FEU, NEW UAAP CHEERDANCE CHAMP

WINAKASAN ng Far ­Eastern University ang 12 taong paghihintay sa pagsungkit

sa kampeonato ng 2022 UAAP Cheerdance Competi­tion Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City .

Na-dethrone ng FEU ang two-time champion National ­University sa halos perpektong mga galaw para sa 727.5 score, 39 points ang lamang sa pumangalawang Adamson Pep Squad.

“It’s been 12 years since last championship namin. Wala nang mas tatamis pa na nag-pay off ang hard work namin ngayon,” sabi ni winning coach Randell San Gregorio.

Sa huling dalawang season, back-to-back second place ang FEU kaya nagsikap silang linisin ang lahat ng kategorya–­tumblings, stunt, tosses, pyramids at dance.

Nag-uwi ang kampeon ng P50,000 cash prize at tropeo, at karagdagang P40,000 para sa Skechers Best Performance.

Nagbulsa ang 2nd placer Adamson ng P30,000, habang P20,000 sa 3rd placer NU at dagdag na P40,000 bilang Silka Awra Dance Move recipient.

Anim sa huling pitong cheerdance competitions ang napanalunan ng NU bago na-unseat ng FEU.

Nagtapos sa 4th ang UST Salinggawi Dance Troupe, 5th UE Pep Squad, 6th UP Pep Squad, 7th DLSU Animo Squad, at last sa 8th ang Ateneo Blue Eagles. (ANN ENCARNACION)

227

Related posts

Leave a Comment