GANTI SA CELTICS NI ADEBAYO, HEAT

PRESENT si Bam Adebayo sa pahirapang Game 3 win ng ­Miami Heat kontra Celtics, 109-103, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa TD Garden sa Boston. Isang all-around performance ang ipinamalas ni Adebayo – 31 points, 10 rebounds, six assists at four steals. Ito’y makaraang magtala lamang ng walong puntos sa Games 1 at 2. Bunga nito, hawak ng Miami ang 2-1 lead sa Eastern ­Conference finals series. Matapos magtamo ng injury ni Miami star Jimmy Butler at hindi na sumalang sa second half, nag-step-up si Adebayo upang pigilan ang…

Read More

Ginintuang alaala ng XI Manila SEA Games (Last Part)

SA kabila ng mga problema gaya ng kakapusan sa oras at ­paghahanda, nanindigan si noo’y Philippine President Ferdinand Marcos na ituloy ang paghohost ng bansa sa XI Southeast Asian Games. Katwiran nya: “After all, the theme of the Games is solidarity.” Noong taong iyon, dalawang taon pa lamang ang Project: Gintong Alay na pinamumunuan ng pamangkin ng Pangulo na si Michael Keon. Sa kabila nito, ang produkto ng programa, ang 16-anyos sprinter na si Lydia de Vega ay nagpasiklab sa regional meet. Sa opening rites ng Games, dumalo ang Pangulong…

Read More

HUWAG NINGAS-KUGON VS. ILLEGAL E-SABONG SITES

MALAKI raw ang naging epekto sa tax collection ng gobyerno sa ginawa nitong pagsasara sa online o e-sabong operations. Maliban sa maraming mga nawalan ng tulong o ayuda, may mga nawalan din ng trabaho. Sa pagsasara ng e-sabong, nagsara rin ang maraming oportunidad para sa maraming Pinoy. Mabuti na lang at kumikilos naman ang PNP o Phil. National Police sa pamamayagpag naman ng illegal e-sabong sites. Tuloy-tuloy daw kasi ang kanilang operasyon. Kung hindi ako nagkakamali, naglunsad ang PNP ng mas pinaigting na kampanya laban sa e-sabong kasunod ng kautusan…

Read More

REYES, BIADO SASARGO SA WORLD CUP OF POOL

MATAPOS sa Southeast Asian Games sa Vietnam, sa World Cup of Pool sa England naman lalaban sina Pilipino ­billiard icons Efren “Bata” Reyes at Carlo Biado. Magsasanib-pwer­sa ang dalawa sa World Cup of Pool sa Brentwood Centre sa Essex, England sa Hunyo 14-19. Si Reyes ay naging two-time champion sa torneo kasama ang isa pang billiard great na si Francisco ‘Django’ Bustamante. Silang dalawa ang ­inaugural o unang kam­peon noong 2006, nang kanilang pataubin sina Earl Strickland at Rodney ­Morris ng United States. Muling nanalo sina Reyes at Bustamante noong…

Read More

BACK-TO-BACK GOLD SA PH SIBOL

NAKAMIT ng Philippine esports team Sibol Mobile Legends: Bang Bang ang target na back-to-back gold medals sa Southeast Asian Games. Tinalo ng national team ang Indonesia sa finals, ­Biyernes sa Hanoi, Vietnam. Naunang tinalo ng Sibol ang Indonesia noong 2019 sa Manila, nang unang isinama ang esports sa biennial meet. Pinangunahan ang Sibol ng world champions Blacklist International, na tinalo ang Nexplay EVOS sa Sibol qualifier grand finals upang maging representative ng bansa sa 31st SEA Games. Kasama sa Blacklist ang nagbalik sa professional play na si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna…

Read More

SEAG GOLD NI HIDILYN SIMULA NG 2024 PREP

Ni VT ROMANO NADEPENSAHAN ni Tokyo Olympics’ gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang 55-kg weightlifting title sa 31st Southeast Asian Games, Biyernes sa Hanoi Sports Training and Competition Center. Bumuhat siya ng 206 kgs sa finals, three points na mas mabigat sa total ni runner-up Sunikun Tanasan, 2016 Rio Olympics gold medalist. Ang panalo ni Diaz ang una para sa national weightlifting team, na na-inspire sa tagumpay ng kauna-unahan din Pilipinong Olympics gold medalist. Aminado ang 30-anyos na “weightlifting fairy”, importante ang regional sports competition sa kanyang 2024 Paris Olympiad…

Read More

HEAT NAUNA SA CELTICS

MULA sa eight-point deficit sa halftime, bumalikwas ang Heat at itinala ang 118-107 demolition kontra Boston Celtics sa Eastern Conference finals series opener, Martes ng hapon (Miyerkoles sa Manila) sa FTX Arena sa Miami. Iniskor ni Jimmy Butler ang 17 ng total 41 points sa pivotal third quarter, tungo sa double-digit lead. Sa 62-54 count sa break, na-outscore ng Miami ang Celtics, 39-14 sa third quarter tungo sa pag-angkin ng 1-0 lead sa best-of-seven series. Nagdagdag sina Tyler Herro, 18 points at Gabe Vincent, 17 points, para sa Heat. Naging…

Read More

31st Southeast Asian Games CHUA, BIADO 1-2 FINISH SA 9-BALL

Ni ANN ENCARNACION PINATUNAYAN nina Johann Chua at U.S. Open champion Carlo Biado na wala pa rin tatalo sa mga Pinoy sa billiards. Katunayan, sa 31st Southeast Asian Games, Miyerkoles sa Ha Dong Gymnasium sa Hanoi, ­Vietnam ay all-Pinoy ang naglaban sa men’s 9-ball singles final kung saan sinargo ni Chua ang ginto at pilak kay Biado, 9-6. Ito ang unang SEA Games gold medal ng 29-anyos na si Chua, bronze lang noong 2017 sa men’s singles sa Kuala Lumpur, at bronze pa rin sa men’s doubles sa 2019 Manila…

Read More