COUNTER-INTELLIGENCE TF NG PNP, BINUWAG

albayalde121

(NI NICK ECHEVARRIA)

BINUWAG na nitong Biyernes ng Philippine National Police (PNP) ang Counter Inteligence Task Force (CITF), kasabay ng inagurasyon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) bilang pangunahing unit na tutugis sa mga tiwaling pulis.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, ang bagong tatag na IMEG ang ipinalit sa nilansag na CITF matapos ang dalawang taong operasyon nito sa pagsasagawa  ng mga intelligence build-up at pagtugis sa mga police personnel na sangkot sa ilegal na mga aktibidad.

Gayunman pamumunuan pa rin ni P/Col. Romeo Caramat na dating commander ng CITF ang 306 na mga uniformed personnel ng bagong tatag na IMEG na binubuo ng 55 mga commissioned officers at  251 non-commissioned officers.

Idinagdag pa ni Albayalde na mas magiging mahigpit ang pagsala sa mga pulis na itatalaga dito na kailangang pumasa sa backgroud investigation at screening process tulad ng neuro psychiatrict examination at dapat tapos ng intelligence course at seminar.

Samantala, patuloy namang magbibigay ng mga tactical support sa binuong IMEG ang isang company mula Special Action Force ng PNP.

Ang hakbang ay para higit na mai-institutionalize ang iternal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya dahil sa pinalawak at pinalakas   na operasyon ng IMEG.

 

180

Related posts

Leave a Comment