MARIING kinalampag nitong mga nagdaang araw ang Senado at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng mga panawagang imbestigahan din ang tinawag na ‘Insertion Mafia’ sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na ibinulgar kamakailan ng isang digital news platform. Sa nasabing news report ay pinangalanan ang isang Usec Faye De Sagon na bahagi umano ng ‘kickback scheme’ ng grupong sinasabing nasa likod ng pagsingit ng bilyon-pisong pondo sa badyet ng national government para sa DICT. Iba’t ibang mga komento pero nagkakaisa ang panawagan ng netizens sa social media na…
Read MoreCategory: Uncategorized
Advocates umapela sa SEC interest cap, nagbabala sa negatibong epekto nito sa mga Pilipino
MANILA— CitizenWatch Philippines nagbabala sa panukalang interest rate cap ng Securities and Exchange Commission (SEC) para sa maliliit at unsecured na pautang na maaaring magdulot ng kaguluhan sa kasalukuyang small-credit ecosystem ng bansa. Ayon sa grupo, ang naturang panukala ay maaaring magtulak sa milyon-milyong Pilipino na manghiram sa mga ilegal na pautang o nagpapautang. Nakasaad umano sa draft circular na inilabas noong Oktubre 29 na lilimitahan sa 10 porsiyento kada buwan ang effective interest rate para sa mga unsecured loans na nagkakahalaga ng P20,000 simula Disyembre ngayong taon. Ito ay…
Read MoreBARMM protocol sa proteksiyon at rehabilitasyon ng mga bata sa loob ng ‘condlict zones’ todo ang suporta ng Marcos admin — OSAP
MANILA – Muling pinagtibay ng administrasyong Marcos ang pangako nitong protektahan at tulungan ang rehabilitasyon ng mga bata sa loob ng tinawag na “armed conflict zones.” “Ang paglunsad ng Bangsamoro Protocol on Handling ‘Children in Situations of Armed Conflicts’ ay may suporta ni Pangulong Marcos at ng kanyang buong administrasyon,” sabi ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo. Ang inisyatiba para protektahan ang mga kabataang naiipit sa lugar na may armadong awayan ay inilunsad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangsamoro Children’s Month. Ito ay nagpapakita ng pinag-isang hakbangin upang…
Read MoreLibreng Hajj pilgrimage para sa ex-MILF combatants suportado ng OSAP
MANILA – Inihayag ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang buong suporta nito sa pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagpapadala ng 500 dating mandirigmang Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang isagawa ang libreng Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia. Ang programa ay pinangunahan ng Bangsamoro Pilgrimage Authority at ng Bangsamoro Darul-Ifta’ upang mabigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na matupad ang isa sa Limang Haligi ng Islam – ang Hajj, isang banal na paglalakbay na itinuturing na tungkuling dapat gampanan ng bawat…
Read MorePNP chief Nartatez kinalampag sa talamak na bookies, jueteng sa lalawigan ng Albay
NANAWAGAN kay PNP Chief Gen. Melencio Nartatez ang netizens sa lalawigan ng Albay dahilan sa umano’y talamak na ilegal na sugal na sinasabing obyus na kinukonsente ng mga hepe ng lokal na kapulisan. Partikular na tinukoy ng mga nagreklamong grupo na civic at religious groups (nakiusap na wag banggitin ang kanilang pagkakakilanlan) ang mga lungsod ng Tabaco at Ligao na umano’y pinamumugaran ng mga ilegalistang nasa likod ng panumbalik ng jueteng, Small Town Lottery bookies at ilegal na sabong. “Sina Cols. Edmundo Cerillo, ng Tabaco City police station at Larry…
Read MoreGCash: Walang data breach, ligtas ang sistema at impormasyon ng mga user
MANILA– Tiniyak ng GCash na walang nakitang paglabag o kompromiso ang mga forensic expert sa kanilang system. Ang data umano na kumakalat online ay walang katugma sa mga opisyal na impormasyon ng mga GCash user. Ito’y makaraang sabihin ng GCash na alam ng kompanya ang tungkol sa isang online post na nagsasabing ibinebenta umano ang mga impormasyon ng mga user sa dark web. Idiniin ng kompanya na nananatili nilang prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng mga GCash user. Ang naturang pahayag ay may koneksyon sa lumaganap na online post na…
Read MoreSapat na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ramil sa Capiz pinatitiyak ni PBBM
CAPIZ – Sa gitna ng pagbangon ng mga residente mula sa pananalasa ng bagyong Ramil ay tiniyak ni Special Assistant to the President (SAP) Antonio F. Lagdameo Jr. na patuloy umano ang tulong ng administrasyong Marcos sa lalawigan ng Capiz hanggang tuluyang makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan. “Hindi po kayo nakakalimutan ng ating Pangulo. Narito po kami upang personal na makita ang inyong kalagayan at tiyakin na maipararating agad sa kanya ang lahat ng inyong mga pangangailangan,” pahayag ni Lagdameo sa kanyang pagbisita sa Capiz nitong Oktubre…
Read MoreSunod-sunod na paninira kay Romualdez bahagi ng “hit or miss” demolition job ni Guteza sa Senado — Ace Barbers
INIUGNAY ni dating kongresista Ace Barbers ang sunod-sunod na paratang laban kay dating Speaker Martin Romualdez sa tinawag niyang “hit or miss” demolition job na inumpisahan umano kamakailan ni retired Sgt. Orly Regala Guteza sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Barbers, na dating pinuno ng House Quad Committee, malinaw umano ang pattern ng mga walang basehang akusasyon na tila bahagi ng isang organisadong kampanya ng paninira upang sirain ang kredibilidad ng dating Speaker. Tinukoy ni Barbers na ang biglaang paglitaw ni Guteza sa pagdinig ng Senate…
Read MoreRomualdez bigyan ng due process – Apa Ongpin
MANILA — Nanawagan si Makati Business Club Executive Director Apa Ongpin na igalang ang karapatan ni dating House Speaker Martin Romualdez na mabigyan ng due process sa gitna ng umiinit na imbestigasyon kaugnay ng flood control scandal. Ayon kay Ongpin, hindi dapat isakripisyo ang pangalan ni Romualdez sa harap ng mga paratang hangga’t hindi pa napatutunayan ng mga awtoridad ang buong katotohanan. Binigyang-diin niya na ang anumang imbestigasyon ay dapat manatiling malaya, patas, at walang impluwensiya mula sa sinumang nasa kapangyarihan — kabilang na ang Pangulo mismo. Giit ni Ongpin,…
Read More