY SA SALPOK NG SUV

CAVITE – Patay ang isang rider nang nabangga ito ng isang Toyota Fortuner at bumangga pa sa isang concrete barrier sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Dead on the spot ang isang ‘di pa kilalang lalaki na nagmamaneho ng isang Mitsukoshi Café Racer na motorsiklong may plakang D225DG. Kinilalala naman ng driver ng Toyota Fortuner na may plakang PYI 180, na si Arturo Joseph Balagat, 76, ng Brgy. Poblacion 2A, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang mangyari ang…

Read More

BAHAY PINAULANAN NG BALA, 1 PATAY, 1 SUGATAN

PATAY ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang isang barangay peace keeping volunteer makaraang paulanan ng bala ang kanilang bahay sa kasagsagan ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan 2023 polls, sa Maguindanao del Norte. Base sa inisyal na ulat, pinagbabaril ng tatlong hindi pa kilalang kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril, ang bahay ng mga biktima sa bayan ng Sultan Mastura. Lubhang malakas umano ang loob ng mga suspek dahil isinagawa nila ang krimen sa katanghaliang tapat gamit ang iba’t ibang kalibre ng baril…

Read More

5-ANYOS PATAY SA CAMPAIGN SORTIE

DAVAO CITY – Isang 5-anyos na batang babae ang namatay sa isinagawang campaign sortie sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023, nang masalpok ito ng kotse na kabilang sa motorcade ng isang kandidato sa Barangay Bunawan Proper sa lungsod na ito. Habang dumaraan umano ang motorcade ng isang partido para sa BSKE 2023 malapit sa bahay ng biktima, nang lumabas ito para bumili sa kalapit na tindahan sa Purok 17, Promise Land. Sinasabing base sa pagsisiyasat ng Bunawan Police Station, kabilang ang kotse na nakabundol sa paslit, sa motorcade ng…

Read More

TULAK KALABOSO SA P172K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya, matapos maaresto sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P172,000 halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dodong” ng Brgy. Tabing Dagat, Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:17 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor City Component Police Station, sa Brgy. Tabing Dagat, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa…

Read More

765 GURO SA PANDI BINAKUNAHAN KONTRA FLU

UMABOT sa 765 public at private school teachers ang pinagkalooban ng free Influenza vaccine ng Lokal na Pamahalaan ng Pandi sa Bulacan, sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque, na ginanap sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School noong Lunes, Oktubre 23, 2023. Ang nasabing libreng bakuna, ayon kay Roque, ay pinangasiwaan ng mga staff ng Pandi Municipal Health Office at mga nurse mula sa Department of Health (DOH)-Bulacan. Nabatid na ang mga guro ay mula sa 76 paaralan na kinabibilangan ng 28 public schools, 44 Day Care schools at 4…

Read More

JOINT SEND-OFF CEREMONY NG GOVERNMENT FORCES PARA SA BSKE ISINAGAWA

ISINAGAWA kahapon ang joint send-off ceremony para sa government security forces na ide-deploy sa iba’t ibang lugar kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa October 30. Sinasabing kabilang sa send-off na ginanap sa Camp Crame, ang 715 Philippine National Police (PNP) contingents na ipadadala sa mga lugar na tinututukan ng mga awtoridad o mga nasa ilalim ng red category. Bukod pa rito ang 250 Armed Forces of the Philippines (AFP) contingents na ide-deploy, 100 Philippine Coast Guard (PCG) contingent at 90 Department of Education participants o kabuuang 1,155…

Read More