IBINALITA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napatag na ng Pilipinas ang kurba ng coronavirus sa bansa.
Malinaw aniya na ang ibig sabihin nito ay kaunti na lamang ang mga tao na kontaminado ng COVID- 19.
“Recent scientific studies have shown that COVID-19 curve in the Philippines has flattened. Walang mga — no significant contamination has been noted by government. This means that the government effort that we are guided by the best interest of public health and the crucial data provided by medical science paid off,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
Ang dahilan aniya nito ay ang mga ginawang preventive measures ng pamahalaan kagaya ng COVID quarantine.
Binigyang-diin ng Pangulo na malaking tulong ang covid quarantine dahil kakaunti lang ang tao na sa lansangan na mako-contaminate habang ang iba naman aniya ay umiwas.
Isa pa aniya sa mahalagang factor na maaaring maiambag sa development na ito ay ang “awareness” ng publiko at pagsunod sa minimum health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Ganito ‘yon, sumunod kasi kayo sa pagbawal na mga — ipinagbabawal ng gobyerno. We had obedience and people followed. That meant a lot and contributed to what is happening now, that
there is a flattening of cases,” ayon sa Pangulo.
“Iyong local government executives also played a vital role in the implementation of anti-virus or virus measures in their localities. Mayroong iba talagang to the hilt, followed protocol to a T. Well, it redounded to the benefit of the people of their localities and I salute you for doing your duty very well,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Gayunman, sa kabila ng mga positibong kaganapan ay mangyari lamang aniya na manatiling bigilante at huwag maging kampante.
“Remember that the lessening of contamination wala na masyadong tao nagkaroon ng COVID is not because COVID-19, the germ, is gone. It is there floating around us. Kaya lang ang mga tao sumunod na.
Hindi humawak, alcohol kaagad. The mask was one important factor. Iyong mask talaga nakatulong nang mabuti and it was to your advantage that you followed government,” litanya ng pangulo.
(CHRISTIAN DALE)
189 