PSA MEMBERS SASABAK SA JAPAN

MATAPOS ang mahigit ­dalawang taong kawalan ng kompetisyon, aaksyon ang apat na miyembro ng ­Philippine Squash Academy sa ­Dynam Cup PSA SQ-Cube Open 2022 sa Yokohama, Japan. Isa itong PSA World ­Challenger Tour men at women event na magsisimula sa Mayo 27 hanggang 29, at ang finals ay gaganapin sa Nobyembre 29, 2022. “Our first international ­competition for the year! Kayod ­Pilipinas heads to Yokohama, Japan to compete in the ­DYNAM CUP PSA SQ-CUBE OPEN 2022,” sabi ni Squash president Robert Bachmann. Pangungunahan ang Pinoy squad ng no. 1 women’s…

Read More

MAVS IWAS WALIS

Ni VT ROMANO WALANG sweep sa Western Conference finals. Ito’y makaraang kumayod si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at nine assists upang makaiwas ang Dallas ­Mavericks sa sweep mula sa kamay ng Golden State Warriors via 119-109 win, Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) sa American Airlines Center sa Dallas sa ­Western Conference finals. Ikasampung double-double sa 14 games ng postseason ito para kay Doncic, nakakuha rin ng tulong mula sa mga kakampi upang ma-extend pa ang best-of-seven series. Sa Game 3, bagama’t umiskor ng 40 points, 0-for-10…

Read More

PAGTUGIS NG PULISYA SA ILLEGAL E-SABONG OPERATORS, TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG HINDI maitatatwa na maging ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay alam na nakikinabang sana ang gobyerno sa operasyon ng online o electronic sabong. Kaya nang mawala ito, namamayagpag naman ang illegal e-sabong sites. Nahihirapan na tuloy ang pamahalaan na sugpuin ito at wala rin itong nakukuhang tax mula rito. Sabi nga ni PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, mula nang matigil ang e-sabong ay biglang nagsulputan ang mga illegal sites. Mas maganda talaga kung walang tigil ang operasyon…

Read More

Manila Miracle ’91

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA ANO ang “Manila Miracle ’91”? Taguri ito ng local at foreign media sa nangyari noong 16th edition ng Southeast Asian Games na ginanap sa bansa. Bago ito, naging host ang Pilipinas ng biennial meet noong 1981. Sa huling araw lang kasi napagpasyahan kung sino ang overall champion sa 1991 SEA Games. Matapos ang mahigit isang linggo na tagisan ng lakas, bilis at talino sa pagitan ng ating bansa at nagtatanggol noong kampeon na Indonesia, nangibabaw ang huli nang makuha nito ang…

Read More

31st Southeast Asian Games BANDERANG KAPOS

SA kabila ng mga pagsisikap, hindi nasustenahan ng Pilipinas ang overall championship sa Southeast Asian Games at nagtapos sa 4th place sa Vietnam. Muntikan pang mag-5th place lang ang bansa, mabuti’t nakahabol pa ng gold medals ang Gilas women’s basketball squad, at boxers na sina Ian Clark Bautista, Rogen Ladon, at Olympic bronze medalist Eumir Marcial. Tagumpay rin sa kanilang protesta ang Team PH sa Muay Thai 57kg men’s event, nang ipagkaloob kay Philip Delarmino ang gold medal at silver kay Vietnam’s Nguyen Doan Long. Overall ay may 52 gold…

Read More

FEU, NEW UAAP CHEERDANCE CHAMP

WINAKASAN ng Far ­Eastern University ang 12 taong paghihintay sa pagsungkit sa kampeonato ng 2022 UAAP Cheerdance Competi­tion Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City . Na-dethrone ng FEU ang two-time champion National ­University sa halos perpektong mga galaw para sa 727.5 score, 39 points ang lamang sa pumangalawang Adamson Pep Squad. “It’s been 12 years since last championship namin. Wala nang mas tatamis pa na nag-pay off ang hard work namin ngayon,” sabi ni winning coach Randell San Gregorio. Sa huling dalawang season, back-to-back second place ang FEU…

Read More

WARRIORS NAMUMURO

PALAPIT na ang Golden State sa finale. Umiskor si Stephen Curry ng 31 points, habang may ambag si Andrew Wiggins na 27 points kasama ang isang posterized dunk kay Luka Doncic at akayin ang Warriors sa 109-100 win kontra Dallas Mavericks, para sa 3-0 lead sa Western Conference finals, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa American Airlines Center sa Dallas. Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 19, dalawang 3-pointers sa fourth quarter at isang panalo pa, balik-NBA Finals ang Warriors, tatlong taon matapos ang kanilang limang sunod na finals…

Read More

MALUNGKOT, MASAYANG GOLD WIN NG GILAS WOMEN

KAMPEON pa rin ng Southeast Asian Games (SEAG) ang Gilas Pilipinas women team, sa kabila ng 96-93 pagkatalo sa kamay ng Malaysia, kahapon sa Thanh Tri District Sporting Hall sa Hanoi, Vietnam. Pero, sa kabila ng kabiguan, sa Gilas women pa rin ang gintong medalya bunga nang panalo sa unang apat nitong laro sa biennial meet. Target sana ng Pinay dribblers walisin ang kanilang limang laro, pero kinapos at napalaban nang husto sa Malaysian team. Naging mahigpitan ang laro ng dalawang koponan, at halos nasa kamay na ng Pilipinas ang…

Read More

31st Southeast Asian Games 4 GOLDS SA BILLIARDS, WEIGHTLIFTING AT TENNIS

TAGUMPAY si US Open 9-ball champion Carlo Biado sa ika­lawang paghaharap nila ni Johann Chua, para sa 1-2 finish ng Pilipinas sa men’s 10-ball singles sa Ha Dong Gymnasium. Iniwanan ng 2013 Naypyidaw SEA Games 10-ball silver medallist na si Biado ang kababayang si Chua, 9-3, para tumbukin ang gintong medalya. Sa unang paghaharap ng dalawa sa finals ng men’s 9-ball singles ilang araw na ang nakararaan, si Chua naman ang namayani at nagbulsa ng gold habang silver medalist si Biado. Samantala, gold muli si Rubilen Amit, sa pagkakataong ito…

Read More