PUGANTENG KOREANO TIMBOG SA PAMPANGA

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong telecommunication fraud. Kinilala ang suspek na si Kang Hee Woo, 35, nahuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) noong Miyerkoles sa Malabacat City, Pampanga. Ayon sa pahayag ng Interpol National Central Bureau (NCB), si Kang ay mayroong iba’t ibang warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court at Seoul Dongbu Central District Court, hinggil sa mga kaso laban sa kanya. Nakarating din sa kalaman ng…

Read More

6 PULIS SA JEMBOY BALTAZAR KILLING, SUMUKO SA QUEZON

SUMUKO sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group – Quezon Provincial Field Unit, ang anim na pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar. Ang anim na pulis na kasalukuyang nahaharap sa kasong murder ay sina PEMS Roberto Balais Jr., PSSg. Gerry Maliban, PSSg. Antonio Bugayong Jr., PSSg. Nikko Pines Esquilon, PCpl. Edmard Jade Blanco, at Patrolman Benedict Mangada. Ayon sa CIDG Quezon, dakong alas 5:00 ng hapon nang sumuko ang anim sa CIDG Quezon PFU office, sa Camp Guillermo Nakar, sa Lucena City. Ang nasabing mga…

Read More

2 TULAK NABITAG

CAVITE – Timbog ang dalawa katao sa pagtutulak ng ilegal na droga na ang source anila ng ibinibenta nilang marijuana ay mula sa online, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Ejay Ong y Bonagua, 19, at Leonidez Martinez y Olaes, 25, kapwa ng Brgy. Tramo, Bantayan, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Christian A. David ng Kawit Municipal Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang…

Read More

VALIENTE HALOG DRUG GROUP, 3 PA LAGLAG SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang isang miyembro ng Valiente Halog drug group na nasa listahan ng High Value Individuals, at tatlong kasamahan nito sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Justine Gatchalian y Mahayag, miyembro ng Valiente Halog drug group at nasa listahan ng HVIs; Warren Chavez y De Guzman, Roberto Navales Jr. y Hortilano, at Justine Roileda y Calma. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Dasmariñas City Police at Cavite PIT RIU4A (Intel…

Read More

5 SASAKYAN, NAGKARAMBOLA SA CAVITE

CAVITE – Limang sasakyan ang nagkarambola sa kalsada sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Kabilang sa sangkot na mga sasakyan ang isang puting Isuzu MUX na may plakang DAO; isang pulang Mitsubishi Mirage na may plakang NGY 9864; isang pampasaherong tricycle na Rusi; isang E-Bike, at isang Mitsubishi Mirage G4 GLX 1 na may plakang NDA 796. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa harapan ng Dasmariñas National High School sa Congressional Avenue, Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite. Nabatid sa ulat, pawang binabagtas…

Read More

LASING NALUNOD SA TANGKE NG TUBIG

SAMAR – Nalunod ang isang 47-anyos na lalaking lasing sa concrete water tank sa Brgy. Malonoy, sa bayan ng Villareal sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali. Ayon sa report ng Eastern Visayas Police Regional Office, kinilala ang biktimang si Vicente Abainza Jr., 47-anyos na residente sa lugar. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, galing sa inuman ang biktima at pag-uwi nito sa kanilang bahay ay umakyat sa concrete water tank sa hindi malamang dahilan subalit nahulog at nalunod. Narinig pa ng ilang kapitbahay ang paghingi ng saklolo…

Read More

PAF CESSNA PLANE NAGLIYAB, 5 NAKALIGTAS

NAKALIGTAS ang limang sakay ng Philippine Air Force Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft nang mag-emergency landing ito kahapon ng madaling araw sa Mactan Cebu International Airport nang magliyab ang makina nito. Ayon sa inisyal report na ibinahagi ni PAF Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, nagawang maibalik at mailapag agad ng piloto ang Cessna 208B para makaiwas sa mas malaking pinsala at mailigtas ang mga sakay nito matapos na mapuna na nasusunog ang turboprop engine. Bandang alas-2:15 kahapon ng madaling araw ay ligtas na namaniobra ng piloto ang eroplano pabalik…

Read More

12-ANYOS NATAGPUANG NAKALUTANG SA ILOG

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan habang nakalutang sa ilog ang isang 12-anyos na binatilyo makaraang hindi makauwi sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jancel Mark Ramos, ng Brgy. Timalan, Balsahan, Naic, Cavite Ayon sa ulat, alas-3:45 ng hapon noong Oktubre 1 nang umalis sa kanilang ang bahay ang biktima ngunit t hindi na nakauwi. Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga magulang dakong ala-una ng hapon noong Lunes, na nagtungo ang biktima at ilang mga kaibigan nito sa…

Read More

NIA EMPLOYEE PATAY SA PAMAMARIL

NORTH COTABATO – Patay ang isang empleyado ng National Irrigation Authority (NIA) matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo sa national road sa Brgy. Kilada, sa bayan ng Matalam sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Aries Tiway Jr., 23, residente ng Brgy. Poblacion, Kidapawan City, at empleyado ng NIA Cotabato provincial office. Batay sa report ng Matalam police, sakay ng scooter ang biktima at patungo sa kabayanan galing sa Barangay Marbel. Ngunit pagsapit sa crossing sa…

Read More