COVID CASES SA CALOOCAN, LUMOBO SA 5,501

LUMOBO na sa 5,501 ang COVID-19 positive sa Caloocan at isa ang bagong naitalang namatay noong Martes, Setyembre 1, kaya’t umakyat na sa 174 ang pandemic death toll sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Caloocan Health Department kay Mayor Oscar Malapitan, sa nasabing bilang ng mga tinamaan ng COVID ay 3,939 na ang gumaling.

Samantala, sinimulan nang ipatupad sa Malabon City nitong Martes ang bagong curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Hindi kabilang sa curfew ang mga empleyado na pumapasok o umuuwi ng gabi at mga authorized person outside residence (APOR). Kinakailangan lang magpakita ng katibayan tulad ng Identification Card o certificate of employment.

Ang sinumang lalabag sa curfew ay magmumulta ng P1,000 para sa first offense, P2,000 sa second offense, at P5,000 sa third offense.

Mananatiling nakataas sa general community quarantine ang buong Metro Manila, kabilang ang Malabon City, hanggang Setyembre 30, 2020.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, 149 ang nadagdag na confirmed COVID-19 cases nitong Martes at sa kabuuan ay 3,948 na ang kaso sa Malabon, 708 dito ang active cases.

Nadagdagan naman ng 92 ang mga gumaling. Sa kabuuan ay 3,087 ang recovered patients sa lungsod at hjndi nadagdagan ang 153 pandemic fatalities. (ALAIN AJERO)

157

Related posts

Leave a Comment