REYES, BIADO SASARGO SA WORLD CUP OF POOL

MATAPOS sa Southeast Asian Games sa Vietnam, sa World Cup of Pool sa England naman lalaban sina Pilipino ­billiard icons Efren “Bata” Reyes at Carlo Biado.

Magsasanib-pwer­sa ang dalawa sa World Cup of Pool sa Brentwood Centre sa Essex, England sa Hunyo 14-19.

Si Reyes ay naging two-time champion sa torneo kasama ang isa pang billiard great na si Francisco ‘Django’ Bustamante.

Silang dalawa ang ­inaugural o unang kam­peon noong 2006, nang kanilang pataubin sina Earl Strickland at Rodney ­Morris ng United States.

Muling nanalo sina Reyes at Bustamante noong 2009, nang kanilang pasukuin ang tandem nina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany.

Sa susunod na buwan, ­muling magbabalik si Reyes sa naturang torneo ka-team up si Biado, US Open champ.

Hindi na rin bago si Biado sa World Cup of Pool. Katunayan, umaksyon sila ni Jeff De Luna at nag-runner up ­finish noong 2019.

Maliban dito, nakipag-partner din siya kina Johann Chua, De Luna, at Warren Kiamco. Kaya umaasa siya na suswer­tehin na sa fifth try kasama si ‘The Magician.’

Kapwa kinapos sa 31st SEA Games sina Reyes at Biado. Ang una ay nag-bronze medal sa one-cushion carom, habang ang huli ay silver medalist sa 9-ball ­singles matapos matalo kay Chua.

183

Related posts

Leave a Comment