DALAWANG NBA season walang Stephen Curry at Warriors sa playoffs. Sa nakalipas ding dalawang season at higit kalahati ng ikatlo, walang Klay Thompson. Bumalik si Thompson, buo na ulit ang tandem, at ngayon, swak sa Western Conference finals ang Golden State. Sanay na ang Warriors sa ganitong giyera, sa pagkakataong ito, ibang mukha ang kanilang makakalaban. Kung sa mga nakaraang season playoffs, ang mga mukha ng mga karibal gaya nina LeBron James, Chris Paul, James Harden, Damian Lillard, Russell Westbrook, Kawhi Leonard ang kanyang nakakatapat, hindi ngayong 2022 dahil ang…
Read MoreCategory: SPORTS
5 GOLDS SA DANCESPORTS
GAYA noong 30th SEA Games sa Manila, malaki ang kontribusyon sa gold haul ng bansa ang dancesports. Nitong Lunes, tatlong gintong medalya ang ibinulsa nina Sean Aranar at Ana Nualla mula sa single dance-standard-tango, all five dance-standard, at single dance-standard-Viennese waltz sa Long Bien Gymnasium. Noong 2019 SEA Games ay dalawang gold naman ang kanilang inuwi. Napasakamay nina Mark Gayon at Mary Renigen ang fourth, at kabuuang fifth gold sa dancesports, mula sa single dance – standard – slow foxtrot. Silver naman sina Gayon at Renigen sa single dance-standard-waltz, at…
Read More31st Southeast Asian Games PILIPINAS NANATILING 3rd PLACE
NANATILI sa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Inahon ni Chloe Isleta sa pagkalunod ang swimming team nang maka-gold sa 200-meter backstroke, Lunes sa My Dinh Water Sports Palace. Nauna rito, naka-silver ang kanyang teammate na si Jessica Joy Geriane sa women’s 50m backstroke, habang bronze si Miranda Cristina Renner sa women’s 100m freestyle. Huling namayagpag sa swimming ang mga Pinoy noong pagreynahan ni Akiko Thomson ang 100m at 200m backstroke noong 1993 edition ng biennial meet. Muli naman naibalik sa ‘golden…
Read More“RIPER/SABONG ON AIR NINA PEREZ AT CAYANONG, KAMPEON SA WPC 6-COCK DERBY”
Hinangaan ng mga sabungero ang mga binitawang manok ng Riper/Sabong On Air matapos magkampeon sa naganap na Hosted by : JP DRAGON 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum noong Linggo. Nagtala ng limang puntos ang combined entry nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong na Riper/Sabong On Air sapat para masilo ang titulo sa event na sinalihan ng mga bigating breeder at sabungero. Ikinalat sa champion, runner-up hanggang sa handler at gaffer ang guaranteed prize na P3.7M sa paderby at hosted ni JP Dragon. Unang pinagpag ng Riper/Sabong…
Read More2 GOLDS DIN KAY YULO
DALAWA na rin ang gold medal ni world champion gymnast Carlos Edriel Yulo matapos niyang dominahin ang floor exercise sa Quân Ngùa Sports Palace sa Hanoi. Ang unang ginto niya ay mula sa all-around event, na nakatulong sa silver medal finish ng team. Umiskor si Yulo ng 15.200 sa floor exercise upang ihatag sa Pilipinas ang 15th gold medal sa 31st SEA Games. Sinusulat ito ay nagko-compete pa siya sa pommel horse at still rings. FIL-AM GOLD SA WOMEN’S VAULT TINUPAD ni Filipino-American gymnast Aleah Finnegan ang pangakong hahandugan ng…
Read More31st Southeast Asian Games MANGROBANG, 1st PINOY DOUBLE GOLD MEDALLIST
SI Marion Kim Mangrobang ang unang Pilipino double gold medallist sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Nakamit ni Mang-robang ang pangalawang ginto sa duathlon sa Hanoi, Vietnam nitong Linggo sa Tuan Chau. Ang unang gold medal niya ay galing sa triathlon, kung saan three straight na niya sa SEAG. Sa mixed relay ay naka-gold din si Mang-robang noong 2019 SEA Games sa Manila. WONG, GOLD SA WUSHU NADEPENSEHAN ni wushu sensation Agatha Wong ang kanyang gold medal sa women’s taolu taijijian sa Cau Giay Gymnasium. Ang ginto ni…
Read MoreMAYORS CHOLO VIOLAGO, RJ MEA, AT BERNIE TACOY WAGI SA ELEKSIYON!
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG ABA’Y ilang araw matapos magbotohan, halos kalahati na ng kabuuang bilang ng kopya ng election returns ang natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Ia-anunsiyo rin kung tugma ba ang nai-audit na election returns sa mga susunod na araw. Kabi-kabila naman ang pag-endorsong natanggap ni House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez para maging bagong House Speaker. Sabi ni Romualdez, isusulong niya sa Kamara ang “unity” agenda ng papasok na Marcos administration. Matunog ang pangalan ni Romualdez, pinsan…
Read MoreBayaning Pinoy surfer nawala sa Vietnam
MARAMI ang nagtatanong sa Sala sa Init, Sala sa Lamig kung bakit wala ang “bayaning Pinoy surfer” noong 2019 Southeast Asian Games na si Roger Casugay sa listahan ng pambansang delegasyon sa 31st SEAG sa Hanoi, Vietnam. Naging tanyag si Casugay hindi lang sa SEA Games kundi sa buong mundo nang kumalat ang video at balita tungkol sa pagsagip niya sa kapwa surfer na muntik nang malunod sa 30th edition ng biennial meet na ginanap sa Pilipinas. Dahil sa pagliligtas ng naturang Pinoy surfer kay Arip Nurhidiyat ng Indonesia ay…
Read MorePILIPINAS MAY 2 GOLDS NA
MAYROON nang dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ang pangalawang ginto ng bansa ay mula kay Jack Escarpe sa men’s -73kg category sa kurash, Biyernes. Maliban sa gold medal, ang national kurash team ay mayroon na ngayong three silver at three bronze medals. Ang kauna-unahang ginto ng Team Pilipinas ay mula kay Francine Padios ng pencak silat. 169
Read More