SA paggunita ng kanilang ika-20 anibersaryo at year-end gathering, pinili ng PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. na ituon ang pagdiriwang sa serbisyong panlipunan. Sa halip na magdaos ng malaking selebrasyon, inilaan ng grupo ang araw para maghatid ng saya at pag-asa sa mga batang may cancer at kanilang pamilya sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City noong Nobyembre 20, 2025. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga munting handog, pagsasagawa ng mga laro, at pakikisalamuha sa mga bata, nagbigay sila ng aliw at inspirasyon sa mga batang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ENGR. TAMAYO NG DPWH REGION 4B INARESTO PAGLAPAG SA NAIA
KAAGAD inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang OIC ng Planning and Design Division ng DPWH Region 4B na si Engr. Montrexis Tamayo matapos itong dumating sa bansa. Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, nasakote si Tamayo sa NAIA Terminal 3 paglapag ng sinasakyang Emirates Airlines Flight UEA332 mula Dubai nitong Martes. Agad siyang dinala sa CIDG office sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure at dokumentasyon, bago iharap sa korte. Miyerkoles ng umaga, dinala si Tamayo sa Sandiganbayan para sa pagsauli…
Read MorePara hindi maantala – Comelec BAGONG REDISTRICTING LAW DAPAT IPASA PARA SA BARMM ELECTION
INIHAYAG ng Commission on Elections na mahirap maisagawa ang unang parliamentary elections sa BARMM sa Marso 31, 2026 kung walang bagong ‘redistricting law’ na maipapasa bago matapos ang Nobyembre. Hinihintay ng komisyon ang batas para masunod ang timeline ng halalan ngunit nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia na ang pahayag ay hindi para i-pressure ang Bangsamoro Parliament kundi para bigyang-diin na kailangan ng komisyon ang batas upang masunod ang kanilang timeline. Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay nagpasa ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 noong Agosto, na muling nagbahagi…
Read MorePANIBAGONG HINIHINALANG BUTO NG TAO NATAGPUAN SA TAAL LAKE
MULING nakarekober ang mga awtoridad ng panibagong hinihinalang buto ng tao sa Taal Lake kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero. Natuklasan ang mga ito habang nagpapatuloy ang search and retrieval operations para sa mga sabungerong umano’y itinapon sa lawa ilang taon na ang nakalilipas. Ayon kay Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng Department of Justice, nakuha mula sa lawa ang isang net at tatlong sako na naglalaman ng tatlong hinihinalang buto ng tao at itim na buhangin. Itinurn-over na sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga…
Read MoreNAWAWALANG LALAKI NATAGPUANG PATAY
CAVITE –Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki dalawang araw makaraang iulat na nawawala, na nabaril pala ng isang welder sa loob ng isang kumpanya sa Trece Martires City. Kinilala ang biktima na si alyas “Ryan”, 32, isang helper, ng Brgy. Gregorio, Trece Martires City. Hawak na ng Trece Martires City Component City Police Station ang suspek na si alyas “Edward”, 47, isang welder, ng Brgy. Conchu, Trece Martires City. Ayon sa ulat, noong Nobyembre 22 bandang alas-9:30 ng gabi, napansin ng suspek sa loob ng CavDeal Motorpool sa Brgy.…
Read More500 PDLs INILIPAT SA MINDORO
BILANG paghahanda sa pagsasara ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa sa taong 2028, inilipat na ang nasa 500 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Oriental Mindoro. Nitong Lunes, ibiniyahe ang mga PDL patungong SPPF na ineskortan ng 150 tauhan mula sa NBP na sinabayan pa ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), umaabot na sa 13,781 PDLs ang nailipat sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) bilang bahagi ng preparasyon para sa pagsasara ng NBP at…
Read MoreSangkot sa pagpapasabog COLLEGE DEAN ARESTADO SA PAGKAMATAY NG 2 BRGY. OFFICIALS
HAWAK na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang college dean sa Maguindanao del Sur, na sinasabing sangkot sa roadside bombing na ikinamatay ng dalawang barangay officials noong taong 2023. Ayon kay Police Major Gen. Robert Morico II, acting PNP-CIDG director, nadakip ng kanyang mga tauhan si alyas “Sarip”, 33-anyos, sinasabing may kinalaman sa November 2023 roadside bombing sa Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha na ikinasawi nina Jun “Datumanot” Silongan, barangay chairman ng Brgy. Pendeten, sa bayan ng Datu Salibo, at Barangay Councilor Salik Katua. Ayon sa ulat…
Read MoreAmihan at shearlines magpapaulan sa Luzon BAHA AT LANDSLIDES NAKAAMBA SA VISAYAS AT MINDANAO SA TD VERBENA
NAKAAMBA ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpabaha sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao bukod pa sa banta ng landslides bunsod ng inaasahang pananalasa ng Tropical Depression Verbena. Ayon sa PAGASA nitong Lunes, habang tinatahak ni TD Verbena ang Visayas ay patuloy itong lumalakas kaya naglabas sila ng babala hinggil sa malawakang pagbaha at rain-induced landslides, na inaasahang maka-aapekto sa maraming paaralan at residential areas. Ayon sa state weather bureau ang tropical cyclone ay posibleng maging ganap na tropical storm nitong Lunes hanggang ngayong araw ng Martes o sa…
Read MoreMIYEMBRO NG CRIME GROUP TIMBOG SA BARIL, DROGA
BULACAN – Isang miyembro ng Saturnino criminal group ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng San Jose del Monte City Police Station (SJDM CPS) nitong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM sa lalawigan. Base sa report ni PLt. Col. Reyson Bagain, Chief of Police ng SJDM CPS, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Potpot,” 31, matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga awtoridad. Ang suspek ay kilalang miyembro ng Saturnino criminal group at kabilang sa COPLAN BILOG target list ng SJDM CPS. Nasamsam mula…
Read More