BOHOL – Isa ang patay at isa ang kritikal matapos ma-suffocate habang naghuhukay ng ginto sa Brgy. Can-Upao, sa bayan ng Jagna sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Allan Villanueva, 48, habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nitong si Rodel Perez. Ayon sa report ng Jagna Police, nangyari ang insidente dakong ala-2:30 ng hapon sa bahay ng isang residenteng si Richard Aclan, kung saan naghukay ang mga biktima ng 15 metro ang lalim para umano sa mga gintong nakabaon sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LALAKI NAPUTULAN NG PAA SA PABRIKA NG PAPUTOK SA LIPA
BATANGAS – Malubhang nasugatan ang isang manggagawa matapos masabugan ng mga pulbura na sangkap sa paggawa ng firecrackers sa Lipa City noong Huwebes ng tanghali. Ayon sa report ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), nangyari ang pagsabog sa makeshift na pagawaan ng mga paputok na pag-aari umano ng isang Judd Nelson Corral sa Sitio PNB, Brgy. Talisay. Kinilala ang biktimang si Rex Javier, 23, taga Brgy. Majada, Calamba City, Laguna, na dumanas ng grabeng pinsala sa ibabang bahagi ng katawan at naging dahilan ng pagkaputol ng isang paa…
Read MoreBARANGAY SECRETARY NAGULUNGAN NG BUS
BULACAN – Patay ang isang babaeng barangay secretary matapos na masagasaan ng bus na sumalpok sa kanilang sinasakyang barangay patrol sa Dr. Eduardo Roque Sr. Avenue, Barangay Minuyan 1, San Jose Del Monte City nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa inisyal na report, ang biktimang si Angelica Nofies Catague, barangay secretary ng Minuyan 1, ay dadalo sa unang araw ng campaign sortie nang ang kanilang sinasakyang multicab barangay patrol ay masalpok sa likuran ng kasunod na Mayamy Magic Line bus dakong alas-8:30 ng umaga. Dahil sa pagkakabundol, nahulog sa kalsada…
Read MoreKAUNLARAN NG BRGY. MUZON SA TAYTAY, RIZAL ASAHAN NA
TINIYAK ni Chairman Frank “Buboy” Santos ng Barangay Muzon ng Taytay, Rizal na lalo niyang pag-iigihan ang serbisyo sa susunod na mga taon para sa lalo pang pag-angat ng kanilang lugar. Sinabi ito ni Kap. Buboy sa pamamagitan ng isang zoom conference sa mga miyembro ng media na isinagawa kamakailan. Ayon sa kanya, noong kasagsagan ng pandemic ay naging number 1 ang kanilang barangay sa pagresponde sa kanilang mga kababayan para magbigay ng kaalaman upang maiwasan ang paglala ng COVID 19 sa kanilang lugar. Nauna rito, sinabi ni Kap. Buboy…
Read More3 HVIs ARESTADO SA P.5-M SHABU
CAVITE – Dinakip ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Edzel”, alyas “Rey” at alyas “Brendo”, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Provincial Intelligence…
Read MoreOBRERO PINASOK SA BAHAY, PINATAY
BATANGAS – Patay ang isang construction worker matapos na barilin ng hindi kilalang gunman sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bolbok, Lipa City, noong Martes ng gabi. May tama ng bala sa pisngi at wala nang buhay nang datnan ng kanyang ama habang nakabulagta sa kamang plywood ang biktimang si Mark Anthony Ordona, 35-anyos. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:00 ng gabi nang makarinig ang kapitbahay na ama nito na si Ruben Ordona, ng dalawang putok ng baril mula sa bahay ng biktima. Nang puntahan ng ama, kasama ang…
Read MoreP74K NG KUMPANYA WINALDAS NG SALESMAN SA ONLINE CASINO
CAVITE – Arestado ang isang salesman makaraang waldasin ang mahigit P74,000 na kita ng kumpanya sa online casino, sa Gen. Trias City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si alyas “Jaypee”, salesman ng MTW Battery Trading at residente ng Brgy. san Francisco Gen. Trias City, dahil sa reklamo ng negosyanteng si Mary Ann Barallas Sneng. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang ipaaresto ng biktima ang salesman nang matuklasan nitong kinupit ng suspek ang halagang P74,260,00 na kita ng kumpanya. (SIGFRED ADSUARA) 398
Read MoreNatagpuan kasama ng P8-M shabu BABAE NAMATAY SA DRUG OVERDOSE
CAVITE – Hinihinalang namatay sa drug overdose ang natagpuang bangkay ng isang babae dahil sa nadiskubreng mahigit P8 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang bahay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Sa panayam kay Police Major Dennis Villanueva, chief of police ng Tanza Municipal Police Station, overdose ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng babaeng natagpuan sa isang bahay sa Phrist Park Subdivision sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite. “Wala tayong nakitang anomang foul play sa pagkamatay ng biktima kaya tinitingnan natin ang overdose sa…
Read MoreRESIDENTE NG CSJDM TUTOL SA HUC
TINUTUTULAN ng nakararaming residente ng City of San Jose Del Monte sa Bulacan na maging Highly Urbanized City ang nasabing lungsod dahil hindi pa umano ito handa na maging isang fully independent city. Ito ang tiniyak ni District 2 City Councilor Romeo Agapito kaugnay ng nalalapit na Plebesito na gaganapin kasabay ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre 30, 2023 hinggil sa planong ihiwalay ang CSJDM sa provincial government ng Bulacan. Sa panayam kay Agapito, mahigpit nitong tinututulan ang pagiging isang highly urbanized city ng kanilang lungsod…
Read More