Naloloka na si Lorna Tolentino sa pagiging bad niya bilang si Lily sa Ang Probinsyano.
Ang dami na palang nagri-react sa pagiging masama niya sa teleseryeng iyun ni Coco Martin.
Sa Instagram lang kasi ang social media account ko. Wala akong Facebook at Twitter na yan.
Pero sabi sa akin nina Gorgy, ang dami raw nagti-tweet na inaaway nila si Lorna bilang si Lily.
Hindi naman nila pini-personal si LT, pero naiinis na lang talaga sila sa karakter ni Lily.
Kahit nga si Lorna, naloloka na rin sa ginagampanan niyang karakter na minsan nai-imbibe na niya ang kasamaan ni Lily.
Kapag naiinis ‘yan minsan, sinasabi niyang ‘magpaka-Lily kaya ako’.
Siyempre, napaka-sensitive ni Lorna sa ginagampanan niyang karakter kaya minsan nadadala na niya ‘yan.
Kaya nakiusap na sa akin na kung puwede raw sa susunod niyang soap, huwag naman daw masama ang role.
Gusto naman niya bait-baitan na siya, iyung inaapi at isang mabuting tao.
Natawa na lang ako sa request ni Lorna. Pero sa totoo lang, gusto na niyang matapos ang karakter ni Lily para bait-baitan na naman siya! Yun na!
