(NI JEAN MALANUM) DETERMINADO ang Pinoy tennis players na makapagbibigay ng mga medalya sa 30th SEA Games na nakatakdang gawin sa bansa. Limang gold medals ang nakataya sa lawn tennis sa men’s singles, women’s singles, men’s doubles, women’s doubles at mixed doubles events. Pangungunahan nina 2018 Philippine Columbian Association (PCA) Open singles champions Jeson Patrombon at Marian Capadocia ang kampanya ng Pilipinas sa biennial tournament na gagawin sa bansa sa ika-apat na pagkakataon. Makakasama ng dalawang players sa.national.team sina Francis Casey Alcantara, Alberto Lim Jr. at Clarice Patrimonio. Sina Patrombon…
Read MoreCategory: SPORTS
CARGO MOVERS, KAMPEON!
(PHOTOS BY MJ ROMERO) HINDI pumayag ang F2 Logistics na umabot pa ng Game Three ang serye. Kaya naman, makaraan ang five-setter Game One win noong Sabado, siniguro ng Cargo Movers na tatapusin nila ang Game Two sa mas maikling sagupaan, nang talunin sa straight set ang Cignal HD Spikers, 25-14, 25-16, 25-19, upang ibulsa ang 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Humugot ng lakas mula kay playmaker Kim Fajardo, nagsanib-puwersa sina Kim Kianna Dy, Kalei Mau at Majoy Baron na sinamanala…
Read MorePAG-ASA NG CIGNAL, TATAPUSIN NG F2
LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 7:00 P.M. – F2 LOGISTICS VS CIGNAL (NI JOSEPH BONIFACIO/NI MJ ROMERO) MAGTATANGKA ang F2 Logistics na mahagkang muli ang kampeonato sa pakay nitong tapusin na ang pag-asa ng Cignal sa Game 2 ng kanilang 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three Finals ngayon sa Mall of Asia Arena. Sisiklab ang aksyon sa alas-7:00 ng gabi, kung saan hindi na pahihiritin pa ng Cargo Movers ang HD Spikers upang maibulsa na ulit ang All-Filipino title na huli nilang nahablot noong 2016. Lumapit sa naturang misyon…
Read MorePSL ALL-FILPINO CONFERENCE CROWN: IKAKAHON NG CARGO MOVERS
ISANG panalo pa at kampeon na ang F2 Logistics. Ito’y matapos talunin sa Game One ng best-of-three series ang Cignal HD Spikers sa isang pahirapang laban, 25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-8, sa 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, Sabado sa SMART Araneta Coliseum. “Wala akong inexpect na madaling laban. Nag-expect talaga kami ng ‘di madaling laban,” lahad ni F2 Logistics head coach Ramil De Jesus. “Nire-remind ko lang sila, ‘Forget the first set to the fourth set’. Kagandahan lang, sa amin napunta yung breaks.” Sa Martes, sa Mall of Asia Arena…
Read MoreLADY EAGLES, LADY CHIEFS: COLLEGIATE CHAMPS, UMISKOR
(PHOTO BY MJ ROMERO) NAGTALA ang Ateneo de Manila University at Arellano University ng magkahiwalay na panalo, para manatiling walang talo sa Premier Volleyball League Season 3 Collegiate Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Ikalawang sunod na panalo ang sinungkit ng reigning UAAP champions Lady Eagles, nang talunin sa straight sets ang San Sebastian College, 25-17, 25-17, 25-8 sa Group A. Muling nagpakitang-gilas si prized rookie Faith Nisperos, na may 15 points (11 attacks at four aces), habang si Ponggay Gaston, hindi nakalaro sa opening match…
Read MoreMEXICAN CHALLENGER TULOG KAY CASIMERO
(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) TOTOO sa kanyang pangako, pinatulog ni Johnriel Casimero sa 10th round si Mexican challenger Cesar Ramirez para mapanatili ang kanyang WBO interim bantamweight crown kagabi sa San Andres Sports Complex sa Maynila. Dalawang beses pinabagsak ng 30-anyos na si Casimero si Ramirez bago tinapos sa pamamagitan ng right hook ang Mehikano sa 2:23 ng nasabing round. “Nakakita ako ng tiyempo, kaya dineretso ko na,” sambit ni Casimero matapos ang stoppage. Bago ang laban, nangako si Casimero na kanyang patutulugin si Ramirez, bagamat hindi…
Read MoreONLINE MEDIA GAGAMITIN SA SEA GAMES
(NI JEAN MALANUM) MAY plano ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na gamitin din ang online media para makakuha ng mas malawak na audience. Ayon kay PHISGOC director for broadcast Pauline Ick, balak nila na ipalabas din ang mga laro sa Facebook, YouTube at sa 30th SEA Games official website. “We are still finalizing the sports for online. We are coordinating with the national sports associations (NSAs),” pahayag ni Ick. May 57 sports ang naka-calendar sa 30th SEA Games na idaraos mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Tanging 11…
Read MoreMALABO NA SI CLARKSON
(NI JOSEPH BONIFACIO) HINDI pa pinapangalanan ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ang final 12 players nito na sasabak sa FIBA World Cup sa Foshan, China. Pero, ayaw nang umasa ni Guiao na mapapasama pa sa lineup si Fil-Am NBA player Jordan Clarkson. Sa send-off kahapon sa Meralco multi-purpose hall, sinabi ni Guiao, na walang indikasyon na papayagan ng FIBA si Clarkson na makapaglaro sa national team para sa World Cup na magsisimula sa Agosto 31. “Mukhang wala na si Jordan,” sambit ni Guiao. “It’s too late at this…
Read MoreTAPATAN NG PETRON, F2 SA FINALS; HAHARANGIN NG CIGNAL
(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY MJ ROMERO) LARO NGAYON: (FILOIL FLYING V CENTRE) 7:00 P.M. – PETRON VS CIGNAL AGAWAN sa huling finals spot ang kampeon na Petron at palabang challenger na Cignal ngayon sa do-or-die semis duel ng 2019 PSL All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Sisiklab ang aksyon sa alas-7:00 ng gabi na ang makakalusot ay aabante sa best-of-three championship kontra sa nag-aabang na F2 Logistics. Nauna na nang nakasikwat ng Finals ticket ang Cargo Movers nang ipagpag nito ang Foton kamakalawa sa Muntinlupa Sports…
Read More