SINILBIHAN ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na Chinese national ng warrant of arrest sa loob ng Pasay City Jail dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Zhong Hang, alyas “Lucas Tan Anita”, may asawa, negosyante at nanunuluyan sa Legacy Village, BF Homes, Parañaque, nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention (RPC Art. 267 na inamiyendahan sa Republic Act 18 at Republic Act 1084).
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9 , bandang alas-2:50 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek sa loob ng Pasay City Jail sa F.B. Harrison Street, Pasay City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni
Presiding Judge Elmer Joseph R. Guerzon, ng Regional Trial Court, Branch 114, Pasay City. (RENE CRISOSTOMO)
218 