NADAGDAGAN pa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna kahapon.
Sa bulletin na inilabas ng Biñan City Information Office ngayong araw ay tatlo na ang positibo sa siyudad.
Ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay kinabibilangan ng isang lalaki na edad 39, residente ng Carmona Estates, Brgy. Timbao. Wala itong travel history ngunit nakaramdam ng mga sintomas noong Marso 6 at nakumpirma lamang ito nitong nakaraang Marso 21.
Sa Calamba City naman ay nakapagtala na rin ng kauna-unahang kaso ng COVID-19.
Ang pasyente ay isa ring lalaki na nakatira sa Brgy. Canlubang.
Bilang pag-iingat, nagpalabas ng mensahe ang Police Regional Office ng CALABARZON na nakabase sa Camp Vicente Lim, Brgy. Canlubang, Calamba City na hindi na muna sila tatanggap ng mga bisita sa kampo at maging mga kagawad ng media ay pansamantalang hindi makapapasok. CYRILL QUILO
