LALAKI NATAGPUANG PATAY SA TULAY

HUMIHINGI ng tulong sa publiko ang Sto. Tomas City Police Station sa Batangas para sa agarang pagkakakilanlan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang walang buhay sa San Juan River Bridge sa Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City. Natagpuan ang lalaki dakong alas-6:00 ng umaga noong Biyernes, Setyembre 18, 2026, ayon sa paunang impormasyon ng pulisya. Kabilang sa mga palatandaang maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng lalaki ang suot nitong puting T-shirt na may print at puting sapatos. Mayroon din umano itong tattoo sa kaliwang itaas na bahagi ng binti…

Read More

2 EX-MEMBERS NG COMMUNIST TERROR GROUP TIKLO SA APAYAO

MATAGUMPAY na nadakip ng mga awtoridad ang dalawang dating miyembro ng Communist Terror Group, kabilang ang isang most wanted. Hindi naging madali ang pag-aresto sa dalawang suspek dahil palipat-lipat sila ng lugar. Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang mga suspek na sina alyas “Tangkib” o “Mario” na may pitong kaso ng pamamaslang at dalawang bilang ng tangkang pamamaslang na may pabuyang P1.85 milyon, at alyas “Joy”, tinaguriang number 6 most wanted person ng Ifugao Police Provincial Office. Ayon sa ulat, dinamba ang mga suspek sa kahabaan ng…

Read More

RORO UMUSOK HABANG NAGLALAYAG SA BATANGAS

BIGLANG umusok ang isang RoRo vessel habang naglalayag sa karagatan ng Tingloy, Batangas noong Linggo ng gabi. Nabatid mula sa ulat ng Philippine Coast Guard, dakong alas-10:43 ng gabi nang i-report ang insidente, nasa humigit-kumulang 1.8 nautical miles mula sa Balahibong Manok, Tingloy. Biyaheng Batangas Port patungong Abra de Ilog ang barko, na may sakay na 30 crew members at 16 oil tanker trucks. Wala namang iniulat na nasaktan at agad nakontrol ang pagbuga ng usok sa pamamagitan ng emergency procedures ng barko. Batay sa pahayag ng ship master, umapaw…

Read More

Kasunod ng pagpanaw ni Rep. Gato SPECIAL ELECTION IDARAOS SA BATANES – COMELEC

NAGPATAWAG ng emergency meeting ang Commission on Elections (Comelec) sa kanilang field officials para paghandaan ang inaasahang special election sa unang distrito ng Batanes. Kasunod ito ng pagpanaw ni Batanes Lone District Representative Ciriaco Gato Jr. Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kailangang idaos ang special election nang hindi mas maaga sa 60-araw at hindi lalampas sa 90-araw mula nang mabakante ang puwesto. Posible rin aniyang isabay ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung matutuloy ang BSKE sa Nobyembre 2. Pero ayon kay Garcia, kailangang ikonsidera ang itinakdang minimum…

Read More

2 BIFF TARGET NG JOINT LAW ENFORCEMENT OPERATION, PATULOY NA TINUTUGIS

PATULOY ang manhunt operation ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army laban sa dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakatakas sa isinagawang joint law enforcement operation sa Barangay Balong Tugunan, Special Geographic Area (SGA) ng BARMM. Ang dalawang tinutugis ay kinilalang sina alyas “Zoren” o “Zorin,” na sinasabing commander ng BIFF Bungos Faction, at Daureen Manampan, alyas “Marines.” Kapwa wanted ang dalawa at pakay ng arrest warrants dahil sa mga kasong carnapping na may homicide, bukod sa mga ulat ng pangingikil at…

Read More

Ilang kabataan ipinatawag sa online threats: PNP NANAWAGANG MAGING RESPONSABLE SA SOCIAL MEDIA

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media kasunod ng pagpapatawag at imbestigasyon sa ilang estudyanteng menor de edad at isang 18-anyos na lalaki dahil sa umano’y firearm-related online posts sa Sultan Kudarat at South Cotabato. Ayon sa PNP, iniimbestigahan ang mga indibidwal kaugnay ng mga online post at video na umano’y naglalaman ng banta o pananakot. “Let this be a reminder that social media is not a place to make threats or create fear,” pahayag ni PNP chief Gen.…

Read More

MINAHAN SA ZAMBALES, INIREKLAMO NG MGA GUWARDIYA SA UMANO’Y 2-3 BUWANG DELAY SA SAHOD

ZAMBALES — Inireklamo ng grupo ng mga security guard ang umano’y ilang buwang pagkaantala sa kanilang sahod habang patuloy silang nagsasagawa ng 12-oras na duty sa isang malaking mining operation sa lalawigan. Ayon sa mga guwardiya ng Longinus’ Spear Security Agency na nakatalaga sa ErAmen Mining, nasa dalawa hanggang tatlong buwan na umano silang atrasado sa sahod, ngunit patuloy pa rin silang pumapasok sa gitna ng bundok, ulan at iba pang panganib sa kanilang trabaho. Anila, nangangamba silang pag-initan o mawalan ng trabaho sakaling igiit nila ang kanilang karapatan sa…

Read More

Para sa mas matibay na katiwasayan sa paaralan B. E. S. T. ALERT SYSTEM INILUNSAD NG ANGONO PNP

ANGONO, Rizal — Isinagawa ng Angono Municipal Police Station (MPS) nitong Setyembre 21, 2026, bandang ika-8 ng umaga, ang Pagtataas ng Watawat at pagpapakilala sa B.E.S.T. (School Alert and Rapid Response) System sa Carlos Botong Francisco National High School sa Barangay Mahabang Parang, sa nasabing bayan. Kasunod ng seremonya, nagsagawa ng pagpupulong ang pulisya kasama ang punong-guro, mga opisyal ng PTA, kawani ng paaralan, at mga kinatawan ng mga mag-aaral. Tinalakay rito ang pagpapatupad ng bagong sistema na naglalayong palakasin ang mabilis na pag-uulat, ugnayan, at pagtugon sa anomang kaganapan…

Read More

PAGRESOLBA SA BAHA TINALAKAY NG DPWH, BULACAN OFFICIALS

BUMISITA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio Dizon sa lalawigan ng Bulacan at nakipagpulong kay Governor Daniel R. Fernando kasama ang mga representante ng bawat distrito, municipal at city mayors, upang talakayin ang mga pangunahing solusyon sa malawakang pagbaha sa probinsiya, na ginanap sa Francisco Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Biyernes. Sa isinagawang video presentation tungkol sa usaping pagbaha sa probinsiya, inilahad ni Manuel M. Lukban, Jr., hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang mga kondisyon sa mga…

Read More