HUMARAP sa mga mamamahayag si Atty. Marian Dupal-ag matapos makalaya mula sa pagkakakulong nang makapagpiyansa ng kabuuang ₱640,000 kaugnay ng walong (8) bilang ng kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya. Isinampa ang mga kaso ng pamunuan ng Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD) dahil umano sa mga ipinost ni Dupal-ag sa kanyang Facebook page noong nakaraang taon na itinuturing na mapanirang komento. Ayon kay Dupal-ag, isang gabi siyang nanatili sa kulungan kung saan nakihalubilo siya sa ibang mga detenido, pumila para sa pagkain, dumaan sa karaniwang booking procedure,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
RETIRADONG SEAMAN KRITIKAL SA AWAY SA PARKING
AGAW-BUHAY ang isang retiradong seaman makaraang pagbabarilin ng kapitbahay nang magtalo dahil sa parking sa kanilang lugar sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Dela Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Antonio”, 65, ng Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite. Agad namang naaresto ang suspek na si alyas “Rodolfo”, 77, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hinggil sa pagpaparada ng kanilang mga sasakyan sa kanilang barangay bandang alas-10:30 ng umaga. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, umuwi ang…
Read MoreMASS SHOOTING SA LEYTE NAPIGILAN DAHIL SA TIP
INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang mass shooting ang napigilan ng mga awtoridad. Sinabi ng Kalihim sa isang press briefing sa Camp Crame, na nakatanggap siya ng tawag mula kay Sen. Bam Aquino na posibleng magkaroon ng pamamaril sa Tolosa National High School sa Leyte. Kaagad niyang ipinaberipika ang natanggap na impormasyon at nang suriin ay nakumpirma ito. Napag-alaman na isang 14-anyos na babae umano ang nasa likod ng plano na gumagamit ng multiple social media account. Lumitaw rin sa isinagawang…
Read MoreTATAKBONG BRGY. CHAIRMAN SA BATANGAS TINODAS
PATAY ang isang 53-anyos na negosyante na umano’y nagbabalak tumakbo bilang barangay chairman sa nalalapit na halalan, matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Sto. Tomas City, Batangas, noong madaling araw ng Miyerkoles. Kinilala ang biktima sa pangalang “Evelyn”, residente ng Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City. Ayon sa pulisya, nag-aasikaso ang biktima sa kanilang meat shop sa Brgy. San Roque bandang alas-4 ng madaling araw nang lapitan at pagbabarilin ng backrider ng isang motorsiklo. Batay sa CCTV footage, apat na beses na pinaputukan ang biktima bago…
Read MoreLGUs HUGAS-KAMAY SA KRISIS SA TUBIG SA QUEZON
NILINAW ng mga LGU sa Lalawigan ng Quezon, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Lucena City, at Tayabas City, na wala silang direktang hurisdiksyon o kontrol sa operasyon ng PrimeWater-QMWD Joint Venture sa kabila ng lumalalang krisis sa tubig sa lalawigan. Ayon sa mga lokal na opisyal, ang QMWD ay isang independent quasi-public corporation habang ang LWUA at NWRB naman ang may saklaw sa usapin. Maaari lamang umanong repasuhin ng mga lokal na opisyal ang Joint Venture Agreement upang matukoy ang posibleng legal na hakbang. Sa kabila nito, pursigido ngayon ang…
Read MoreCAFGU MEMBER TIMBOG SA PAMAMARIL SA 4 KATAO
ARESTADO ang isang CAFGU member na itinuturong gunman sa magkasunod na pamamaril sa mga bayan ng San Andres at Lopez sa Lalawigan ng Quezon noong Abril na ikinasawi ng apat na katao. Sa press conference na isinagawa sa Camp Vicente Lim sa Laguna, inihayag ni Police Brigadier General Hansel Marantan, Regional Director ng PNP Calabarzon, ang pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jerome”, nakatala bilang Rank No. 1 Regional Most Wanted Person. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong murder, na walang…
Read More1 SA 2 ABANGERS NA HOLDAPER SUGATAN SA PULIS SA CAVITE
SUGATAN ang isang hinihinalang holdaper makaraang barilin ng isang pulis matapos na unang magpaputok habang nakaparada ang kanilang motorsiklo at umano’y nag-aabang ng mabibiktima sa Bacoor City, Cavite noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang suspek na si alyas “Sherwin”, 26, isang installer, ng Barangay Molino, dahil sa tama ng bala sa katawan habang tinutugis ang kasamahan nito na si alyas “Erwin” na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa salaysay ni Pat. Joseph Agsunod ng Bacoor Component City Police Station, nagmamaneho siya ng kanyang…
Read MoreDOJ INIUTOS MALALIMANG IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA ESKWELAHAN SA TACLOBAN
INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang masusi at malalimang imbestigasyon kaugnay ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa. Ayon sa DOJ, nakipag-ugnayan na ito sa Office of the Regional Prosecutor ng Region VIII upang makalap ang buong detalye ng insidente. Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office sa koordinasyon ng Office of the City Prosecutor of Tacloban. Kasalukuyang tinitipon ng mga awtoridad ang mahahalagang impormasyon kabilang ang pagkakakilanlan ng mga nasawi,…
Read MoreBUHAWI MULING NANALASA SA TABING DAGAT SA QUEZON
NAYANIG ang mga residente at bakasyunista sa Barangay Libjo, Infanta, Quezon nang biglang mamuo at humagupit ang isang malakas na buhawi mula sa dagat noong Linggo dakong alas-6:20 ng gabi. Sa lakas ng hangin, may mga bangkang inangat at inihagis, habang pinsala naman ang inabot ng ilang kabahayan, cottages, at may natumbahang mga puno. Agad namang nag-utos si Mayor LA Ruanto ng assessment para sa agarang tulong sa mga apektadong residente. Ayon sa ulat, ito ang magkakasunod na insidente ng buhawi sa lugar nitong mga nakalipas na buwan kaya’t labis…
Read More