OCD-BAR, NAKA-RED ALERT DAHIL SA BARMM PARLIAMENTARY POLL

SIMULA nitong Lunes, Setyembre 14, itinaas ng Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) sa Red Alert ang alert status nito kasabay ng pagdaraos ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. Epektibo ang nasabing alert level hanggang ngayong Martes, Setyembre 15, para sa mas mahigpit na monitoring, koordinasyon at operational readiness sa buong panahon ng halalan. Nabatid na ibababa sa Blue Alert Status ang alert level sa Setyembre 16 at inaasahang ibabalik sa White Alert sa Setyembre 17, depende sa sitwasyon at progreso ng mga election-related activities. Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng…

Read More

3 TIMBOG SA DRUG DEN SA BATANGAS

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos madiskubre at mapasok ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Aplaya Laiya, San Juan, Batangas. Dakong alas-12:15 ng madaling araw noong Linggo, Setyembre 13, isinagawa ng PDEA Batangas Provincial Office at San Juan Municipal Police Station ang buy-bust operation sa lugar. Ayon sa PDEA, ang mga naaresto ay tatlong lalaki na may edad na 43, 32, at 27-anyos, pawang residente ng Barangay Laiya Aplaya. Nakuha sa operasyon ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10.1 gramo at tinatayang…

Read More

BANGKA NASUNOG SA LAOT, MANGINGISDA NAWAWALA

NAWAWALA ang isang mangingisda matapos masunog ang sinasakyan nitong fishing banca sa katubigan ng Calatagan, Batangas. Kinilala ang nawawala na si Celideño Hernandez, 47-taong gulang, residente ng Sitio Dayap, Barangay Tanagan, Calatagan. Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakita ng mga kapwa mangingisda ang bangka sa tinatayang 500 metro southwest ng Cafe Santiago Lighthouse noong Linggo, Setyembre 13, habang ito ay nasusunog ngunit walang nakitang sakay. Hinila ng mga mangingisda ang bangka patungo sa shoreline para sa kaligtasan at beripikasyon. Nakumpirma naman ng PCG sa pamilya na si Hernandez…

Read More

6 SUSPEK TINUTUGIS SA PAMAMARIL

TINUTUGIS ng pulisya ang anim na kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo, na sangkot umano sa pamamaril sa isang lalaki sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang live-in partner sa Gawaran Heights at nadatnan ang kinakasama, anak ng huli at mga suspek na nag-iinuman bandang alas-9:00 ng gabi. Kinausap umano ng biktima ang kanyang live-in partner na humantong sa mainitang pagtatalo. Bandang alas-11:00 ng gabi ay nagpaalam na umalis ang mga suspek na magkakaangkas sa…

Read More

BINATA TINARAKAN NG GUNTING SA ULO

TINARAKAN ng gunting sa ulo ang isang 19-anyos na binata ng kanyang kapitbahay nang naramdamang dehado siya sa suntukan sa Barangay Paradahan II, Tanza, Cavite nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Paul”, ng Brgy. Paradahan II, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa ulo makaraang tarakan ng gunting ng kapitbahay nitong si alyas “Gil”, 26, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite kung saan nagkaroon…

Read More

3 NAWAWALA, 10 NAILIGTAS SA TUMAOB NA MOTORBOAT

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Binmaley, Pangasinan para sa tatlong residente na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorboat sa Camaley-Balogo River noong Setyembre 12, 2026. Bandang alas-11:40 ng gabi nang mangyari ang insidente habang sakay ng motorboat ang 13 katao. Ayon sa ulat ng pulisya, nagsisimula pa lamang maglayag ang bangka nang biglang pumasok ang tubig dito. Nag-panic ang mga pasahero at nagtalunan sa ilog. Dahil sa malakas na agos, tatlo ang natangay…

Read More

3 ROBBERY GROUP MEMBERS, TIMBOG SA BATANGAS PORT

NAPIGILAN ang pagbiyahe patungong Calapan, Oriental Mindoro ng tatlong lalaking umano’y miyembro ng Fernandez syndicated group matapos arestuhin sa Port of Batangas. Sasakay na sana ang tatlo ng FastCat nang isilbi sa kanila ang kani-kanilang warrant of arrest ng PNP Regional Intelligence Unit CALABARZON at Batangas Maritime Police, sa pakikipag-ugnayan sa Port Police Station. Ayon sa pulisya, nahaharap ang mga ito sa mga kasong robbery at isinailalim na sa kustodiya ng Batangas City Police para sa kaukulang proseso at dokumentasyon bago iharap sa korte. (NILOU DEL CARMEN) 194

Read More

PNP MAGDE-DEPLOY NG 15,000 PULIS PARA SA SEPT. 21 RALLIES

NGAYON pa lamang ay pinaghahandaan na nang husto ng Philippine National police ang ilalatag na seguridad kaugnay sa nakaambang anti-corruption rallies ng mga progresibong grupo sa darating na Setyembre 21. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office, magtatalaga sila ng mahigit sa 15,000 police officers para pangalagaan ang kaayusan at seguridad sa isasagawang anti-corruption rallies. “We are preparing for that,” sinabi ni NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano sa media nitong Huwebes. “We will be deploying more than 15,000 na mga kapulisan natin to ensure na ‘yung mga rallies na…

Read More

5 PATAY, 87 MISSING SA NASUNOG NA FERRY

PINANGANGAMBAHANG hindi bababa sa lima katao ang nasawi sa nasunog na ferry malapit sa isang tourist hotspot sa Palawan noong Miyerkoles ng gabi, dahil mahigit 80 pa sakay nito ang iniulat na nawawala. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasunog ang barko na M/V June Aster, tinatayang nasa 2.2 kilometro mula sa dalampasigan nang sumiklab ang apoy. Base sa inisyal na report, lima na ang iniulat na nasawi at ibinaba na sa pampang. Sa video na ipinaskil ng PCG sa Facebook, makikitang nilalamon ng apoy ang buong barko noong Miyerkoles…

Read More