SA halip na operasyon kontra krimen, pakikipag-usap at paggabay sa kabataan ang naging misyon ng mga opisyal ng pulisya sa Lalawigan ng Quezon, kung saan hinikayat nila ang mga estudyante na unahin ang edukasyon at umiwas sa mga bisyo at kriminalidad. Naging makabuluhan ang isang ordinaryong araw ng klase para sa mga estudyante ng Tagkawayan National High School sa Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon matapos silang bisitahin ng matataas na opisyal ng Police Regional Office 4A sa isang mentoring at youth engagement activity. Pinangunahan ni Police Brigadier General Hansel Marantan,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
GUIMARAS MANGOES, OPISYAL AT DIREKTA NANG INILULUWAS SA EUROPA
OPISYAL at matagumpay nang nailunsad ang kauna-unahang direktang pagluluwas ng Guimaras Geographical Indication (GI) mangoes sa merkado ng Europa sa pamamagitan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Sa ibinahaging ulat ng BOC, may 100 kilo ng premium mangoes ang unang shipment na ipinadala noong Hunyo 10, 2026, matapos ang isang send-off ceremony sa Guimaras Wonders Farm sa Alaguisoc, Jordan, Guimaras. Ang Belgium ang magsisilbing pangunahing port of entry ng mga mangga. Mula rito, ipamamahagi na ang mga ito…
Read More3-ANYOS PASLIT NATUSTA SA PINAGLARUANG LIGHTER
PATAY ang isang 3-anyos na paslit nang makulong sa nasusunog nilang bahay na nagliyab dahil sa pinaglaruang lighter noong Miyerkoles ng umaga sa Argao, Cebu. Ayon sa Argao Police Station, naiwan ang bata sa kanilang bahay sa Sitio Sibuyan, Barangay Upper Canjue at naglaro ng lighter hanggang sa nakitang nagliliyab na ang bahay. “Allegedly naglalaro ng lighter na siyang dahilan ng sunog,” ayon kay Police Capt. Eden Rex Baguio, hepe ng Argao police. Mabilis umanong kumalat ang apoy dahilan upang makulong ang bata sa loob ng natutupok na bahay. Hindi…
Read More2 BANGKAY NATAGPUAN SA NAKAPARADANG SASAKYAN SA TPLEX
NAGSASAGAWA ng backtracking at timeline assessment ang mga imbestigador ng Tarlac PNP kaugnay sa natagpuang dalawang bangkay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa gilid ng isang gasolinahan sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) southbound sakop ng Barangay San Francisco, Victoria, Tarlac. Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na ulat sa sanhi ng pagkamatay (cause of death) ng dalawang indibidwal dahil kasalukuyan pa lamang itong sinusuri at inaantabayanan ang autopsy o post-mortem report mula sa Tarlac Forensic Unit. Ayon sa mga awtoridad, nadiskubre ang pangyayari matapos na hilingin ng tagapamahala ng gasolinahan…
Read MoreDATING AFP RESERVIST, NAHULIHAN NG BARIL
ARESTADO ang isang dating AFP reservist makaraang mahulihan ng baril nang tutukan ang ilang awtoridad na nagsasagawa ng inventory sa buy-bust operation, nang mapagkamalang mga tambay sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang naarestong suspek na si alyas “Raymart”. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng inventory operation sa isang buy-bust operation ang personnel ng Dasmariñas CPS Intel Operatives bandang alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, nang dumating ang suspek at umihi sa…
Read More92 PUGANTENG MAY SEXUAL OFFENSES, VAWC CASES ARESTADO NG PNP-CIDG
ARESTADO ng PNP-CIDG ang 92 pugante na may kinahaharap na kasong rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula Hunyo 1 hanggang 15. Batay sa inilabas na datos ng CIDG, ang 42 indibidwal na inaresto ay mula sa Luzon, habang ang 14 ay mula sa Visayas at 33 indibidwal naman ang mula sa Mindanao. Sa nasabing bilang, 30 ang tinaguriang Regional Most Wanted Persons, habang 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most…
Read More5 GRADE 5 PUPILS, SINAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE SA CAVITE
SUGATAN ang limang Grade 5 pupils matapos silang pagsasaksakin ng isang Grade 8 student sa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa isang pribadong paaralan sa General Trias City, Cavite nitong Martes ng umaga. Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga biktima na pawang mag-aaral ng Bethel Academy, habang ang suspek ay isang babaeng Grade 8 student mula rin sa naturang paaralan. Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng Bethel Academy School sa Brgy. Sta. Clara corner Navarro, General Trias City. Ayon sa isang saksi,…
Read MorePagpapatrolya pinaigting ng tourist police SWIMMING CURFEW IPINATUPAD SA BEACH RESORTS SA AURORA
KASUNOD ng nangyaring trahedya na nagdulot ng pagkasawi ng dalawang Ateneo athletes, naghigpit ang mga awtoridad sa Aurora Province para tiyakin ang kaligtasan ng mga turistang nagtutungo sa mga beach resort sa lalawigan. Mahigpit nang ipinatutupad ang swimming curfew mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng madaling araw sa mga dalampasigan sa lalawigan. Sa ilalim ng patakaran, ipinagbabawal ang anomang paglangoy o paliligo at iba pang water activities sa itinakdang oras. Maaari namang mamasyal sa tabing-dagat basta’t hindi lalapit sa tubig. Pinaiigting din ng Aurora Tourist Police Unit ang foot…
Read MoreRESCUED DOGS SHELTER POSIBLENG MAGSARA SA KAKULANGAN SA TUBIG
MALUNGKOT na inanunsyo ng Aspin Academy Corp., ang grupong kumakalinga sa rescued dogs sa Tayabas City, Quezon, na posibleng tuluyan nang isara ang kanilang shelter dahil sa matagal nang problema sa kakulangan sa maaasahang water source. Ayon sa grupo, taon na nilang dinaranas ang hirap sa suplay ng tubig na kritikal sa araw-araw na pangangalaga sa mahigit 70 asong na-rescue mula sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON. Giit nila, mula pa noong 2024 ay paulit-ulit na silang humihingi ng tulong at nagsisikap na makalikom ng pondo para makapagpatayo ng deep…
Read More