‘SQUATTER CHINA’

TINAWAG na squatter ng isang mangingisda mula sa Masinloc, Zambales ang China kasabay ng paghimok sa Chinese coast guard na itigil ang ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea. Nagtrending ang hashtag #SquatterChina kasunod ng pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro bilang tugon sa akusasyon ni Chinese Foreign Ministry spokesman Mao Ning hinggil sa ilegal umanong pag-okupa ng Pilipinas sa Pag-asa Island. Ang Pag-asa Island ay 174 miles west of Palawan at tahanan ng maliit na komunidad ng mga Pilipino. It is among the islands and reefs within the South…

Read More

MPBL GAME SA BACOOR GYM, INALERTO SA BOMB THREAT

CAVITE – Naalerto ang Bacoor City Component City Police Station (CCPS) makaraang makatanggap ng Short Messages Service (SMS) hinggil sa umano’y ipapasok na bomba sa Bacoor Strike Gymnasium kung saan magaganap ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Dasmariñas City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-11:12 ng umaga nang makatanggap ang Bacoor CCPS ng isang SMS hinggil sa umano’y bomba na ipapasok sa Bacoor Strike Gymnasium sa BGC Compound, Bacoor City na inilagay sa isang laptop, water cooler o kaya sa isang bag. Nakasaad pa sa SMS…

Read More

SK KAGAWAD CANDIDATE, UTOL NIRATRAT

SUGATAN ang isang kandidatong SK kagawad at ang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Matolato, sa bayan ng Leyte, sa lalawigan ng Leyte, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si SK kagawad candidate Gino Paglinawan, 19-anyos, at kapatid nitong si Toriano Paglinawan, 22-anyos. Ayon sa report ng Leyte Municipal Police Station, natutulog sa loob ng bahay ang magkapatid nang paulanan ng bala ang mga ito ng dalawang suspek na pumuwesto sa kalsada sa labas ng bahay. Agad…

Read More

P15-M SHABU NASABAT SA TRIKE DRIVER SA LUCENA

LUCENA CITY – Umabot sa P15 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon PNP Drug Enforcement Unit (QPDEU) at mga tauhan ng Lucena City Police Station DEU, sa buy-bust operation sa Brgy. Ilayang Iyam, sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), isinagawa ang buy-bust operation laban sa 40-anyos na si alyas “Eric”, tricycle driver, sa kanyang bahay sa Brgy. Ilayang Iyam dakong alas-11:30 ng gabi. Gamit ang P23,000 boodle money, at P1,000 genuine bill, nakabili…

Read More

HALOS P6-B DROGA SINUNOG SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa P5,968,744,462,01 halaga ng ilegal na droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City noong Biyernes ng umaga. Kabilang dito ang 274 kilograms ng methamphetamine hydrochloride, o shabu na nakumpiska mula sa Manila International Container Port (MICP) noong Oktubre 6, 2023, at 208 kilograms na Dimethyl Sulfone, isang shabu extender na nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Mabalacat, Pampanga noong Agosto 25, 2023. Ang sinunog na tambak na droga ay may kabuuang timbang na 1,019,204.7581 gramo, kabilang dito…

Read More

1 PATAY, 1 KRITIKAL SA TREASURE HUNTING SA BOHOL

BOHOL – Isa ang patay at isa ang kritikal matapos ma-suffocate habang naghuhukay ng ginto sa Brgy. Can-Upao, sa bayan ng Jagna sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Allan Villanueva, 48, habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nitong si Rodel Perez. Ayon sa report ng Jagna Police, nangyari ang insidente dakong ala-2:30 ng hapon sa bahay ng isang residenteng si Richard Aclan, kung saan naghukay ang mga biktima ng 15 metro ang lalim para umano sa mga gintong nakabaon sa…

Read More

LALAKI NAPUTULAN NG PAA SA PABRIKA NG PAPUTOK SA LIPA

BATANGAS – Malubhang nasugatan ang isang manggagawa matapos masabugan ng mga pulbura na sangkap sa paggawa ng firecrackers sa Lipa City noong Huwebes ng tanghali. Ayon sa report ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), nangyari ang pagsabog sa makeshift na pagawaan ng mga paputok na pag-aari umano ng isang Judd Nelson Corral sa Sitio PNB, Brgy. Talisay. Kinilala ang biktimang si Rex Javier, 23, taga Brgy. Majada, Calamba City, Laguna, na dumanas ng grabeng pinsala sa ibabang bahagi ng katawan at naging dahilan ng pagkaputol ng isang paa…

Read More

BARANGAY SECRETARY NAGULUNGAN NG BUS

BULACAN – Patay ang isang babaeng barangay secretary matapos na masagasaan ng bus na sumalpok sa kanilang sinasakyang barangay patrol sa Dr. Eduardo Roque Sr. Avenue, Barangay Minuyan 1, San Jose Del Monte City nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa inisyal na report, ang biktimang si Angelica Nofies Catague, barangay secretary ng Minuyan 1, ay dadalo sa unang araw ng campaign sortie nang ang kanilang sinasakyang multicab barangay patrol ay masalpok sa likuran ng kasunod na Mayamy Magic Line bus dakong alas-8:30 ng umaga. Dahil sa pagkakabundol, nahulog sa kalsada…

Read More

KAUNLARAN NG BRGY. MUZON SA TAYTAY, RIZAL ASAHAN NA

TINIYAK ni Chairman Frank “Buboy” Santos ng Barangay Muzon ng Taytay, Rizal na lalo niyang pag-iigihan ang serbisyo sa susunod na mga taon para sa lalo pang pag-angat ng kanilang lugar. Sinabi ito ni Kap. Buboy sa pamamagitan ng isang zoom conference sa mga miyembro ng media na isinagawa kamakailan. Ayon sa kanya, noong kasagsagan ng pandemic ay naging number 1 ang kanilang barangay sa pagresponde sa kanilang mga kababayan para magbigay ng kaalaman upang maiwasan ang paglala ng COVID 19 sa kanilang lugar. Nauna rito, sinabi ni Kap. Buboy…

Read More