INIHAYAG ni Senador Edgardo “Sonny” Angara na nakatakdang alisin ang donor’s tax sa lahat ng donasyong bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) kabilang ang mga kritikal na suplay.
Sa pahayag, sinabi ni Angara na makatutulong ito sa pagpapadami ng suplay ng bakuna at iba pang kritikal at pangunahing suplay na kailangan ng bansa laban sa pananalasa ng COVID-19.
Ayon kay Angara, dapat hindi na papatawan ng buwis ang lahat ng donasyon na bakuna kabilang ang kagamitan sa administrasyon, paghahatid at pag-iimbak nito ngayon marami nang gustong bumili.
“The national government, local government units and the private sector are all in the thick of preparations for the arrival of the first doses of the COVID-19 vaccines. Many of these vaccines will be made available to the public through the generosity of donors. We want to encourage more of these donations by exempting these from the donor’s tax,” ayon kay Angara.
Sinabi ni Angara na layunin ng Senate Bill No. 2046 na inihain nitong Pebrero 10, na hindi na sisingilin ng donor’s tax ang lahat ng donasyong droga, bakuna at medical supplies na partikular na gagamitin sa panggagamot ng COVID-19.
“Also exempted are donations of capital equipment, spare parts and raw materials needed for the production of personal protective equipment components such as coveralls, gowns, surgical masks, goggles and face shields,” ayon sa panukala.
Ayon pa sa mambabatas, exempted din sa buwis ang donasyong kagamitan para sa waste management, kabilang ang waste segregation, pag-iimbak, koleksiyon, sorting, treatment at disposal services.
Magiging epektibo ang pagbibigay ng donor’s tax exemption mula Enero 2021 hanggang Disyembre 31, 2023.
Nitong nakaraang Huwebes, nagsagawa ng pagdinig ang Senate committee on finance na pinamumunuan ni Angara sa panukalang Senate Bill No. 2042 na inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na naglalayong pabilisin ang pagbili at administrasyon ng bakuna laban sa COVID-19 na ipagpapaliban ang local government unit sa probisyon ng Republic Act 9184 oa ang Government Procurement Reform Act, and other related laws. (ESTONG REYES)
151 