PACQUIAO VS THURMAN 2: NILULUTO

pacman55

(NI ARIEL BORLONGAN) LUMAKI ang pag-asa na maulit ang sagupaan nina WBA welterweight champion at dating kampeon na si Keith Thurman makaraang igiit ito ng big boss ng Mayweather Promotions at best friend ni dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr, na si Leonard Ellerbe. Para kay Ellerbe, nakipag-ugnayan sa Premiere Boxing ni Eddie Hearn para sa co-promotions ng sagupaan nina Pacquiao at Thurman na napagwagihan ng Pinoy boxer via 12-round split decision, kailangan talagang muli silang magduwelo para magkaalaman kung sino ang tunay na kampeon. “Keith has a big heart,…

Read More

DONAIRE KAKASA VS “MONSTER” INOUE SA NOBYEMBRE

donaire45

(NI ARIEL BORLONGAN) NAKATITIYAK si five-division world titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. na mapatutunayan din niya na kaya ang ginawa ng hinahangaang kababayan na si Manny Pacquiao sa finals ng World Boxing Super Series (WBSS) laban kay IBF bantamweight champion Naoya “Monster” Inoue sa Nobyembre sa Tokyo, Japan. Lalong humanga si Donaire kay Pacquiao nang mapabagak sa 1st round si dating WBA welterweight champion Keith Thurman upang magwagi sa 12-round split decision sa unification bout nitong Huloy 20 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa United States. Sa…

Read More

ROS HIHIRIT NG GAME 5

pba33

(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS SAN MIGUEL (SMB 2-1) NAKIKITA ni Beau Belga na advantage para sa Rain or Shine Elasto Painters ang pabayaang umiskor ng maraming puntos ang San Miguel Beermen import na si Chris McCullough sa pagtatangka nilang itabla sa 2-2 ang kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Gutom ang Elasto Painters na ulitin ang kanilang 112-104 na panalo kontra Beermen sa Game 3 na naganap noong Miyerkoles upang itulak ang best-of-five series…

Read More

NAT’L ACADEMY FOR SPORTS: PINOY ATHLETES, LOLOBO

sports33

(NI JEAN MALANUM) INAASAHANG darami ang mga atleta sa national training pool kapag naitayo na ang National Academy for Sports sa Pangasinan. Napirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o “Philippine Sports Training Center Act” na nag-uutos ng pagpapagawa ng state-of-the-art sports training facility sa Rosales, Pangasinan sa 2022. Sa kanyang ika-apat na State of the Nation (SONA) noong Hulyo 21, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagsuporta sa pagpapatayo sa academy na naglalayon na tumuklas ng mga potential athletes na maaaring maging miyembro ng national team. “I…

Read More

TOLENTINO ‘HANDS ON’ SA POC; SEA GAMES TUTUTUKAN

poc12

(NI JEAN MALANUM) MAGIGING “hands on” si Cong. Abraham “Bambol” Tolentino sa pagpapatakbo ng Philippine Olympic Committee (POC). Ito ang siniguro ni Tolentino na magsisilbing POC president hanggang Nobyembre 2020. “I will be hands on when it comes to running the POC,” ani Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila kahapon. Ang unang aktibidad ng POC pagkatapos ng halalan ay ang Executive Board meeting sa Biyernes. Kasama sa agenda ang secretary general at mga chairperson ng iba’t ibang committees na pipiliin ni Tolentino. Ayon kay Tolentino,…

Read More

MAYWEATHER VS PACQUIAO: REMATCH, MAY TSANSA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) NAGBABAGO na ba ng isip si Floyd Mayweather hinggil sa pakiki-rematch kay Manny Pacquiao? Pinanood ni Mayweather ang laban ng alagang si Gervonta Davis sa Baltimore noong Sabado ng gabi, kung saan dinemolis nito ang kasagupang si Ricardo Nunez. Tinanong ang 42-anyos na si Mayweather ng ring announcer kung may plano ba siyang muling lumaban. Sagot niya: “We don’t know … only time will tell.” Ang nasabing tugon ni Mayweather ay nangangahulugan lamang na hindi pa niya tuluyang isinasara ang pintuan para sa…

Read More

PHOENIX ‘WAITING’ SA DOMESTIC VIOLENCE CASE NI ABUEVA

abueva44

(NI JJ TORRES) HIHINTAYIN  ng Phoenix Pulse Fuel Masters ang mga napipintong legal proceedings na magaganap bago desisyunan ang future ng suspended player na si Calvin Abueva matapos ang mga akusasyon ng pananakit sa kanyang asawa at anak. Ito ang pahayag ng Phoenix management ilang araw matapos ilahad ng asawa ni Abueva na si Sam ang mga hindi kanais-nais na ginagawa ng Fuel Masters star sa kanilang tahanan kamakailan. Mariin namang itinanggi ni Abueva ang mga ibinibintang sa kanya. “The Phoenix Pulse Fuel Masters are deeply saddened by the recent…

Read More

DAGDAG-PONDO SA BOXING, COMBAT SPORTS

sports44

(NI NOEL ABUEL) SA layuning makalikha ng mas maraming bilang ng mga magagaling na boxing champion at mga propesyunal na atleta sa bansa ay dapat na paglaanan ng dagdag na pondo. Ito ang nilalaman ng inihaing Senate Bill no. 805 ni Senador Ramon “Bong” Revilla na naglalayong paglaanan ng dagdag na benepisyo at pondo ng mga professional athletes upang maengganyo na mas marami pang atleta ang pumasok sa palakasan tulad ng boxing at mga lokal na Dumog, Kali, Eskrima, Kino Mutai, Panantukan, Sikaram, at Yawyan. Sinabi ni Revilla na marami…

Read More

DIDAL 5TH PLACER SA SLS

didal44

(NI JEAN MALANUM) TUMAPOS si Filipina skateboarder Margielyn Didal na panlima, pinakamataas na nakuha ng isang Pinoy, sa Street League Skateboarding (SLS) World Tour noong Linggo sa CA Skateparks Training Facility sa Los Angeles. Umiskor si Didal ng 21.2 sa women’s final at tinalo ang former world champion at five-time Summer X Games gold medal winner Leticia Bufoni ng Brazeil (21.0). Ang top 5 finish ni Didal ay nagdagdag ng ranking points para makasabak siya sa Tokyo 2020 Olympics. Ang 11-anyos na si Rayssa Leal ng Brazil ang nagbulsa ng…

Read More