P264K MARIJUANA, NASAMSAM SA 4 HVIs

CAVITE – Nasamsam ang tinatayang 2,200 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation at nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na nasa listahan ng High Value Individuals (HVI) ng pulisya, sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Jayson Trilles y Supatua, Rayven Sarmiento y Benosa, Mark Glen Rabino y Cuarte at Noel Niegad y Ordonez, pawang nasa hustong edad, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas- 5:10 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA TAMA NG KIDLAT

SOUTHERN LEYTE – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang tamaan ng kidlat ang tatlong estudyante sa Brgy. Asuncion, Maasin City noong Lunes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City ang biktimang si Jhundel Suganob, 19-anyos. Sugatan naman at naka-confine sa Southern Leyte Provincial Hospital ang dalawa na sina Alexis De Vera, 20, at Cezar Ray Batas, 21-anyos. Ang tatlo ay criminology students ng Saint Joseph College sa Maasin City. Ayon sa imbestigasyon, ang tatlo ay nasa sunken garden…

Read More

MAMAHALING MOTORSIKLO TINANGAY SA TEST DRIVE

CAVITE – Pinag-iingat ng Cavite Police ang publiko sa bagong modus operandi ng mga bumibili ng second hand na motorsiklo matapos i-test driver ng isang lalaki ang isang Harley Davidson Softail na motorsiklo at itinakbo ito sa insidenteng nangyari sa Cavite City noong Martes ng hapon. Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na nagngangalang Beboy Sugpo, na huling nakita na nakasuot ng puting may stripe na Orlando Baseball jersey na may itim na sando, maong pants, itim na sapatos at naka-military haircut. Ayon sa reklamo sa pulisya ng biktimang si…

Read More

MAGLOLA PATAY SA SUNOG SA EASTERN SAMAR

EASTERN SAMAR – Kapwa namatay ang 83-anyos na lola at 25-anyos na apo nitong lalaki sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Brgy. Tamoso, Borongan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng BFP Borongan City ang mga biktimang sina Lourdes Abobo at Lloyd Alec Legion na kapwa na-trap sa nasunog na bahay. Ayon sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog sa residential house ng mga biktima dakong alas-3:00 ng madaling araw habang natutulog ang mga ito. Mabilis na lumaki ang apoy at hindi na nakalabas ang dalawa…

Read More

PULIS, 2 PA PATAY SA 2 AKSIDENTE NG MOTORSIKLO SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang pulis at dalawa pang lalaki sa magkahiwalay na motorcycle accident sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo at Lunes ng madaling araw. Unang nasawi ang magkaangkas na sina Jeremy Piñero Ramirez, 24, nagmamaneho, at Renato Ramire, 51, backrider, nang ang kanilang motorsiklo ay mahulog sa kanal matapos na kanilang banggain ang sinusundang isa ring motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Sampaloc 2, dakong alas-8:15 noong Linggo ng gabi. Dumanas ang dalawa ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at hindi na naisugod sa ospital.…

Read More

RESORT OWNER, GRADE 9 STUDENT HULI SA BARIL

TIMBOG sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang may-ari ng isang resort dahil sa iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng armas sa raid sa bahay nito sa Barangay Magay II, Compostela, Cebu noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ng CIDG 7-Mandaue City Field Unit, ang suspek na si Joaquin Condevillamar Paez, 77-anyos. Isinagawa ang raid sa bahay nito sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Allan Francisco Garciano, Executive Judge ng RTC 7 Branch 83 sa Mandaue City. Halos dalawang oras na…

Read More

BABAENG ESTUDYANTE PINATAY SA SAKAL

NATAGPUAN ng isang lalaking naghahanap ng kanyang alagang baka, ang bangkay ng isang babaeng estudyante na limang araw nang nawawala, ayon sa mga awtoridad sa Diffun, Quirino. Ayon kay Police Major Juanito Balite Jr., hepe ng Diffun Police, matapos ang limang araw na paghahanap sa babaeng estudyante ay natagpuan ito sa magubat na lugar sa Barangay San Isidro nitong nakalipas na linggo. “May naamoy siya na hindi magandang amoy, hanggang natunton niya [‘yung bangkay] and then ni-report sa mga kabarangay and then may nag-report na rin sa amin,”ani Balite. Agad…

Read More

9,000 BUHAY NA MANOK IPINAMIGAY SA PAMPANGA

UMABOT sa 9,000 piraso ng buhay na manok ang ipinamahagi nang libre ng isang pribadong kumpanya para sa mga residente ng Barangay Bahay Pare sa Candaba, Pampanga para magamit na panghanda sa pagdiriwang ng kapistahan noong Setyembre 24, 2023. Tatlong truck ng buhay na manok na nagkakahalaga ng halos P2-million, ang ipinamigay nang libre ng mag-asawang tinaguriang ‘Good Samaritan’ na sina Engr. Danilo Baylon at Apo Aniway Baylon para sa 4,500 pamilya na pandagdag sa handa para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Parokya ng Nuestra Señora Dela Merced sa nasabing…

Read More

Traditional fishing ground ng Pinoy BAJO DE MASINLOC BINARIKADAHAN NG CHINA

MULI na namang gumawa ng salungat na aksyon ang China sa West Philippine Sea nang lagyan nila ng barikada ang bungad ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na isang traditional fishing ground ng mga mangingisdang Pinoy, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Agad namang kinondena ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paglalatag ng China Coast Guard ng floating barrier sa may South portion ng Bajo de Masinloc. Sinasawata ng barikada ang pagpasok ng Filipino Fishing Boats (FFBs) sa bungad…

Read More