P2.6-M ILLEGAL DIESEL NASAMSAM SA DRIVER AT HELPER SA MARINDUQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) SA Boac, Marinduque ang isang truck driver at helper mula sa Tiaong, Quezon matapos mahulihan ng 8,000 litro ng diesel na walang kaukulang lisensya mula sa Department of Energy (DOE). Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang tanker truck na gamit sa transaksyon. Nahaharap ang mga mga suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 (Illegal Trading of Petroleum Products). (NILOU DEL CARMEN) 311

Read More

10 ARESTADO SA KAMPANYA KONTRA KRIMEN SA NUEVA ECIJA

PEÑARANDA, Nueva Ecija – Sa loob lamang ng isang buwan sa pamumuno ni Officer-in-Charge PCPT Silvestre C. Colanza, nakapagtala ang Peñaranda Municipal Police Station (MPS) ng mahahalagang operasyon laban sa kriminalidad kabilang ang kampanya laban sa ilegal na droga, pag-aresto sa mga wanted person, pagkahuli ng loose firearms, at pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, na nakatulong sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa munisipalidad. Nabatid na mula Mayo 21 hanggang Hunyo 21, 2026, pinaigting ng Peñaranda MPS ang kampanya nito laban sa mga wanted person, na nagresulta…

Read More

DOJ INIUTOS MALALIMANG IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA ESKWELAHAN SA TACLOBAN

INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang masusi at malalimang imbestigasyon kaugnay ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa. Ayon sa DOJ, nakipag-ugnayan na ito sa Office of the Regional Prosecutor ng Region VIII upang makalap ang buong detalye ng insidente. Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano Martinez na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office sa koordinasyon ng Office of the City Prosecutor of Tacloban. Kasalukuyang tinitipon ng mga awtoridad ang mahahalagang impormasyon kabilang ang pagkakakilanlan ng mga…

Read More

DA NAKABANTAY SA EPEKTO NG BAGYONG FRANCISCO SA MGA SAKAHAN

FLOOD warning ang itinaas kahapon sa 10 rehiyon sa bansa dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Francisco, habagat at mga thunderstorm na maaaring magdulot ng pagbaha. Kasabay nito, itinaas na rin ang Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng bansa habang patuloy na lumalakas ang bagyo, ayon sa PAGASA. Kabilang sa mga rehiyong nakataas ang flood warning ang MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Nagbabala ang state weather bureau na…

Read More

ROMUALDEZ NAG-UTOS NG MABILIS NA IMBESTIGASYON SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

NANAWAGAN si Leyte Rep. Martin Romualdez ng mabilis at malalimang imbestigasyon kaugnay ng madugong pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City. Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay at agarang tulong ang lider ng Kamara sa mga pamilya ng mga biktima matapos masawi ang tatlong katao at masugatan ang pito sa insidente. “I have directed my office to coordinate with local authorities and relevant government agencies to determine what assistance can immediately be provided to the affected families,” pahayag ni Romualdez. “At the same…

Read More

SEN. MARK VILLAR KINONDENA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

MARIING kinondena ni Senator Mark Villar ang madugong pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa. Ayon sa senador, walang puwang ang ganitong uri ng karahasan sa anumang institusyong pang-edukasyon. “Mariin kong kinokondena ang karumal-dumal at walang saysay na pamamaril na naganap sa loob ng San Jose National High School. Ang pagkawala ng mga buhay sa isang lugar na dapat ay ligtas na kanlungan ng pag-aaral at paghubog ng kinabukasan ay isang trahedyang hindi dapat mangyari,”…

Read More

HALOS P99-MILYONG PUSLIT NA YOSI NASABAT SA OPERASYON NG NAVY, PNP

AABOT sa halos P99 milyon halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Sulu, Maguindanao del Norte at Cotabato. Sa ulat ng Western Mindanao Naval Command (WMNC), nasa P93.9 milyon halaga ng undocumented foreign-brand cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine National Police sa dalawang interdiction operation sa karagatan ng Sulu noong Hunyo 18. Unang naharang ng Naval Task Force 61 ang M/B Aslinda malapit sa Cabucan Island sa bayan ng Hadji Panglima Tahil. Sa inspeksyon, nadiskubre ang…

Read More

AMBULANSYANG PATUNGONG IPIL NAHULOG SA DAGAT

NAKALIGTAS ang driver ng isang ambulansiya na patungong Ipil sa Zamboanga nang mahulog ang minamanehong medical emergency vehicle sa dagat sakop ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Ayon sa ulat, nakalabas ng ambulansya ang driver nito bago pa ito tuluyang mahulog. Nabatid sa ibinahaging ulat ng MDRRMO, nahulog sa dagat ang isang ambulansya bago ito maisakay sa isang barge sa Hula-Hula Port sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay. Hinatak ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection…

Read More

CONSUMERS SA QUEZON NAGKASA NG GRAND RALLY VS PRIMEWATER

KASADO na ang grand rally ng mga consumer laban sa serbisyo ng PrimeWater sa Tayabas City at mga karatig lugar na nakatakdang isagawa sa Hunyo 24, dakong alas-8 ng umaga sa nasabing lungsod, ayon sa opisyal ng pamahalaang panlalawigan. Kabilang sa mga lungsod na patuloy na naglalabas ng reklamo sa supply ng tubig ang mga residente sa Lucena City, Tayabas City at Pagbilao. Ang PrimeWater ang nagpapatakbo ng supply ng tubig sa ilang lugar sa Quezon sa ilalim ng joint venture kasama ang Quezon Metropolitan Water District (QMWD). Ngunit noong…

Read More