CAVITE – Nasamsam ng Cavite police ang baril at droga sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Gun Ban at RA 9165, ang suspek na si Janzen Manalad y Magalong, nasa hustong edad, ng Brgy. Sto. Niño, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Manalad.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
5 KATAO SUGATAN SA RAMBOL SA CAVITE
CAVITE – Arestado ang lima katao, kabilang ang isang menor de edad, makaraang maglabo-labo sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Pawang nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mga biktima/suspek na sina Angel Salazar y Delas Alas, 45, welder; Jorvin Salazar y Abo, 21; Jeffrey Letada y Montecalbo, 30; William Calubay y Bolante, 56, at isang 17-anyos na binatilyo. Habang pinaghahanap ang isang Jeff Cahandag, alyas “Noynoy”, na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queens Row…
Read MoreSUSPEK SA RAPE, TIKLO SA MINDORO
HINDI akalain ng 49-anyos na lalaki na matutunton siya makaraang magtago ng 14 taon sa kasong rape, nang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa Calapan, Mindoro noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Gilbert Abu alyas “Abe”, may asawa, tubong Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro at naninirahan sa San Andres, Bauan, Batangas. Ang akusado ay kabilang sa most wanted person sa District Level. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila…
Read More2 RAPE SUSPECTS, TIMBOG SA CAVITE
CAVITE – Dalawang rape suspect na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons (MWP)-Regional Level, ang dinakma ng Cavite Police sa bisa ng warrant of arrest, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na sina Jimboy Bantayan y Pabia at Romeo Sta. Ines Jr. y Pastor Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang nagsagawa ng operasyon ang Gen. Trias Police Warrant Tracker Team laban sa MWPs sa Brgy. San Juan 1, General Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto…
Read MoreP15K payouts sa daan-daang URS students PINANGUNAHAN NI CONG. FIDEL NOGRALES
PINANGUNAHAN ni Rizal, 4th District Cong. Fidel Nograles ang pamamahagi ng labinlimang libong piso (P15K) sa mahigit limang daang estudyante ng University of Rizal System (URS) sa ilalim ng Tulong Dunong Program (TDP) na ginanap sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Oktubre 6, 2023. Sa programa, nagbigay si Cong. Nograles ng kanyang inspirational message sa mga estudyante para sa lalo pa nilang pagsisikap sa kanilang pag-aaral. Dumalo rin sa okasyon sina Dr. Florante Mercado, na nagbigay ng kanyang welcome remarks; Dr. Nancy Pascual, President ng URS na nagbigay ng…
Read MoreHVI TIMBOG SA TINANGGAP NA DAMO MULA SA COURIER
LAGUNA – Arestado ang isang high value individual drug personality matapos nitong i-claim ang isang package na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana mula sa isang courier services sa Brgy. Langgam, San Pedro City noong Biyernes ng hapon. Huli sa akto ang suspek na si Kim Vladimir Que, habang kinukuha nito sa Flash Home Courier sa Barangay Langgam, ang isang kahon na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang may timbang na 5.5 kilos at may DDB value na P660,000. Hindi nito alam na may nag-aabang na…
Read MorePOSTE TINAMAAN NG KIDLAT, MAG-ASAWA NAKURYENTE
CEBU – Napaso ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mag-asawa nang mabagsakan ng mga kable matapos tamaan ng kidlat ang poste ng kuryente habang dumadaan ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Laray, bayan ng Consolacion sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng mga biktimang sina Nillo Jusol 52, at Aida Jusol, 48, mga residente ng Barangay Jugan. Ayon sa report ng Consolacion, Cebu, dakong alas 2:00 ng hapon, magkaangkas ang mag-asawa sa motorsiklo at tinatahak ang municipal road sa kasagsagan ng mahinang pag-ulan, ngunit…
Read MoreKANDIDATONG KAGAWAD PATAY SA PANANAKSAK SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang isang miyembro ng LGBTQ na kandidato sa pagka-barangay kagawad, matapos saksakin ng kanyang kainuman sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Marvin Laluz, 29, residente ng Brgy. San Felix, Victoria. Ayon sa report ng Victoria police, dakong alas -3:00 ng madaling araw nang madiskubre ang biktima na nakahandusay sa harap ng kanyang bahay at tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad itong isinugod sa Bay Medical Center subalit idineklarang dead on…
Read MoreDAMAGE ASSESSMENT SA CAGAYAN AT MINDANAO QUAKE PATULOY
PATULOY ang isinasagawang damage assessment ng Office of Civil Defense bunsod ng magkasunod na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao at Cagayan, kasunod ng naging pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na posibleng magkaroon pa ng malalakas na aftershock. Unang niyanig ng magnitude 5.7 earthquake ang Dalupiri Island sa Cagayan bandang alas-11:35 bago magtanghali noong Miyerkoles. Unang iniulat na magnitude 6.2 ang naitalang lindol bago ito ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.7 na naramdaman ang intensity 3 ng pagyanig sa Calayan, Cagayan, habang intensity 4…
Read More