MULING ipinakita ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay, ang New People’s Army, ang tahasang paglabag sa umiiral na Ottawa Convention at International Humanitarian Law hinggil sa paggamit ng landmine gaya ng ginawa sa Northern Samar na ikinamatay ng isang sundalo at malubhang ikinasugat ng limang iba pa.
Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-9:25 noong Lunes ng umaga, isang anti-personnel mines ang sumabulat sa Brgy. Osang, sa bayan ng Catubig, target ang CSP Teams ng 20th Infantry (We Lead) Battalion na nagsasagawa ng combat patrol operation.
“The casualties were transported to Eastern Visayas Regional Medical Center for appropriate medical attention,” ayon sa ulat na ibinahagi ni Second Lieutenant Joyce Anne Bayron, Acting 20th IB spokesperson.
Nabatid na ang Barangay Osang ay isa sa anim na recipient barangay sa Northern Samar na makatatanggap ng P20 million halaga ng ayuda para sa Barangay Development Program (SBDP) para sa taong 2021.
Bunsod ito ng paghihirap ng mga sundalo para linisin ang mga barangay mula sa presensya ng communist NPA terrorists. Target ng mga rebelde na mabawi ang kanilang mga nawalang mass base.
“This is one of the reasons why the AFP and PNP tied up to re-deploy CSP Teams in Brgy. Osang and other conflict-affected barangays to ensure that the project implementation of SBDP will push through and not be hampered by the NPA’s extortion and intimidation. The ‘We Lead Troopers’ cannot allow the people of Las Navas and Catubig to be deprived of government services because of NPA’s deceptive propaganda and lies,” dagdag pa ni Bayron.
Matatandaang noong Abril 3, 2022, gumamit ang mga CNT ng anti-personnel mines (AP Mines) laban sa CSP Teams ng 20th Infantry (We Lead) Battalion sa paligid ng Brgy. San Miguel, Las Navas, Northern Samar na ikinamatay ng dalawang pulis at apat pang tauhan ng Army at PNP.
Gumamit din ang CPP-NPA ng apat na AP Mines noong Hulyo 5, 2022 na ikinasugat ng pitong Army personnel sa Brgy. Magsaysay, Mapanas, Northern Samar. (JESSE KABEL)
207 