DA NAKATUTOK SA KARTEL NG MEAT PRODUCTS

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga hoarder o nagtatago ng mga karneng baboy at manok na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Base sa data ng kagawaran, mayroong makabuluhang imbentaryo ng lokal na kinatay at imported pork sa cold storage facilities na accredited ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Ayon pa sa DA, ‘as of third week of October 2020, ang inventory ng frozen pork ng local at imported na nasa DA-NMIS-accredited cold storages sa buong bansa ay mas mataas ng 55% sa parehong panahon noong 2019 na may 38,216 MT.

Ang inventory naman ng frozen local at imported dressed chicken at chicken parts ay mahigit pa sa 260% na 83,266 MT kung ikukumpara sa 22,953 MT noong 2019.

“This slow drawdown or small demand for frozen meat indicates that most Filipinos prefer “fresh” or newly-slaughtered meat, or traders are holding off the supply to artificially jack up prices,” ani DA Sec. William Dar.

Kasabay nito, binalaan ni Dar ang mga hog grower at negosyante na kakasuhan sakaling mapatunayang kasabwat sila sa pagsipa ng presyo ng mga nasabing produkto sa merkadoAs of October 21, ang presyo ng kasim (pork ham) ay umabot na sa P320/kg at liempo (pork belly) ay P360/kg sa mga pamilihan sa Metro Manila na P20 hanggang P40 ang itinaas kung ikukumpara sa P300 at P320 sa nakalipas na dalawang linggo.

Hiniling na umano sa Philipppine Competition Commission (PCC) na magsagawa ng kaparehong imbestigasyon para sa posibleng paglabag sa Philippine Competition Act ng mga negosyante na nagmamanipula ng supply ng karneng baboy. (JOEL O. AMONGO)

189

Related posts

Leave a Comment