DA GIGISAHIN SA P271-M FERTILIZER SCAM

MAGIGISA sa Kongreso ang Department of Agriculture (DA) dahil sa tumataginting umanong P271 milyong overpriced fertilizer na binili ng ahensya.

Sa House Resolution (HR) 992 na inakda ng Makabayan Bloc sa Kamara, nais nilang imbestigahan ang tinagurian nilang bagong fertilizer scam dahil hindi lang ang mga magsasaka ang biktima dito kundi ang mga taxpayer.

Base sa nasabing resolusyon, nag-imbita ang DA noong Abril 28, 2020 ng mga supplier ng 5.69 million bags urea fertilizer na nagkahahalaga ng P5.69 Billion kung saan nanalo ang La Filipina Uy Gongco Corporation para mag-supply ng 1,811,090 bag na nagkakahalaga ng P1.8 Billion dahil nagkakahalaga ng P1,000 ang bawat bag ng fertilizer.

“Whereas, the total contract for the P1.8 Billion fertilizer could be overpriced by at least P271.66 million as farmers from Tarlac and Nueva Ecija attest that the prevailing price of urea is pegged only at P850 per bag,” ayon sa resolusyon.

Nauna namang itinanggi ni Agriculture Sec. William Dar ang “fertilizer scam” sa ahensya at nilinaw na kasama na sa P1,000 na presyo ng kada bag ng pataba ang transport at iba pang bayarin.

Subalit ayon sa mga militanteng mambabatas, kahit isama ang gastos sa transportasyon ay masyado umanong mahal ang pagkakabili ng DA sa abono kaya kailangan pa rin itong imbestigahan.

Isa rin sa sisilipin sa imbestigasyon ang pagkapanalo ng nasabing kumpanya sa bidding dahil may impormasyon umanong impormasy na nanalo ito sa bidding kahit walang sapat na supply.

Ipinatitigil din ng mga mambabatas sa DA ang pagbili ng karagdagang fertilizer. BERNARD TAGUINOD

137

Related posts

Leave a Comment