CIDG ‘DI TATANTANAN NG PNP SA ‘WOW MALI’ NA PAG-ARESTO

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO)

HANGGANG kagabi (June 10) hinihintay pa rin ng pamunuan ng PNP ang paliwanag ng CIDG sa umano’y maling pag-aresto sa isang kolumnista sa Lagindingan Airport Linggo ng umaga.

Ayon Kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, pinalaya na si Online Davao Today na si  Fidelina Margarita Valle itong unang arestuhin sa bisa ng isang arrest warrant.

Si Valle ay nasa Lagindingan Airport pauwi na ng Davao nang arrestuhin ng mga tauhan ng CIDG Zamboanga Del Sur PFU, RSOG PRO9, PIB ZDSPPO, RMFB9, 102nd Bd PA, 53rd IB, AVSEG10 at Laguindingan MPS sa patung-patong na kaso tulad ng Multiple Murder with Quadruple Frustrated Murder and Damage to Government Property na inisyu ng RTC 10 branch 36 sa Calamba, Misamis Occidental noong Dec 2011, at para sa arson na inisyu ng RTC 9, branch 20 Pagadian City noong 2006.

Unang iniulat ng PNP na si Valle ay “one and the same person” na subject ng warrant na nagngangalang Elsa Renton, alyas Tina Maglaya, at alyas Fidelina Margarita Valle.

Gayunman, nang dalhin ito sa CIDG 9 para kilalanin ng isang witness, sinabi ng testigo na  hindi si Valle ang indibiduwal na tinutukoy sa warrant, bagama’t ‘mayroong pagkakahawig’.

FAILURE OF INTELLIGENCE SINISILIP NG PNP

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na mayroon na silang mga nakalipas na kaso ng mga naaresto dahil sa ‘mistaken identity’.

Sinabi ni Albayalde na mayroong mga pagkakataon na nagkakamali ang kanilang mga tauhan sa paghuli ng suspek lalo na kung hindi sigurado ang ‘complainant’ sa itinuturo nito.

Gayunman, kanyang tiniyak na kapag napatunayan na mali ang nahuli nilang suspek ay agad naman nila itong pinapakawalan.

Dagdag pa ni Albayalde, sa ngayon, sinisilip na ng PNP ang ‘failure of intelligence’ sa kanilang parte at sakaling mapatunayan na nagkaroon ng pagkukulang ang mga pulis na sangkot ay  posibleng maharap sa kasong administratibo.

Sa panig naman ni Major General Amador Corpus, hepe ng CIDG, sinabi nito na kumukuha na rin sila ng paliwanag sa mga tauhan CIDG sa Police Regional Office 9 para sa buong insidente.

Samantala, hinihimok naman ng PNP ang biktima na magsampa ng kaso kung sakaling sa tingin nya ay may nagawang paglabag ang mga tauhan ng PNP na umaresto sa kanya.

145

Related posts

Leave a Comment