LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadismaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong tayong flood control structure sa kahabaan ng Padsan River sa Barangay Gabu, Laoag City. Ang nasabing proyekto, na may halagang β±47,024,704.34 ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. Ayon sa mga residente, na ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan ay ilang buwan pa lamang matapos ideklara ang pagkakakumpleto ng proyekto ay bumigay na ang bahagi ng istruktura, dahilan upang mabunyag muli ang umanoβy talamak na katiwalian sa mga flood control project sa ilang distrito. Sa…
Read MoreCategory: Uncategorized
Utos ng Presidente na ubusin at papanagutin ang lahat ng sangkot sa korapsiyon – Sec. Dizon
MANILAβ Sa gitna ng malawakang kilos-protesta sa Edsa Shrine at Luneta Park, binigyang-diin ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na βubusin at panagutinβ ang lahat ng sangkot sa korapsyon sa bansa. Nag-ugat ang mga protesta sa isyu ng maanomalyang substandard flood control projects na kinasasangkutan umano ng ilang tiwaling DPWH officials, mga contractor at mismong mambabatas. Ayon kay Dizon, hindi titigil ang ahensya hanggaβt hindi natutupad ang direktiba ng Pangulo laban sa katiwalian kaugnay ng mga flood control project.…
Read MoreIqbal pinagpapaliwanag ng COA sa P1.7-B pay out ng BARMM education ministry sa loob ng isang araw
Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Audit ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos lumabas ang ulat na naglabas ito ng P1.77 bilyon sa loob lamang ng isang araw sa ilalim ng pamumuno ni Minister Mohagher Iqbal. Nagkaroon umano ng payout na halos dalawang bilyong-piso noong Marso 7, 2025 na nakalaan para sa Learnersβ at Teachersβ Kits, subalit ayon sa lumabas na reklamo ay hindi umano ito dumaan sa pagsusuri at lagda ng Finance Division, isang paraan upang masiguro ang legalidad at…
Read MoreSAP Lagdameo kinilala ni Chief Minister Macacua sa pangunguna sa BARMM peace process
KINILALA ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua ang kontribusyon ni Speacial Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. para sa mahalagang papel nito sa pangunguna at pagsulong ng peace process sa rehiyon. Sa talumpati ng chief minister na βChief Ministerβs Hour,β pinuri at kinilala ni Macacua ang aktibong partisipasyon ni Lagdameo sa mga inisyatiba ng pambansang pamahalaan para sa kapayapaan, kaunlaran, at progreso ng BARMM. Ayon kay Macacua, nagsisilbing direktang tulay si Lagdameo sa pagitan ng MalacaΓ±ang at mga komunidad ng Muslim, Kristiyano, at…
Read MoreDPWH undersecretary umalma sa fake news, pinabulaanan ang korupsiyon at pagkakasibak sa puwesto
NAGSALITA na rin si Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary for regional operations Roberto R. Bernardo sa harap ng pagkalat ng fake news at mga malisyosong alegasyon online na nag-aakusa sa kanya ng korupsiyon at nagpapayaman habang nasa posisyon. Ang mga online report ay nagbigay rin ng maling impormasyon sa publiko hinggil sa kanyang katayuan bilang opisyal ng DPWH, na nagsasabing βsinibakβ siya ng Pangulo dahil sa mga isyu ng korupsiyon. Bilang isang matagal nang lingkod-bayan na nagtatrabaho sa DPWH sa loob ng halos apat na dekada, mariing…
Read MoreSen. Jinggoy pinangalanan 3 opisyal ng DPWH na sangkot sa pagguho ng Isabela bridge
MANILA – Pinangalanan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umanoβy may kinalaman sa pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela. Nabunyag ang pagkakilanlan ng mga opisyal ng DPWH nang tanungin ni Sen. Rodante Marcoleta si Estrada matapos ang kanyang privileged speech noong Agosto 4, kung saan binigyang pansin ang bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge na nagkakahalaga ng mahigit β±1.2 bilyon. Sa pagtatanong naman ni Sen. Imee Marcos ay nilinaw ni Sen. Estrada na walang kinalaman…
Read MoreMAG-ASAWANG TALUNAN NOONG 2025 ELECTION SA PAGKA-GOV, UMAASINTA NG UPUAN SA BARMM PARLIAMENT β REP. MANGUDADATU
ISANG mag-asawang natalo noong May 2025 elections ang pinaniniwalaang nasa likod ng disinformation campaign laban kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo kaugnay sa mga isyung ipinakakalat sa Bangsamoro Automomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pahayag ito ni Maguindanao del Sur Congressman Esmael βTotoβ Mangudadatu hinggil sa mga isyu sa BARMM na pilit iniugnay ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu kay Lagdameo upang dungisan ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang special assistant. Bago pa ang 2025 elections ay lantaran nang inihahayag sa publiko ng…
Read More2 opisyal ng DPWH kinuwestiyon sa isyu ng pagkumpuni ng Cabagan bridge sa Isabela
KINUWESTIYON ng ilang sektor ang naging papel ng matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways sa umanoβy pagkabigong makumpuni at mapagpatibay ang Sta. Maria – Cabagan Bridge sa lalawigan ng Isabela sa kabila ng matagal na panahon ng kanilang panunungkulan. Si Usec. Eugenio Pipo, Jr., na nagsilbing Assistant Secretary for Luzon Operations mula 2016 hanggang 2020, ay naitalaga bilang Undersecretary for Regional Operations noong 2022. Sakop ng kanyang nasasakupan ang Cordillera Administrative Region, Region I, Region II, at ilang bahagi ng Mindanao. Bilang Usec for Operations, siya…
Read MoreBumagsak na Sta. Maria Bridge: Netizens, nanawagan ng resulta ng Imbestigasyon
Mahigit apat na buwan matapos ang pagbagsak ng Sta. Maria Bridge sa Cabagan, Isabela, nananatiling walang inilalabas na opisyal na resulta ng imbestigasyon mula sa Department of Public Works and Highways o sa Senado. Dahil dito, nanawagan ang publiko at mga netizens ng malinaw na pananagutan mula sa mga sangkot sa proyekto. Noong Pebrero 27, 2025, bumigay ang bahagi ng Sta. Maria Bridge habang tinatawid ng isang overloaded na dump truck na may bigat na humigit sa 100 tonelada, higit pa sa pinapayagang 44 tonelada. Anim ang nasugatan sa insidente. Matapos…
Read More