SIMULA ngayong araw ay mapapanood na sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng ‘Love Thy Woman’ na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim. Ginagampanan ni Kim ang karakter ni Jia Wong na anak ni Christopher de Leon sa ikalawang pamilya. Sa totoong buhay ay anak naman si Kim sa unang pamilya ng amang Chinese. “It’s kind of challenging for me to play the second family. Kasi sila ‘yung parang hindi masyadong pinapansin, pero pinapansin sila ng papa ko. Ito talaga ‘yung nangyayari sa pamilya ng totoong…
Read MoreCategory: SHOWBIZ
RYZA CENON AYAW NA NG NON-SHOWBIZ BF
WALA pang bagong karelasyon ngayon si Ryza Cenon pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor na si Cholo Barretto. May suitors naman daw siya pero puro non-showbiz na. “Ayoko na po ng showbiz. Gusto ko nang maging secret yung love life ko,” natatawang simula ni Ryza sa aming tsikahan. “Gusto ko nang magkaroon ng privacy para baka sakaling magkaroon na ako ng asawa kasi ako na lang ‘yung wala, eh, sa batch namin. “Thirty-two na ako, kailangan ko nang magkaanak. My God, wala na ako sa kalendaryo at saka ready na ako.…
Read MoreKASAL NINA JUANCHO AT JOYCE SIMPLE LANG
SWAK: Congratulations sa bagong kasal na sina Juancho Trivino at Joyce Pring! Na-achieve nilang dalawa ang gusto nilang simple at maayos lang na wedding noong nakaraang Linggo, February 9 sa Sofitel Manila. Naging tahimik lang sina Juancho at Joyce sa kanilang relasyon at noong nagpa-mediacon nga sila ng 20th anniversary ng Unang Hirit, doon na lang lumabas na engaged na pala silang dalawa. Pabirong ini-reveal ni Arnold Clavio ang tungkol sa wedding, at isa nga raw siya sa mga ninong. Suportado si Juancho ng co-stars niya sa Madrasta, at bahagi…
Read MoreLORNA TOLENTINO, NALOLOKA SA PAGIGING ‘BAD’
Naloloka na si Lorna Tolentino sa pagiging bad niya bilang si Lily sa Ang Probinsyano. Ang dami na palang nagri-react sa pagiging masama niya sa teleseryeng iyun ni Coco Martin. Sa Instagram lang kasi ang social media account ko. Wala akong Facebook at Twitter na yan. Pero sabi sa akin nina Gorgy, ang dami raw nagti-tweet na inaaway nila si Lorna bilang si Lily. Hindi naman nila pini-personal si LT, pero naiinis na lang talaga sila sa karakter ni Lily. Kahit nga si Lorna, naloloka na rin sa ginagampanan niyang…
Read MoreMAGBIYENANG PILITA AT LOTLOT MAY KONTROBERSYA NA NAMAN
NALUNGKOT din ako na nagkaroon na naman ng kontrobersya sa dating magbiyenang Pilita Corrales at Lotlot de Leon. Nag-guest lang si Pilita sa 1st anniversary show namin ni Cristy Fermin na ‘Take It Per Minute Me Ganun’, nagkaroon pa ng isyu dahil sa sinabi niya tungkol sa apo niyang si Janine Gutierrez. Hindi mo rin masisisi na mag-react si Lotlot dahil kailangan niyang ipagtanggol ang anak niya, siyempre. Pero sana maayos na at hindi na magkaroon ng palitan ng ‘di magagandang salita. Huwag na sanang buksan pa ang mga dating…
Read MoreRONNIE: ‘BINIBIGAY KO KAY LOISA LAHAT-LAHAT, WALA AKONG ITINITIRA SA SARILI KO!’
MAHIGIT tatlong taon nang magkasintahan ngayon sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ayon sa aktor ay may ilang mga pagkakataon na rin gusto na niyang sukuan ang relasyon nila ng dalaga. “Maraming beses, maraming beses na po ako gustong sumuko. Siguro po dahil sa mga nangyayari sa aming pagsubok dati, natututunan ko lang po do’n na sa pagmamahal kailangan mo talaga magbigay, kailangan mo magtiwala. Kasi hindi naman po kayo magtatagal kung wala lahat ‘yon,” makahulugang pagbabahagi ni Ronnie. Katulad ng ibang magkasintahan ay normal lamang umano ang pagkakaroon nang…
Read MoreMARIEL DE LEON, BONGGA ANG CAREER SA NEW YORK
ISA ako sa natutuwa sa bumobonggang career ngayon ni Mariel de Leon sa New York. Pinag-uusapan nga ng mga kabadingan na kasama pala siya sa fashion show ni Kim Kardashian sa New York Fashion week. Nasa Instagram account niya ang ilang kuha doon sa fashion show na ibang-iba ang dating at aura niya. Noon pa naman gusto na talaga ni Mariel na pasukin ang modeling. Tamang-tama naman doon nag-migrate ang kuya niyang si Gabriel kaya may kasama naman siya roon. Noong nakaraang Pasko nga doon sa Amerika si Sandy Andolong…
Read MoreANAK NI JOSE MANALO VIVA ARTIST NA
DALAWANG magkasunod na contract signing with Viva Artists Agency (VAA) ang aming dinaluhan last Thursday, February 26, ang magkahiwalay na paglagda ng management contract ng singer-actor-dancer at writer na si Benz Manalo at ng sexy singer-actress na si Kara Madrid (dating Kara Mitzi). Seventeen years old noon si Benz nang siya’y sumali sa talent reality search ng GMA, ang “Starstruck” noong 2005 kung saan sina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo ang tinanghal na Ultimate Survivors pero maagang nag-asawa at nahiwalay si Benz at meron na siyang isang…
Read MoreCRISTINE MAS LUMAWAK ANG PAG-INTINDI SA PINASOK NA TRABAHO
TUWING may itatanong noon kay Cristine Reyes ang entertainment press na may kaugnayan sa personal niyang buhay ay umiiwas itong sumagot. Minsan naman kapag napipilitan siyang sumagot ay kadalasang ‘no comment’ o lihis sa tanong ang kanyang mga sagot. Sa presscon ng pelikulang Untrue kung saan bida si Cristine kasama si Xian Lim, ay napansin namin ang slight na pagbabago kay Cristine kung paano siya sumagot at makiharap sa press. Ano nga ba ang dahilan ng tila pagiging warm niya ngayon sa press kumpara noong mga nagdaang taon?…
Read More