LUCENA CITY – Arestado ang tatlong empleyado at ang asawa ng cashier matapos magkutsabahan sa pagbebenta ng ninakaw na gasolina mula sa kanilang pinagtatrabahuan na gasoline station sa lungsod. Ayon sa report, makaraan ang isinagawang surveillance operation ng mga tauhan ng ng Lucena City Police station at Quezon PNP Intelligence Unit, nabuko at naaresto nitong maghahatinggabi ng Biyernes, ang mga suspek na sina Shara Joy Baylon Demetrial, 28, cashier ng Petron Gas Station branch sa Old Maharlika highway, sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City; Mark Joseph Beltran, 27, at Billy…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
KOLEKTOR NG BUTAW SA MINIBUS DRIVERS, 3 PA INARESTO
CAVITE – Arestado sa isinagawang entrapment operation ang apat na indibidwal dahil sa panghihingi umano ng butaw sa mga driver ng minibus na pumapasada sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Florante Padla, Jolie Sobiono, George Anthony Calamba at Katherine Valbuena dahil sa reklamo nina Doridelio Yuson, presidente ng Cazamida Transport Group, at Efren Palma, operator ng baby bus. Ayon sa reklamo nina Yuson at Palma sa Bacoor City Police, tinatakot umano ng mga suspek ang mga driver ng mini bus na pumaparada sa…
Read MoreKLASE SA CAVITE SINUSPINDE DAHIL SA SMOG
BUNSOD ng mataas na antas ng sulfur dioxide emission mula sa Taal Volcano na nagdulot ng volcanic smog o vog, nagsuspinde ng klase sa lahat ng levels (public and private) ang lalawigan ng Cavite nitong Biyernes, Setyembre 22, 2023. Kabilang sa maagang nagdeklara ng suspensyon ng klase ang Lungsod ng Bacoor, Dasmariñas, Imus, Carmona, at Tagaytay, at ang bayan ng Tanza, at Rosario hanggang sumunod na rin ang lahat ng mga bayan at lungsod. Sa kanilang advisory, sinabi na sinuspinde ang klase bunsod ng babala mula sa Philippine Institute of…
Read More6 REBELDE NALAGAS SA ENGKWENTRO SA NEG OR
NEGROS ORIENTAL – Anim na hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army ang namatay nang sumiklab ang panibagong bakbakan sa pagitan NPA at mga tauhan ng Philippine Army sa Brgy. Tabugon, Kabankalan City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng 302nd Infantry Brigade na nakabase sa Tanjay City, Negros Oriental na nasa ilalim ng 3rd Infantry Division ng Army, bandang alas-7:30 ng gabi nang magsimula ang putukan na tumagal ng 15 minuto. Nasabat ng nagpapatrolyang mga tropa 47th IB ng Philippine Army na nakabase…
Read MoreGUNRUNNER TIMBOG SA ENTRAP OPS
BATANGAS – Natimbog ng mga tauhan ng CIDG Batangas Provincial Field Unit (PFU) ang isang lalaking nagbebenta umano ng baril, sa entrapment operation sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Pableo Macaraig, ng nabanggit na lugar. Ayon sa report ng Batangas PNP, isinagawa ang entrapment operation dakong alas-11:00 ng umaga nang dumating ang suspek sakay ng isang kotse upang mag-deliver ng baril sa isang operatiba na umaktong poseur buyer. Matapos ang transaksyon, dinakma ng mga awtoridad ang suspek na nakumpiskahan…
Read MoreLALAKING NA-DEPRESS SA AKSIDENTE NAGBIGTI
CAVITE – Nagbigti ang isang lalaki dahil sa dinaranas na depresyon makaraang maaksidente, sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Estanislao Panganiban. Ayon sa ulat, humingi ng tulong ang asawa na si Fidela sa kanilang barangay officials dahil nagkulong sa kanilang bahay ang biktima at nag-padlock ng pinto. Puwersahang binuksan ng barangay officials, kasama si Fidela, ang pinto ng bahay hanggang sa tumambad sa kanila ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord dakong alas-5:10 ng hapon. Kumbinsido naman ang…
Read MorePRINCIPAL SUGATAN SA RIDING IN TANDEM
NUEVA ECIJA – Sugatan ang isang 49-anyos na school principal matapos pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem suspects sa bayan ng Jaen sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Reden Daquiz, principal ng Sto. Tomas North Elementary School sa naturang bayan. Ayon sa report, dakong alas-7:20 ng umaga, papasok sa paaralan ang biktima sakay ng SUV, nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa gate mismo ng eskwelahan. Nagawa namang makababa ng biktima mula sa sasakyan at mabilis na tumakbo patungo sa compound ng paaralan. Agad…
Read More2 TINANGAY NG BAHA SA CEBU, NALUNOD
CEBU CITY – Dalawa ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa lungsod na ito matapos ang malalakas na pag-ulan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Cebu police, dakong alas-10:15 ng gabi nang matangay ng baha ang isang babae sa Sitio Sapak, Barangay Poblacion, Compostela, Cebu. Sa cellphone video ng isang netizen, makikita na sinasagip ng mga rescuer sa ilalim ng Guimbal Bridge ang wala nang buhay na biktima. Kinilala ang biktimang si Flordeliza Matiga Capuno, 50-anyos, nakatira sa gilid ng ilog sa Barangay Canamucan, Compostela, Cebu. Samantala sa…
Read More2 tauhan huli sa kotong sa transport groups BACOOR POLICE CHIEF, MASISIBAK
MISMONG si Philippine National Police chief General Benjamin Acordo ang nagpahayag na may pananagutan ang Bacoor City Police chief sa trabaho ng kanyang dalawang tauhan na dinakip ng mga awtoridad dahil sa pangongotong sa transport groups sa lungsod. Ayon sa ulat, nakatakdang lagdaan ni General Acorda ang relief order ng nasabing opisyal dahil sa pananagutan nito sa ilalim ng ‘command responsibility’. Una rito, inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang pulis at isang sibilyang kasabwat matapos mag-viral sa social media ang kanilang pangongotong sa transport groups…
Read More