CAVITE – Nadakip ang dalawang menor de edad at dalawang kasapakat nila sa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang tinangay na underground copper wires sa Imus City noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Onyok”, “Kinito” at “Ron”, pawang mga menor de edad, at alyas “Jerry”, 36, at “Ana”, 21-anyos. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga roving guard ng PLDT band dakong alas-3:21 ng madaling araw sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
70 PULIS SA BASILAN SIBAK SA HAZING
SINIBAK sa kanilang pwesto ang nasa 70 pulis na mga miyembro ng Regional Force Battalion 14B sa Lamitan, Basilan. Ito’y kasunod na diumanoy hazing sa reception rites sa mga bagong pulis na nag-viral sa social media ang larawan at video. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, sibak sa pwesto ang 70 mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-14B kasama na ang 12 mga pulis na direktang sangkot sa pangmamaltrato sa mga bagong pulis na kaka-graduate lang sa basic internal security training. Ang nasibak na mga pulis ng RMFB-14A ay…
Read MoreP.3-M SHABU NASAMSAM SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang P340,000.00 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nagresulta sa pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek na si alyas “Vic”, 40 ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa…
Read MoreISINARANG KALSADA SA LAGUNA NAGDULOT NG TENSYON
LAGUNA – Isinara ang Casile Road sa Cabuyao City sa lalawigan noong Sabado, Pebrero 7 dahil sa matagal nang usapin sa pagmamay-ari ng lupa sa pagitan ng mga residente at isang korporasyon. Ang biglaang pagsasara ay nagdulot ng matinding abala sa mga manggagawa, estudyante, at motorista na gumagamit nito bilang alternatibong ruta patungong Tagaytay. Nagkaroon ng tensyon sa lugar nang magkasagupa ang dalawang grupo na humantong sa batuhan at mga putok ng baril sa kabila ng presensya ng mga awtoridad. Giit ng mga residente, may hawak silang dokumento mula sa…
Read MoreBAR PASSER NA PULIS BAGONG PD NG RIZAL PNP
PORMAL nang inilipat kay Police Colonel Eleazar Barber Jr. ang pamumuno sa Rizal Police Provincial Office (PPO) mula kay Police Colonel Feloteo Gonzalgo sa isinagawang turnover ceremony kamakailan. Kabilang si Barber sa mga bagong abogado na nakapasa sa Bar examinations na pinangasiwaan ng Korte Suprema. Umaasa ang ilang residente at stakeholder sa Rizal na mas mapalalakas ang pagsunod sa due process at legal na operasyon ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Barber. Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi si Barber bilang hepe ng seguridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at…
Read MoreCHINESE NATIONALS ARESTADO SA ZAMBOANGA AT KALINGA
ARESTADO ang ilang Chinese national sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga City at Tabuk City, Kalinga dahil sa paglabag sa immigration laws ng bansa. Sa Zamboanga City, dinampot ng BI intelligence operatives si Rong Tian Shi, 40, sa isang cellphone at accessories shop sa Maria Clara Street, Barangay Zone 3 noong Pebrero 2. Naaktuhan umano si Shi na aktibong nagpapatakbo ng negosyo at nakikipagtransaksyon sa mga kostumer nang hulihin. Ayon sa BI, may iregularidad sa rekord ni Shi dahil ang working visa nito ay inihain…
Read More4 ESKUWELAHAN SA CAVITE, NAKATANGGAP NG BOMB THREAT
NAGKAROON ng tensyon sa Cavite matapos makatanggap ng bomb threat ang apat na paaralan sa magkakahiwalay na insidente. Unang nakatanggap ng banta ang Luksuhin Integrated School sa Alfonso, Cavite bandang alas-7:00 ng umaga matapos makatanggap ng chat message sa kanilang Facebook page. Sa mensahe, may nagbabala umano na may bomba sa loob ng paaralan at hinikayat ang administrasyon na magsagawa ng imbestigasyon. Bandang alas-11:20 naman ng umaga, nakatanggap ng mensahe ang Cavite Community Academy Inc. sa Naic, Cavite mula sa isang nagpakilalang “Crep Kirt” na nagbabantang bobombahin ang limang paaralan…
Read MoreP80-M SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT SA BODEGA SA BULACAN
NASAMSAM ng pinagsanib na puwersa ng CIDG at pulisya ang tinatayang P80-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang bodega sa Barangay Prenza 1, Marilao, Bulacan nitong Pebrero 6. Sa ulat, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba mula ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-8:30 ng umaga sa J1 Industrial Compound na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang dayuhan na umano’y sangkot sa malawakang distribusyon ng ilegal na produktong tabako. Nadiskubre sa operasyon ang trailer truck at mga closed van na puno ng sigarilyo na nakaimbak sa bodega na pinapatakbo ng…
Read More4 PATAY, 3 SUGATAN SA BAGYONG BASYANG
APAT na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos matabunan ng landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng Tropical Storm Basyang sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi. Tatlo naman ang naiulat na sugatan sa hiwalay na insidente sa Misamis Oriental, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Kinilala ang mga nasawi sa pagguho ng lupa sa Barangay Agusan na sina Paul Lariosa, 47; asawa nitong si Ruffah Lariosa, 35; isang 12-anyos na bata at isang 11-buwang gulang na sanggol na kanilang kaanak. Ayon kay OCD spokesperson Junie Castillo, lumambot…
Read More