SA kabila ng mga pagsisikap, hindi nasustenahan ng Pilipinas ang overall championship sa Southeast Asian Games at nagtapos sa 4th place sa Vietnam.
Muntikan pang mag-5th place lang ang bansa, mabuti’t nakahabol pa ng gold medals ang Gilas women’s basketball squad, at boxers na sina Ian Clark Bautista, Rogen Ladon, at Olympic bronze medalist Eumir Marcial.
Tagumpay rin sa kanilang protesta ang Team PH sa Muay Thai 57kg men’s event, nang ipagkaloob kay Philip Delarmino ang gold medal at silver
kay Vietnam’s Nguyen Doan Long.
Overall ay may 52 gold medals ang 4th Pilipinas, sa likod ng top winner at host Vietnam, 2nd Thailand, 3rd Indonesia, 5th Singapore at 6th ang Malaysia.
Simula noong 2003 edition na hinost din ng Vietnam at kung kailan nakapag-uwi ng 48 golds ang Pilipinas, ito ang best outing ng Pinoy athletes na hindi tayo ang host ng SEAG, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Butch Ramirez.
Bagama’t may most medals at nag-overall champion tayo sa Philippines’ hosted 2005 at 2019 SEAG, 5th, 6th at 7th place lang ang bansa noong mga nakaraang edisyon ng regional meet.
“We must remind everyone that our taking part in the Vietnam SEA Games has a bearing in our build-up to our competing in bigger international competitions such as the Asian Games and Olympics. Let us look at the bigger picture,” giit ni Ramirez.
TAGUMPAY AT KABIGUAN
GAYA nang inaasahan, nagdeliber sina Olympians Hidilyn Diaz sa weightlifting at EJ Obiena sa pole vault nang kapwa nag-gold sa kanilang sports.
Gayundin sina Olym-pians Eumir Marcial na gold winner din sa boxing, ngunit talo sa homecourt decision si Nesthy Petecio.
Mas hinigitan naman ni world champion gymnast Caloy Yulo, “most decorated Filipino athlete” sa Hanoi, ang ginawa noong 2019 SEAG nang humakot siya ng gold sa individual all-around, floor exercise, still rings, vault, at high bar events, at dalawa pang silver medals.
Samantala, nabigo si coach Chot Reyes at ang Gilas Pilipinas na panghawakan ang ginto sa biennial meet nang ma-upset ng Indonesia, 81-85.
Ang Pilipinas ay 18-time champions sa sports at tatlong beses pa lang nasilat sa SEAG – silver sa 1979, 1989, at ngayong 2022.
Sa kabilang banda, tagumpay ang ibang atletang Pinoy sa billiards, dancesports, triathlon, combat sports gaya ng kickboxing at jiu-jitsu, at esports via Sibol.
257 