16 PARES NG KATUTUBO IKINASAL SA MASS WEDDING SA SIERRA MADRE

LABING-ANIM na pares ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nag-isang dibdib sa kauna-unahang Kasalang Bayan na isinagawa sa Sitio Miyunod, Barangay Magsaysay, isang liblib na komunidad sa kabundukan ng Sierra Madre noong Biyernes, Hulyo 31.

Pinangunahan ni Infanta Mayor Lord Arnel “L.A.” Ruanto ang seremonya matapos marating ang lugar na nangangailangan ng mahigit dalawang oras na paglalakad sa matarik na kabundukan.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng libreng handaan, kasal package, dalawang sako ng bigas at tig-P2,000 na tulong-pinansyal sa bawat bagong kasal.

Kasabay ng pagdiriwang, muling isinabuhay ng komunidad ang ilang tradisyunal na kaugalian ng mga katutubo bilang bahagi ng seremonya.

Nauna ring nagtungo ang alkalde sa mga pinakamalayong paaralan sa Barangay Magsaysay upang mamahagi ng 104 AI-powered learning tablets sa ilalim ng Lingap Aral Program, bilang bahagi ng pagpapalawak ng access sa edukasyon para sa mga mag-aaral sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang mga programang ito ng layunin nitong mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga komunidad na nasa pinakamalayong bahagi ng Infanta.

(NILOU DEL CARMEN)

182

Related posts

Leave a Comment