ILANG Chinese fishing boat ang pinigilan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine-Western Command na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa bisinidad ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa AFP, talagang binabantayan nila ang mga “hindi awtorisadong” Chinese fishing boat malapit sa Ayungin Shoal na pinagsususpetsahang nagsasagawa ng cyanide fishing sa area.
“In adherence to established protocols, AFP personnel promptly escorted the unauthorized fishing boats out of the area and confiscated bottles containing suspected cyanide chemicals reportedly used for destructive fishing,” ayon sa AFP.
Ayon sa AFP, legal ang patuloy na presensya at pagpapatrolya ng militar ng Pilipinas sa WPS.
Sa pahayag ng military, bahagi lamang umano ito ng kanilang mandato na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino, itinataguyod ang integridad ng teritoryo, at isulong ang pangangalaga sa kapaligirang dagat sa loob ng maritime domain ng bansa.
(JESSE RUIZ)
20
