CHINESE NAKALAWIT NG BACKHOE, PATAY

QUEZON – Patay ang isang Chinese national sa nangyaring freak accident na kinasangkutan ng isang backhoe sa powerplant sa bayan ng Mauban, sa lalawigang ito, noong Sabado.

Kinilala ang biktimang namatay na si Song Wei, 38, tubong Wuhan, China, at empleyado ng Hubae Suisung Mini Hydro Powerplant sa Barangay Cagsiay 3.

Batay sa report, iniinspeksyon ng biktima ang kanilang Volvo 290 backhoe habang ino-operate ng isang trabahador, nang aksidenteng maputol ang bucket arm nito.

Bumagsak ang bucket arm nito at tumilapon patungo sa biktima.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na agad isinugod sa Laguna Doctors Hospital sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Kasalukuyang inaayos na ang bangkay ng biktima para maiuwi sa China. (NILOU DEL CARMEN)

265

Related posts

Leave a Comment